Kabanata I

66 5 0
                                    

KABANATA I

"HE'S VERY... intense—for a lack of a better term. Hindi ba, Miss?"

That was a certified Grade A bedroom voice, wika ni Britanni Knight sa sariling isip, habang ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang makakita ng maayos sa suot niyang salamin na may pagkataas na grado. Kung sana kasi'y... nakikita ko siya ng maayos.

Nangangati na ang kanyang kamay at gustong-gusto na niyang tanggalin ang suot na salamin. Ngunit sa bawat pagkakataon ay eentra sa kanyang isipan ang tinig ng kapatid niya. 'Adaptation is most crucial to the alliance, Britanni. Kung hindi mo kayang makiangkop, hindi ka karapat-dapat sa posisyong 'yan.'

Well yeah, para namang karapat-dapat ka rin sa posisyon, kuya.

Pinalis niya ang nagsisimulang inis sa isipan at binalingan ang katabing lalaki. Naaaninag niya ang palakaibigang ngiti nito ngunit hindi niya makitang mabuti ang facial features ng kaharap. Mainam siguro kung makikita niya ang mukha nito, kung makukumpirma niya ang hinalang mayroon siya kanina nang magsalita ito.

Pero... ano nga ulit ang sinasabi ng lalaking iyon?

"Mr. Kaizer Kaede," isang malakas at dumadagundong na tinig ang tumawag mula sa harapan. "Mind sharing to the whole class what you're sharing with Miss Knight?"

Ang kaninang tahimik na klase ay mas lalo pang tumahimik nang magsalita ang propesor. Maski ang mga puno ay nahiya na rin yatang gumawa ng ingay sa takot na masaway din ng lalaki. Narinig niya ang malinaw na paglunok ng katabi niya. Hindi na siya nagtaka kung bakit.

Professor Anthony Cane isn't like any other graying professors in the University. Hindi niya makita ng malinaw ang bawat katangian ng kanyang guro ngunit alam niya at naaaninag niya ang malinaw nitong pagkamatipuno. Halos naririnig na niya ang bawat kababaihan sa klase na namimilipit sa kanilang mga upuan sa kilig dahil lamang sa tinig ng propesor. He was sin incarnate. Boses pa lamang at hubog ng katawan na nakapaloob sa boring na black suit na iyon ang naaaninag niya. Naiintriga siya ng sobra, sa totoo lang. Pero ano'ng magagawa niya?

Hindi niya kasi talaga kayang tanggalin ang nakakabwisit na salamin sa kanyang mata.

"Pasensya na, professor. Itinatanong ko lang kay Miss Knight kung ano'ng opinyon niya sa lecture ninyo. Hindi na mauulit."

Nabalewala ang paghingi ng lalaki ng pasensya sa guro. Hindi siya sinagot ni pinansin ng propesor at sa halip ay nagpatuloy lamang ito sa pagtuturo. Ni hindi nga siya binigyan nito ng ilang segundong atensyon. At hindi niya alam kung maiinsulto ba siya roon o pupurihin ang kanyang sarili sa galing niyang i-downgrade ang mukha niya.

Ang pagsusuot lamang ng isang simpleng eyeglass na nerdy ay hindi makakatulong sa kanya ng gano'n-gano'n lang. Kung kaya naman ang orihinal na mahaba't malambot niyang buhok ay hindi niya pinagkakaabalahang suklayin sa tuwing katatapos niya lamang maligo sa umaga at ang ending ay nagiging buhol-buhol ito kapag pumapasok siya sa unibersidad. Ang orihinal niyang sopistikadang fashion sense ay nauuwi sa pagkahabang palda na maski ang nanay ni Betty La Fea ay mahihiyang suotin at isang blouse na nanggaling pa yata sa kanunu-nunuan ni Maria Clara sa sobrang luma.

In short, nire-reduce niya ang kanyang sarili sa pagiging rag doll during daytime para lang sa kapakanan ng kalokohang tinatawag ng kuya niyang 'adaptation'. Nakakatawa naman. Sa sobrang galing niyang mag-adapt, wala nang nag-aabala pang pumansin sa kanya at sa itsura niya.

Natapos ang lecture ni Professor Cane makalipas ang kalahating oras. Agad na nagtayuan ang majority ng klase at sinundan ang lalaki. Sa pagkakatanda niya'y magde-deliver ito ng seminar tackling the different behaviors in Human Sexuality ngayong araw sa stadium sa La Stanza Hall para sa kanilang mga graduate students na kumukuha ng PhD.

Beauty and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon