Fortune Telling

667 17 13
                                    

Kapag sumasapit ang buwan ng Enero at Pebrero ay kumakapal ang hamog sa Baguio. Dumadating sa punto na kung saan ay sobrang kapal niyon at hindi mo na halos makita ang dadaanan mo. Parang isang tubig sa loob ng lumang boteng mineral water. Pero hindi ito tungkol sa kapal ng hamog o sa Baguio. Tungkol ito sa kwento ng pagmamahalan ng dalawang magkasintahan sa panahon ng taglamig.

May panahon na nauso ang isang klase ng panghuhula sa Baguio. Karaniwan sa mga sumasali dito ay mga kolehiyala. Mag-aabang ka sa pasikot-sikot na daan sa oras na makapal ang hamog at malabo ang daan at hihintayin mong may isang tao na dumaan sa harapan mo. Sa oras na dumaan siya sa harapan mo ay kailangan mong takpan ang mata mo at h'wag makita ang mukha ng taong nasa harap mo. Pwede mo siyang tanungin ng kahit ano tungkol sa kapalaran mo. Pinaniniwalaang epektibo ang ganitong uri ng panghuhula at naging popular ng matagal na panahon sa Lungsod ng Baguio.

............

9:45 ng umaga, nasa loob na ng classroom ang halos lahat ng estudyante, maliban lamang kay Yeswa. Isa yata itong dakilang tambay sa labas at ipinapangalandakan sa lahat ang kanyang kakisigan bago pumasok sa loob ng room. Bagsak na mahaba ang buhok, mamula-mula ang kutis at ang labi, mataas ang cheekbone na tulad sa isang modelo at may mga matang tila nagmamakaawa. Si Yeswa ang tipo ng estudyante na gustong pumasok dahil popular siya sa school at hindi dahil gusto niyang mag-aral. May kayabangan siya pero parang mas kinikilig pa ang mga babae sa paghahangin niya, ika nga nila may karapatan naman. Lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya sa loob ng campus, lahat maliban sa isa.

Siya si Rica May Ombe, ang President ng Student Council, achiever, leader, member ng tennis club, tambayan ang library at higit sa lahat isang responsableng estudyante. Ang Council din ang nag-rereport sa guidance office ng mga pasaway na estudyante at kung mapatunayan nilang talagang nagkasala ang estudyante ay bibigyan ng suspension.

Madalas mapatawag ng Student Council si Yeswa. Bukod kasi sa siya ang madalas maging dahilan kung bakit nagrarambulan ang ilang babae sa university ay may mga pagkakataon na lumalabag siya sa rules and regulation ng eskwelahan.

Eksaktong alas-diyes na nang pumasok sa loob ng room si Yeswa. Hinawi pa nito ang buhok bago umupo sa likod ng room. Ayaw na ayaw niyang umupo sa harap ng classroom at lugar lang daw iyon para sa mga pro-active na estudyante. Humilata siya sa kanyang upuan at ipinatong sa upuan na nasa harap ang kanyang paa.

"Mr. Alamedra, baka naman gusto mong bigyan pa kita ng unan sa upuan mo?" pansin dito ng professor nila sa Sociology. Matalim ang tingin nito kay Yeswa na parang nasira na ang araw niya. Sa mga estudyante lang naman popular si Yeswa pero sa mga professor ng University ay tinuturing siyang salot.

"Pare, highblood na naman sa iyo ang prof natin."bulong dito ng katabi niya.

"Crush lang ako niyan."sabay nagtawanan silang dalawang magkaibigan.

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Ms. Rodriguez ang tawanan ng dalawang estudyante at lalo pang nainis ito.

"Mr. Alamedra and Mr. Chua, baka naman pwede niyong i-share sa buong klase ang pinagtatawanan ninyo at nang makatawa rin naman kami?" hamon nito sa dalawa.

"Natigil sa tawanan ang dalawa at halata mong namutla matapos pagtinginan ng buong klase. Pero hindi sila nakapagsalita.

"Sigena, hindi ako magtuturo hangga't hindi kayo nagku-kwento" umupo ito sa may desk ng teacher at naghintay sa kwento ng dalawa. "Sige na, nauubos ang oras natin. I-kwento niyo na."

Nagkatinginan ang dalawang magkabarkada pero ni isa sa kanila ay walang gustong magsalita.

"Mr. Chua, magkukwento ka ba o irereklamo ko kayong dalawa sa Council para ma-suspend kayo." Panakot nito sa isa.

Amor Vincit Omnia (Part of Psicom's Stupid Love New Season)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon