CHAPTER 10: Madaya (October 2014)

2.5K 127 60
                                    


October 2014

QUEENIE

MAMAMATAY na ko kakatawa dahil kay Mama. Andito kami sa taxi ngayon at walang ginawa si Mama kundi umiyak at umungot. Maski 'yung taxi river ay tawa nang tawa.

"Mamaaaaa. Tumigil ka na nga," natatawa kong sambit, na sinabayan din ng tawa ni Papa.

"Eh kasi naman, anak. Sobrang saya ko. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap namin, eto ka at sinusuklian..."

Blah blah blah. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang sinabi ni Mama ang mga litanya niyang 'yan ngayong araw.

Today is my oath taking ceremony. Yes, indeed. Oath taking. Dahil ito na, doctor na ako. Lisensyaong doctor na ako. At hindi lang basta-bastang lisensyado because I am proud to say na topnotcher ako sa board exam.

Who would have thought? Nawindang nga 'yung mga classmates ko sa BS Bio nang nalaman nila ang tungkol doon. Eh, tamad nga kasi akong mag-aral noon. Pero eto na, ako na ngayon si Queenie Millicent Fontanilla, MD. Sarap naman no'n!

Tama naman si Mama. After years and years of hardship and slavery, eto na ko, handa nang manumpa para sa bayan. I know this is my calling. Ipinanganak ako para dito. Dito ako itinalaga ng tadahana. Kaya sobrang saya ko.

"O anak, ikaw naman ata ang nag-eemote ngayon," sabi ni Papa. "Hindi ako sanay na ganyan ka. Matapang ka 'di ba?"

"Hindi naman po ako nag-eemote."

"Oo nga pala, nakausap mo na ba si Theo?" tanong naman ni Kuya.

Tumingin na lang ako sa bintana. Psh. Theo. Hindi ko nga alam kung buhay pa ba 'yun.

Nang hindi ako sumagot ay nagsalita na si Papa. "Tumawag siya sa'min kagabi ng Mama mo. Kinongratulate niya kami. Sabi ko nga ikaw ang tawagan niya, eh."

Hindi pa rin ako sumagot. Letseng Theodore 'yun. Sinabihan na pala ni Papa na tawagan ako pero hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatawagan.

"Ilang taon na 'yang LQ niyo ni Theo," sabat ni Mama habang nagpupunas pa ng ilong niya ng tissue.

"Ma! Anong LQ sinasabi mo po diyan? LQ means Lover's Quarrel. Lover ba kami nu'n?"

Napansin kong nagkatinginan si Mama at Papa at nagngitian. Geh, kayo na teenager.

"Pagpasensyahan mo na si Theo anak," sabi ulit ni Mama, "may pinaghahandaan kasi ang batang 'yun."

"A-Ano namang paghahandaan nun?"

"Kasal niya," natatawang hirit ni Kuya kaya tumawa na rin sina Mama.

Napailing na lang ako. Ewan ko sa kanilang tatlo. Sino namang papakasalan ni Theo? Letse siya. Wala na naman akong pakealam sa kanya.


PAGKARATING namin sa venue ay nagulat ako nang nakita ko ang mga kabarkada ko noong College.

"O? Anong ginagawa niyo ditto?" tanong ko with matching kunot-noo pa.

"Baka maglalaba," sagot ni Tina.

"Mga letse talaga kayo." Inirapan ko sila at naglakad na palayo pero hinila ni Ai ang buhok ko. "Aray ko! Problema mo?!"

"Ano ka ba? Syempre andito kami para suportahan kaaaaa!" at pinalibutan na nila ko at nag-grouphug kami. Hindi ko talaga pinagsisihan na naging kaibigan ko sila.

Humiwalay ako sa pagkakayakap nila sandal. "Asan si Hanj?"

"Ayun, may ibang ka-group hug."

Napatingin kami sa kanya at ayun nga, ka-"grouphug" na si Kuya. Kaloka talaga 'tong dalawang 'to. Kailan kaya sila magbre-break? Quotang-quota na sila sa Anniversary, ah!

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon