KABANATA IV
INVISIBLE. She was starting to think that he has a personality disorder. O baka naman may kakambal itong nagpapanggap na si Professor Anthony Cane tuwing araw. Paano ba naman kasi, naka-invisible mode na naman siya sa klase. Granted na hindi na naman niya ito nakikita ng maayos dahil sa pesteng disguise niya ngunit ramdam naman niya ang sadya nitong pagbabalewala sa kanyang presensya.
Sa kabila ng inis doon ay nakahinga siya ng maluwag. At least ay hindi na siya ang gagawa ng hakbang upang umiwas. Ginagawan pa nga siya nito ng pabor sa totoo lang.
Pero hindi niyon pinagaan ang kanyang loob. Pagkatapos ng pag-uusap nila dalawang gabi na ang nakakalipas—that had been Friday and it was Monday now—she soon calmed down at pinag-isipan ang proposition nito sa kanya. Hindi niya pa rin alam kung saan ilalagay ang sarili niya. Yes, she likes to dominate, needed the control that came along with it pero ayaw niyang maging sadista. And it was clear that Anthony is a masochist.
How on ever-loving earth can two worlds collide?
Kung ililista niya ang lahat-lahat ng pagkakaiba nila ni Anthony na maaaring maging komplikasyon sa hinihiling nito't inaalok na relasyon, baka hindi na lamang listahan ang mabuo niya. It would be a full blown directory.
Tao ang binata, siya'y hindi. He's a switch, can do top and bottom, 'tapos siya'y dominant lamang talaga. Masokista si Anthony, iniiwasan naman niyang bumalik sa pagiging sadista. She doesn't do casual fuck, and apparently, he does.
Hindi niya alam kung ano'ng nakita ni Anthony sa kanya. Inaamin naman niyang may insecurity issue siya (she wasn't able to handle that very well every now and then) pero sadyang hindi niya lang maintindihan ang atraksyon ng lalaking iyon sa kanya. Sa unang pagkikita pa lamang ay hindi na siya kaaya-ayang tignan. Ni hindi nga niya masyado itong pinagkakausap.
What the hell had he seen in her?
"That's five," bulong ng katabi niya na nakapagpapitlag sa kanya.
Kilala niya ang tinig na iyon. Kaizer. "Five?" kunot-noo niyang ulit sa sinabi nito.
"Binibilang ko ang beses na titingin siya sa direksyon mo sa bawat pagyuko mo para magsulat. You really need to steer clear of the man."
Naningkit ang mga mata niya ng saglit ngunit agad ding ibinalik sa dati. "Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi mo."
"Nagwa-warning lang ako. Pakiramdam ko lang kasi I had to protect you from him."
Protect? Tatawa sana siya kung hindi lamang nakakawindang ang sitwasyong kinalalagyan niya. So she had a guy that wants to protect her from the crazy ass Professor Anthony Cane. Kung sana lang ay kaya nitong protektahan ang kanyang katawan sa pagre-react sa presensya ng lalaking iyon, baka magpasalamat pa siya.
"Mabuti ka'ng kaibigan," ganting bulong niya rito. "Pero sa tingin ko hindi na 'yon kailangan. Hindi siya interestedo sa akin. At wala siyang magiging interes sa itsura kong ito, Kaizer."
"You're underestimating your charm, Britanni." Nakangiti nitong sabi na nagpailing-iling pa. "Well, if you say so. I'll still watch your back though."
"Okay. Sabi mo eh."
The rest of the lecture had gone boring for her. Nagpatuloy sa pagbibilang si Kaizer na hindi niya malaman kung ikaiinis ba niya o ikamamangha. Because apparently, umabot ang bilang nito sa labing tatlo bago sa wakas ay tumunog ang bell. Naunang lumabas ang propesor na tila nagmamadali. Nagtaka siya roon. Hindi niya tuloy alam kung iniiwasan ba siya nito o sadyang nagmamadali talaga ang lalaki.
Nagdesisyon siyang sa labas ng unibersidad kumain bago magsimula ang seminar ni Professor Carillo sa Sexuality and Clinical practice. Wala nang tao sa dinaraanan niyang pasilyo, marahil ay nagpuntahan lahat sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
Beauty and Madness
Romance"God, yes, Britanni. Hurt me. Take the pain away. Hurt me." Once burned, twice shy. That was Britanni Knight. His savior. His light. His redemption. The only bright light in his dark world. The balm to all his pain and sufferings. Maganda si Britann...