Raw/Unedited
-typemehardBefore sliding into my school uniform, I tend to apply a liberal amount of light pink eyeshadow and highlighter on my nose and chin. Tap both of my cheeks for natural blush, and for my lips, I just used lip balm. I took one final look at myself in the vanity mirror, and feeling satisfied with the outcome, I turned around to find my shoulder bag.
Ayaw ko na sa makapal na make-up; it doesn't look good on me. What suited me the best was a light application to enhance and bring out more of the soft features I've got.
My books are neatly placed on the study table beside the closed laptop. Kinuha ko upang isilid ng maayos sa aking shoulder bag. Hindi naman kalakihan at kabigatan ang mga librong ginagamit namin.
Ang pang yapak naman ang aking sinunod. May tatlong school shoes akong pwedeng pagpilian: the flat doll shoes, the one with three-inch heels, and the last pair are black school boots.
Mayroon pa akong iba't ibang klase ng sapatos pang school, pero itong tatlo talaga ang paborito kong ipang pares sa aking uniform.
Maiksi ang palda ko na aabot lamang sa itaas ng tuhod, habang makapal naman ang red coat tapos ang inner white sleeves ay malamig na panloob. The school where I'm currently studying is fully air-conditioned.
At the end, I chose the doll shoes with the small heels. Pagkatapos ay hinanap ko ang aking wallet para makita kung nailagay ko ba ang students license, the card pass of the penthouse, and some crispy cash.
From my peripheral vision, I saw Nurse Iwa coming in my direction. "Ms. Arsinoe, it's time to take your medicine." She is holding a stainless steel plate with tablets and a glass of water.
"Wait. I'm looking for something." Kinakal ko ang isang bag pack ko kung naroon ba at ng hindi ko makita ay sa kabilang bag naman na mas maliit sa nauna. When I found it, I turned around to face my private nurse.
Tahimik lang palagi si Nurse Iwa, pero kung tatanungin naman ay mahilig sumagot. She's actually pretty, even with a bulky body.
Umiinom ako ng gamot pero hindi na madalas unlike before that I take it regularly, basta maiwasan ko ang mga tao o bagay na nakakapagpabago ng aking emosyon.
She gave me two different types of tablets. I swallowed it, but the bitter taste of the tablets lingered on my tongue even after I tried to wash it away with water. "Can you give me a pinch of chocolate or dates? Please, Nurse Iwa." Wanting to get rid of the urge to throw up.
Tumango ito upang gawin ang sinabi ko't kumuha sa mini fridge rito sa aking kwarto. She hurriedly gave me a small piece of chocolate. I took a bite, but since it wasn't that sweet, I let it melt on my tongue. "Thank you." She nodded again, as expected.
Sinusuklay ko ang aking buhok ng magpaalam si Nurse Iwa na magbanyo muna at hintayin ko siya rito. Nilabas ko sa drawer ang ilang hair clips na binili ni Martin sa akin from Bohol. It's handmade, gawa ng mga bata sa orphanage, where he and my father and other politicians gathered for a convention.
Papa bought me souvenirs too.
Lumipas ang sampung minuto pero hindi pa siya bumabalik kaya napatayo ako dala ng inip.
I gather my things; if she's taking out her fluxes, I'll be late for my first period of class. Bahala na nga at aalis na akong mag-isa!
Just as I was about to leave, the double doors of my room harshly swung open. Lola entered with anger etched on her face, which made me step back when she halted in my direction, and the next thing that happened was that she slapped me across the face.
Gulat man sa hindi inaasahang malakas na sampal ay agad akong nakahuma at tinititigan ng masakit si Lola.
"You're an ungrateful granddaughter! How dare you make a decision without consulting me first? You can't leave this mansion and live with him! Napaka boba mo para pumayag magpabahay at hindi inunang paghiwalayin silang mag-asawa!"
Just as the bitterness subsides, Lola's venomous words echo through my room. I couldn't help but give her another menacing look.
Alam na niyang aalis na ako rito, kaya nagagalit ito dahil wala na silang makokontrol at mamanipulahin. Bumuga ako ng hangin bago sumagot.
"Bakit ka galit? Aren't you supposed to be happy because he wants me so much? What is to you if we'll live together? This is your plan, right? We are moving accordingly." Gusto kong umirap.
Akala ba niya'y ganun na lamang kadali ang lahat? Sila ang nagluklok sa akin sa sitwasyong ito.
"Don't call me stupid! Nakalimutan mo na po bang, I am the reason why the family business isn't busted yet by the authority! Kulang pa ba ang ginagawang proteksyon ng gobernador at ng kapatid niyang presidente sa bawat pag-angkat niyo ng droga at armas? Halos gusto niyo naman ni Lolo na roon ako manirahan sa kaniya. Kaya nakakapagtakang nagagalit kayo ngayon." Damn, nakakawala ng pasensya.
Pinanlakihan ako ng mata ni Lola sa mga sinabi ko, hindi na niya ako masisindak ngayon.
Wala ng epekto ang bawat pandidilat ng mga mata at masamang salitang na sa akin ay pinagduduldulan.
"Anong pinagmamalaki mo, Arsinoe? Si Martin? Without us and or even him, you're nothing and useless. Simple lang ang dapat mong gawin pero hindi mo pa magawa. Hindi sapat ang pagiging kabit lang, dapat maging asawa mo siya. Bakit kami lang ba nakikinabang? He gave you properties, jewelries, cars, and money! That should be happening in your lifetime, so for it to continue, you have to outsmart him by convincing that he should marry you! But instead, you gave him a reason to prolong his marriage to Helga." She paused.
"Impossible na hindi mo hinangad na mapasayo lahat!" Dinuro ako at gustong sabunutan.
Tama na ang pananakit sa akin physically, verbally, and mentally!
"Ang tanging hinahangad ko sa aking buong buhay ay mahalin at unawain ako ng ating pamilya. Hindi ako masaya sa mga materyal na bagay. Do you think I'm happy doing those nasty things with him? Araw-araw akong pinapatay ng kunsensya at awa para sa sarili bakit sa ibang tao ako nakikiamot ng atensyon, pag-aalaga, at pagmamahal na dapat sana kayong pamilya ko ang nagbibigay at nagpaparamdam!"
It was my heart confronting my grandmother.
Sobrang ligaya pagkasama si Martin, hindi ko kasi ramdam na kulang ako sa aruga dahil pinupunan niya lahat. Pero sa tuwing u-uwi na ako doon pumapasok ang katotohanan na, it's just temporary happiness. I cry in my sleep. Hindi lamang ilang libong beses ko pinag-iisipang kumalas ngunit sa tuwing tatangkain ko marami nang nahinging pabor ang grandparents ko sa kaniya.
Kung naiintindihan lang sana ako, kung totoo sanang nagamot ako, kung ang pagmamahal na pinaramdam nila ay tunay, at kung ang pagtanggap ay walang halong pagkukunwari hindi ako magiging ganito.
Lubog na lubog ako sa kumunoy, kaya kahit pilit kong i-ahon ang sarili lumulubog ako pailalim.
"Huwag mo akong dramahan, Arsinoe! Don't think of those; it was just your disorder making you feel untreated well. Lumalayo tayo sa dapat pag-usapan. Naantala ang shipment, and the client was very dissatisfied with the method of delivery of his substance at the port. Sabihan mo ang gobernador na huwag kaming sinusubukan at babantaan dahil hindi talaga ako papayag na tumira ka ng tulayan sa kaniya! Bullshit! If it's not about the security, I'll give you to another politician who's way more useful!" Tila ba ay normal lamang na sermon ang sinasabi sa akin.
Kailan ba sila magigising sa kabutihan?
O kahit pagbabago man lang, subalit malabo na ata mangyari pagka't sobrang itim ng kanilang budhi.
Paanong may ganitong tao na kayang ibugaw ang sariling kadugo para sa kapangyarihan at pera? Nakakaya sikmurain ang ganiyang kaisipan na ipagamit apo sa mga politiko.
Napakasama at naging kapamilya ko pa talaga ang ganitong mga klaseng tao.
It made me laugh bitterly.
"What I'm hearing right now disgusts me so much that I want to puke immediately. I couldn't stomach how filthy your words were, Lola. Enough. I already betrayed my own father; I already shame my mother for having an affair with a married man."
No matter what I do to prove myself in this family, I will not be enough. I'm not a robot not to feel any pain; I'm not a toy to be shared with anyone!
She gives me a cold stare, as if she isn't hearing anything. Gawa ata sa bato ang puso mo, Lola! Aanhin ba nila ang lahat kung sa hukay hindi rin lang rin yan madadala!
"Hindi kana umiinom ng gamot kaya ganito mo nalang ako sagutin at sumbatan. Lumalala ka, lumalabas ang pagiging suwail mo at hindi marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong minahal, tinanggap, at pinagamot ka nang mga panahong ni isa sa mga magulang mo ayaw kang alagaan."
Nagpintig ang aking pandinig, mula sa kalmado ay tila nagwelga ang kalooban ko at gusto kong magwala!
"Come on! Stop lying! Alam mong matino akong iniluwal at pinalaki ni Mama! But you and Lolo ruined me badly! Noong bata ako hiniram niyo ako para ipasyal but instead both of you forced me to watch a crime at such a young age. I got traumatized at para hindi ako magsumbong tinuturukan niyo ako ng droga! Hindi kinaya ng ulo ko, I couldn't cope up until I developed intermittent explosive disorder! Pinagtakpan niyo pa! To cover it and to control my sudden outburst of anger, the dosage of the drug that was forcedly injecting me against my will was double!" Bumababa at taas ang aking dibdib.
Ang aking dalawang kamay ay nanginginig habang nagkiskisan naman ang mga ngipin ko sa galit.
"Arsinoe." Tinaas ko ang hintuturo pinapatigil ito sa pagsasalita upang hindi umalingasaw ang baho ng kasinungalingan na sa kaniyang bibig ay lumalabas.
"Kasabwat niyo pa pati ang mga kasamahang doktor ni mama para ang lumabas lang sa psychological evaluation ko ay tanging Bipolar disorder! Ginagamit niyo sa akin iyon para mapasunod ako sa lahat kaya nang mga nakaraang buwan ay hindi ko maalala then next thing I know is that I'm a mistress? Magic? No! I was drugged by my own grandparents! Ganun kasuklam-suklam ang pag-uugali niyo ni Lolo."
She tried to compose herself. Naguho ang istriktang postura at mapangmataas na aura ni Lola. "Shut up! Baliw ka talaga, kung ano-ano ang sinasabing mong walang katuturan!" Huli na nga ayaw paring umamin sa kasalanan.
I scoffed.
"Sino pong mas baliw sa atin, Lola? Ako na napabayaan o kayo ni Lolo na patuloy na ginagago ang pamilya? Kayo ang walang katuturan ang pag-iisip! Sinong matinong tao ang paniniwalaing magpinsan ang magulang ko pero ang katotohanan ay hindi! Bored ba kayo para paglaruan ang buhay namin? Sinira niyo na nga ang mga magulang ko pati pagkatao ko binaboy niyo!" Nanggagalaiti kong sigaw.
Nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Tumahimik ka, Arsinoe! Wala kang alam!" She's screaming at the top of her voice, trying to scare me, but no, not anymore.
Halos maputol na ang litid sa kaniyang lalamunan.
Tama ka na, Lola!
"Marami po akong alam, kayo po ni Lolo ang epektibong mentor. Mahusay po ninyong akong naturuan maging masamang tao." Ngumisi ako.
Tumalim ang kaniyang titig sa akin, para bang pagtumalikod ay saksakin nalang ako bigla.
"Ang kakarampot mong kaalaman ay wala pa sa dapat kong ikatakot-" I cut her off.
Diyan ka nagkamali.
"Talaga po? Ganito kunwari hindi ko alam; na ampon si Lolo ng pamilyang Salem, hindi siya ang tunay na ama ni Papa and Uncle Richmond. It was Lolo Rico, your first husband. And my mother's biological father was none other than Lolo! Nagpakasal kayo after Lola Salome and Lolo Rico died." Anim na buwan ding hinanap ko ang kasagutan.
Maski sekreto nila'y nahukay pa gaano man kalilim ang pagkakabaon.
"Wait, there's more! Funny and not shocking at all was that you're the other woman too. Kaya pala gusto mo akong maging kabit kasi yun ang role mo while you're married to Lolo Rico but cheating on him by his adoptive brother, my Lolo Ryan! I'll give 10/10 how impressive both of you orchestrated their deaths! The audacity, kinakamkam niyo ang perang wala pala kayong karapatan!"
I caught her so well that she turned pale!
Bumuka ang bibig niya ngunit hindi ko na binigyan pa ng pagkakataong maglabas pa ito ng kamandag ng kasinungalingan.
Money, money, money—the root of evil!
Sa estado ng buhay, karangyaan, at kapangyarihan sa lipunan kaya maraming nagpapatayan. Kabilang sila riyan nagpapanggap sa bawat ngiti at mabangong salita upang ikubli ang kadilimang tinatago. Mga traydor na hindi mo alam kailan aatake at parang salot bigla biglang dumarating ng hindi inaasahan.
Pumasok si Nurse Iwa na basang basa ang buong katawan kasunod ang mga bantay kong may hawak na mahabang assault rifle and pointed it to my grandmother.
The table has turned.
"Wala akong gagawin upang pigilan si Martin sa anumang gusto nitong gawin sa inyo kagaya ng wala na kayong magagawa kung aalis ako rito. Isisiwalat ko sa buong pamilya ang katotoh—"
"Hindi mo pwedeng gawin iyan!" Sinubukang sumugod ni Lola sa akin ngunit lumapit ang mga bantay ko at mas tinutok ang assault rifle.
"Wanna test me?" She's mad at me.
Kinulong ko ang aking lola sa master's bedroom nila. Hinihintay ko na lamang ang pagdating ng aking lolo upang magkasama na sila sa kwarto. Kompiskado ang lahat ng gadget sa loob ng mansyon maliban sa aking mga ginagamit. Bawal din ang pagtanggap ng mga bisita maski kapamilya.
Napapalibutan ng mga armadong lalaki ang kabuang sakop ng mansyon. Hindi lang ako ang mag-isang nagplano nito, but I will take the blame if something goes wrong.
Martin is calling, but I'm not answering.
Nasa opisina ako ng aking Lolo matapos niyang dumating kanina mga sampung minuto na ang nakalipas matapos Itong bumaba ng limousine ay pinakuha ko na ito agad para wala ng takas at piglas na malala.
Isa-isa kong pinaghahanap ang mga papeles na kailangan ni Ate Khalista dahil siya naman talaga ang tagapagmana sa lahat. I have a share since I'm Richard's only daughter, but the heiress is only one girl, and she's older than me.
Hinanap ko rin ang ilang katibayang magtururo na ang grandparents namin ang nagpapatay sa asawa ni Kuya Dima. They killed her and the unborn child in her womb.
Lahat ng mga ebidensyang nakalap ko ay pinadala ko kay Ate Khalista. Alam na nito ang lahat dahil ang ilan ay ninanakaw na niya palihim.
Ang hindi ko lamang inaasahan ay ang nilalaman ng isang folder. Nanghina akong napa-upo sa swivel chair.
I know Martin can kill, but not this one. Please!
It was evidence of a massacre that happened decades ago in which Greta's biological parents were brutally killed.
She's the only survivor.
My tears are flowing continuously while reading the reports, and the allegedly suspects were Martin's family, and my father was involved!
Ang sumunod na pahina ay nagpatigil sa akin. It's not just accusations, but strong proof pointing at them for killing Greta's parents so Matias, the eldest brother of Martin, could be the president of the country.
🥺
Let me know your thoughts about this chapter.
