083

1.8K 149 60
                                    

reiterate lang ng legend: ★ — flashback

• • •

< 083 >

A LETTER LEFT ON ESMEE'S BED

June 10, 202M

Serrine Mary Andree,

Serrine.

Noong una akong tinanong—isang taon ang makalipas—kung gusto kitang pakasalan balang araw, ang walang pag-aalinlangan kong sagot ay oo.

Opo, kasi mahal ko ang anak niyo.
Opo, mahal na mahal na mahal ko po.
Opo, sigurado po ako.

Kasi, totoo.

Sa tatlong beses akong tinanong;
Sa harap ng altar ng bahay niyo,
Sa harap ng hapag,
Sa harap ng pamilya natin,
Ang sagot ko ay opo.

Kahit bata pa tayo.
Kahit wala pa akong kayang ipangako.
Kahit wala pa akong maipapangako.
Kahit pagmamahal pa lang ang mayroon ako at pinagkakaingatan ko.

Kahit wala pa. Wala pa akong mapatunayan. Wala pa akong mapapatunayan. Kasi hindi pa ako doktor. At malayo pa ako maging doktor.

Alam mo naman, hindi ba?
Alam mo naman na ibibigay ko ang lahat para sa'yo?

Serrine, kung kaya kitang pakasalan sa bawat siudad ng pagmamahal balang araw, gagawin ko.

Kaya, patawad. Kung sa ngayon, isang siudad pa lang yata ang makakaya ko.

Patawad kung... ngayon ang gusto nila. At hindi balang araw.

Pero, tandaan mo, kahit kailan ay hindi kita pipilitin, ha?
Kung gusto mong kausapin natin sila, gagawin ko. Kahit ako na.

Dahil kailan man ay hindi kuwestiyon ng pagmamahal ang pagsagot ng hindi.

Dahil naiintindihan ko.
At maiintindihan ko, mahal ko.

Magpahinga ka nang mabuti ngayong gabi.

Ikaw pa rin ang mahal ko bukas.

At ikaw pa rin ang mahal ko balang araw.

Luca Andres

More Often Than NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon