Nangingibabaw ang tunog ng sunod-sunod na pagtipa sa keyboard ng laptop ng isang babae sa loob ng isang coffee shop. Animo'y galit na galit ito sa kanyang sinusulat o di kaya'y nasanay itong gumamit ng makinilya kaya't ganoon na lamang kabigat ang kamay nito. Nakasuot siya ng salamin habang nakapusod ang buhok. Sa tabi niya ay mayroong kape na malamig pa sa ilong ng pusa dahil hindi na ito pansin ng babaeng abala sa kanyang ginagawa.
Hindi pa sana siya titigil nang biglang may lumapit sa kanya at tinawag ang pangalan niya.
"Danica Anore? Is that you?" tanong ng babae sa kanya
"Yes? Excuse me but do I know you?" balik na tanong sa kanya ni Danica. Sophistikada ang dating ng babae. Nakasuot ito ng blazers at may scarf sa kanyang leeg. May malapad na sinturon ito sa may beywang at nakasuot ng pantalon na may malambot na tela.
"Ano ka ba Danica? Ako 'to."
"Sana sinasabi mo na lang ang pangalan mo at hindi ako manghuhula." Mataray na sagot ni Danica. Naging ganoon na ang pakikitungo ni Danica sa mga tao. Siguro ay pinoprotektahan niya lamang ang kanyang sarili dahil ayaw niya ng sinasaktan.
"Hey Danica. It's me, Geraldine. Pati ba naman ako ay tatarayan mo?" Inilapag ni Geraldine ang kanyang kape sa mesa ni Danica. Hinatak nito ang upuan at parang batang sabik na sabik na makita si Danica. Ngunit nabawasan ang kanyang pagkasabik nang makita niyang walang karea-reaksyon ang mukha ni Danica. "Danica, hindi ka ba excited na makita ako?"
"Bakit naman ako ma-e-excite. Ikaw ang kasama ko palagi noong college at alam mong puro masamang alaala lamang ang college years ko. Sinusubukan ko siyang kalimutan pero heto ka at pinaalala mo na naman lahat 'yun." Isinara ni Danica ang laptop at inilagay sa bag. Akmang aalis na siya nang pigilan siya ni Geraldine.
"Mag-usap naman muna tayo." Pakiusap nito sa kanya. "Simula nang g-um-raduate tayo hindi ka na nagparamdam. Akala nga ng lahat namatay ka na."
"As if they care. Para ko nang nakikitang nag-sparkle ang eyes nila habang inaakalang patay na nga ako."
Natahimik ang dalawa, may katotohanan sa sinabing iyon ni Danica. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang tingin sa kanya ng mga ito. Kung matatandaan niya naman ay nagsimula lang ito nang dapuan ng malas ang kahit na sinong magtangkang manligaw sa kanya. Hanggang sa isang araw na lang buong University na yata ang tumitingin sa kanya na may dalang kamalasan. Naroong gumawa sila ng kwento na may sumpa daw siya, pinaparusahan ng Diyos, kinakarma, may nag-imbento pa nga ng tsismis at sinabing anak daw siya ni Sadako. Ang dali namang naniwala ng iba. Si Geraldine na nga lang yata ang kakilala niyang hindi lumayo sa kanya dahil na rin siguro magkasama na rin sila nito noong Highschool pa lamang. Ah meron pa nga palang isa, pero hindi na iyon inaalala ni Danica dahil nasasaktan lamang siya.
"Change topic na lang tayo, alam mo bang nakita ko last week si Viro?"
Si Viro, ang pinakamatiyagang lalaki na nakilala niya. Hindi niya alam kung may angking katangahan ito o sadyang ganoon na lamang ang pagtingin nito sa kanya. Kainitan kasi noon ng isyu tungkol sa isang lalaki na nabalian ng paa matapos siyang i-date at siya ang sinisisi dito. Ang mga mata nito ay tulad sa mga figurin na gawa sa jade ng Tsina, may biloy na malalim ito na kahit sa pagsasalita lamang niya ay lumilitaw iyon isama mo pa ang pisngi nito na umuumbok sa tuwing ngingiti siya. Nagbalik tuloy ang mga alaalang nais na niyang kalimutan.
Nakita siya ni Viro sa labas ng school, nag-iisa siya habang nag-aabang ng masasakyan nang lapitan siya nito at tanungin kung maari bang manligaw. Akala tuloy ni Danica ay binibiro siya nito kaya't isang malakas na sampal ang natanggap ng binata. Umalog yata ang panga ni Viro sa napakabigat na sampal na iyon para bang naglalaman iyon ng lahat ng galit ni Danica at sa kanya naibunton.
BINABASA MO ANG
Amor Vincit Omnia (Part of Psicom's Stupid Love New Season)
RomanceCollection of one-shot love stories starring my loyal readers. This is my way of saying thank you to them.