KABANATA VI
IT TURNS out that he wasn't just mad. He's pretty fucking enraged. At kahit pa hot itong tignan na galit, alam niyang masama ang magiging epekto niyon sa kanya. She wasn't in control with the whole class, he is. She hated that. Pero ano namang magagawa niya? Sa tunay na buhay, estudyante lang siya. Sa kabila ng pagiging kakatwa ng lahi't dugo niya, sa huli'y nasa ilalim pa rin siya ng mga may kapangyarihang wala siya.
It pisses her off, that situation. Genes lamang ang minana niya bilang Xyrin. Nang sandaling mahaluan ng ibang dugo ang isang Xyrin, mawawalan na ito ng kapangyarihan. Maca-cancel ang taglay nitong mga kakayahan na may paghahambing sa bampira't taong-lobo.
Kung hindi lang sana siya kalahating mortal...
Being a cast-out Xyrin ay ipinatapon sila sa probinsya ng Davao upang mamuhay ang mga kauri nila. Ang kauna-unahang kalahating Xyrin at kalahating mortal ay isa sa mga ninuno niya at ang nagma-may ari ng malawak na lupain ng Ariadne sa probinsyang iyon. Nagbunga ang populasyon nila hanggang sa maging komunidad at ipamana ang posisyon sa kanya.
Subalit ang pagiging Legee ng isang Xyrin Legion ay hindi madali. Lalong-lalo na kung hindi pa siya handa. Ang akala niya'y ang kapatid niya ang magmamana ng posisyon. Ang masaklap lang ay siya ang pinaupo roon. Kaya't heto siya, sinusubukang mamuhay ng normal kahit napakabigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanya.
Napapitlag siya mula sa malalim na pag-iisip nang maramdaman niya ang pagsiko ni Kaizer sa kanyang tagiliran. "Looks as though he was mad with us snooping around."
Snooping around my ass, pairap na tuya niya sa isipan.
"Wala naman tayong ginagawang masama," ganting bulong niya sa katabi. "Isa pa, napadaan lang naman tayo roon. Hindi naman natin sinasadyang makita siya. Siya 'tong gumagawa ng eksena sa publiko, eh."
Tumango-tango lang ang binata, tumahimik na ng tuluyan nang balingan ito ng propesor ng nakamamatay na titig.
Mukhang hindi lang siya ang nag-iisang target ng brooding mood nito.
Padabog na kumuha ng marker si Professor Cane at saka tumalikod sa klase upang magsulat sa board. "Instead of discussing where we left off last week, I'd like us to talk about..." and in the clean white board, a black bold text said 'DOMINANTS'.
Tumiim ang bagang ni Britanni nang mapagtanto ang balak gawin ni Anthony. Hindi siya maaaring magkamali. Nagiging personal na ito.
Dama sa ere ang pinipigil na tensyon ng mga estudyante habang nakatitig sa nakasulat sa pisara. Nang humarap ang propesor ay si Britanni kaagad ang naging target ng matalim nitong titig sa likod ng mapanlinlang na salamin nito sa mata.
"Any thoughts about the subject matter?"
Naglingunan ang lahat ng mga nasa harapan niyang estudyante. Kita sa mga mukha nito ang pagtataka at gulat na sa kanya nakatuon ang atensyon ng propesor at hindi sa ibang tao.
Her lips thinned in annoyance. And in a polite manner she answered, "No, Sir, I have no idea."
Daglit na naningkit ang mga mata nito sa kanyang direksyon bago muling matabunan ng kalmado't propesyonal nitong maskara. "I am not asking you, Miss Knight. I am asking the entire class."
Napakuyom siya ng palad, tempted na mag-martsa patungo sa direksyon ng lalaki't sakalin ito sa harapan ng klase. Damn you, Anthony Cane!
"Thoughts, anyone?" wika nito sa buong klase na nakangisi sa pagkapahiya ni Britanni, pwera lamang kay Kaizer na naiiling-iling. "No? Then I'll discuss. Dominants... are the most worthless kind of sexual orientations there is."
BINABASA MO ANG
Beauty and Madness
Romance"God, yes, Britanni. Hurt me. Take the pain away. Hurt me." Once burned, twice shy. That was Britanni Knight. His savior. His light. His redemption. The only bright light in his dark world. The balm to all his pain and sufferings. Maganda si Britann...