014

2.3K 130 112
                                    

< 014 >

IMESSAGE

Dr. Vasquez
May 11, 8:30 PM

Dr. Vasquez
Hindi ka na yata nagmamadali palagi umuwi? 😂

Dr. Buenaceves
Di naman sa ganon

Dr. Vasquez
Magkagalit kayo ni board mate? Hahaha.

Dr. Buenaceves
Di rin naman sa ganon

Dr. Buenaceves
Ayoko rin kasi sa bahay
Nakakalungkot
Parang dati ulit

Dr. Vasquez
Parang dati?

Dr. Buenaceves
Wala sina Mama
Tapos mag-isa lang akong kakain
Kalungkot kaya
Pati pagkain ko lumulungkot e hahahaha

Dr. Buenaceves
Totoo talaga 'yung kasabihan na aanhin mo 'yung kay laki-laking bahay kung hindi rin naman kayo nagkikita.
Hayyy 😃

Dr. Vasquez
Si balikbayan? Ayaw mo ayain kumain? 😮

Dr. Buenaceves
Ayaw din akong sabayan e.
Okay lang.
Baka busy sa kuwarto. Saka pagod from office.
Naiintindihan ko naman.

Dr. Vasquez
Nakakalungkot nga 😟

Dr. Buenaceves
Kumain mag-isa, oo.
Hay.

Dr. Vasquez
Kaya pala noon
Sabi mo sa akin, kapag nagka-bahay kayo ni Esmee, 'yung hindi sobrang laki hahaha.

Dr. Buenaceves
Loko hahaha
Tagal na nun.
Di ko na nga maalala.

Dr. Vasquez
Sus. 😆
Dami-dami mong plano para sa inyo noon.

Dr. Buenaceves
Hahahaha baliw
Ilang dekada na yun

Dr. Vasquez
Kahit na hahahaha
Hindi ka talaga nanghihinayang?
Read
Like kahit once in a while?

Dr. Buenaceves
Hindi.
Ewan.

Dr. Buenaceves
Okay naman kami ngayon. Civil for the past twelve years. So okay lang.

8:35 PM

Dr. Buenaceves
Pero minsan kapag gabi ano, naiisip ko.
Kung ano sana nangyari if

Dr. Buenaceves
Ganon.

Dr. Buenaceves
Di ko rin kasi alam kung anong nagawa kong mali noong pinaghihiwalay kami ni Tito Marrien hahaha.
Parang ano

8:40 PM

Dr. Buenaceves
Tumanda akong hindi ko alam kung saan ako nagkamali kay Esmee.

Dr. Buenaceves
Hahahaha.
Minsan iniisip ko kung nagkulang ba ako sa alaga, o dahil wala pa akong napapatunayan noon.

Dr. Buenaceves
Pero okay lang. Siguro kahit hindi ko na malaman.
Parang mas okay kung hindi ko nga malaman. Hahaha. Kasi kung malaman ko, baka manghinayang nga lang ako.

Dr. Buenaceves
Okay na naman kami ngayon.
Okay na 'yun. Sapat na.

More Often Than NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon