CHAPTER 15: Hickey (January 2017)

1.5K 77 26
                                    

January 2017


"QUEENIE!" Mabilis akong niyakap ni Kuya nang nakita niya ko dito sa kwarto ni Hanj sa bahay nila. "Alalang-alala ko sa'yo, andito ka lang pala."

It's been a week since Theo almost proposed to me, simula nang lumayo ako sa lahat. I filed an indefinite leave sa hospital, they are all worried and concerned dahil wala pang 24 hours simula nang ma-promote ako pero nag-leave agad ako.

Hindi na muna ko napakita kay Theo and sa family ko. Tanging mga kaibigan ko lang nakakaalam na andito ako. I even deactivated all my social media accounts and turned off my phone.

Gusto kong magpahinga.

Gusto kong huminga.

"Quentin!"

Sabay kaming napalingon ni Kuya sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Hanj sa may pinto. "Queenie, sorry talaga! Hindi ako nagsumbong, I promise! Ang lakas lang ng radar nitong Kuya mo." Lumapit siya kay Quentin at hinila. "Umalis ka na nga dito! Hayaan mo na si Queenie, she needs space!"

"Sandali lang! Kailangan kong makausap kapatid ko!"

Tuloy sa paghila si Hanj kahit parang wala namang epekto dahil malaking lalaki itong si Kuya. "Ayaw ka niyang kausaaaap-"

"It's okay," sambit ko. "I'm okay."

Tinignan nang masama ni Hanj si Kuya, pinalo sa braso at saka padabog na lumabas.

"Diyos ko, Queenie! Ano ka ba naman? Pinag-alala mo kaming lahat! Kung kani-kanino kami nagtanong, ni hindi ka namin ma-contact! Out of reach ka palagi! Kahit facebook mo hindi namin mahanap-"

"Sorry." Tumungo ako dahil kailangan kong itago ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. "Sorry, Kuya."

Marahan akong umupo sa kama, nananatiling nakatungo. "Pagod na kasi ako." Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. "Pagod na pagod na ko, Kuya." Hanggang ang kaninang pag-iyak ko ay nauwi sa hagulgol.

"Queenie..." Umupo siya sa tabi ko.

"Hindi ko maipaliwanag 'tong nararamdaman ko. Hindi ko alam bakit napapagod ako, kung bakit nalulungkot ako, kung bakit takot na takot ako," mabilis kong paliwanag. "Ayoko na Kuya, ayoko nitong nararamdaman ko. Hindi ko na alam gagawin ko."

"Ssshh..." Mabilis akong kinulong ni Kuya sa bisig niya at niyakap ako nang mahigpit, hinaplos-haplos niya rin ang buhok ko.

"Hindi ko alam bakit ako nasasaktan, kung bakit ako nalulungkot. Hindi ko alam 'yung pinanggagalingan nitong sakit na 'to. Pakiramdam ko naipon lahat lahat sa loob ko. I'm sorry..."

"Ssshhh...It's okay, Queenie. Everything will be okay." Mas hinigpitan ni Kuya ang yakap niya. "Andito lang si Kuya..."

Lumipas ang maraming minuto bago ako kumalma. Dahan-dahan akong kumalas mula sa yakap niya, natuyo na rin ang mga luha ko.

"Getting better?" tanong ni Kuya habang hinahaplos ang buhok ko.

I nodded. "Sabihin mo na lang kay na Mama na okay lang ako, na walang masamang nangyari sa'kin."

"Queenie..." Hinawakan ni Kuya ang kamay ko. "Theo deserves an explanation."

Theo... My Theo...

"Tell him everything. Sabihin mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo, lahat ng nasa loob mo. Tell him the truth. Maniwala ka sa'kin, maiintindihan ka niya."

"Galit ba siya sa'kin?"

He chuckled. "Sinong hindi magagalit sa ginawa mo?"

Natahimik ako.

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon