KABANATA VII
HINDI alam ni Britanni kung ano'ng kagagahan na naman ang pumasok sa kanyang utak at pinayagan niya si Anthony sa inaalok nitong relasyon. Of course, ang salitang alok ay mayroong napakaraming ibig sabihin. Saglit niyang inisip kung iyon nga ba talaga ang ginawa ni Anthony kanina: ang mag-alok.
Napakaraming dahilan kung bakit tinanggihan niya dapat ang lalaki. They were almost ten years apart in terms of age. Propesor niya ang magiging ka-relasyon niyang submissive. Masokista ang lalaki samantalang siya'y isang simpleng dominant lamang. Wasak ang pagkatao ni Anthony, wasak din ang pagkatao niya.
Hell. Saan kaya sila pupulutin nito?
But despite all that, she still said yes.
Crazy. Right? Talaga nga yatang nababaliw na siya.
Yet at that moment, being crazy was well worth it when she saw the light that brighten his bleak miserable eyes and the happiness that lit up his face. It was—what was the word? Ah.—overwhelming to be the reason of that happiness he felt. Nagliwanag si Anthony na parang isang christmas tree at kung tignan siya nito'y parang siya ang nagbigay ng buong mundo sa binata.
Worth it. It was all very worth it.
"Mukha kang pinagsakluban ng langit kanina, Britanni. Pagkatapos ngayon naman ngumingiti-ngiti ka na. I'm intrigued. What happened?"
Napasulyap siya kay Kaizer na nagtatakang nakatingin sa kanya, perhaps wondering kung ano'ng drugs ang nahithit niya't samu't-saring emosyon ang hindi maipinta sa kanyang mukha.
"Nangyari saan? Okay lang ako. Medyo... medyo nadi-distract lang ng konti."
"Yeah, napapansin ko nga. Itatanong ko nga sana kung anong nangyari sa inyo ni professor kanina sa opisina niya. I hope hindi mo siya sinigaw-sigawan. It would really land you into some serious deepshit, Britanni, if you did."
Napakagat siya sa kanyang labi. Well... she did screamed at him. Pero nagbati naman na sila, hindi ba? I think she made a progress, somehow.
"Uh." Napakamot siya sa likuran ng kanyang tainga, hindi sigurado kung paano ipaliliwanag ang kanyang sarili at ang nangyari kanina sa opisina ni Anthony ng hindi nagre-reveal ng unnecessary na mga impormasyon. "O-Okay naman 'yong naging pag-uusap kanina. O-Okay na kami."
"Ibig sabihin mananatili ka sa klase ni Professor Cane?"
Probably. Pero sana maayos nila iyon. "Yeah. Sa ngayon."
Kumunot ang noo ni Kaizer. "You're still intending to transfer into another class?"
Nag-aalangang tumango siya. "Plano ko pa lang, oo. Kailangan ko ring kausapin si Professor Cane tungkol do'n. Titignan ko kung ano'ng sasabihin niya."
"Yeah, that's a good call." Pag-sang ayon ng katabi.
Hindi nagtagal at nag-umpisa na rin ang seminar ni Professor Carillo. And oddly, maganda na ang mood nito. Nagtaka tuloy siya sa asta ng propesor niyang iyon. Weird.
Kataka-taka para sa maraming um-attend ng seminar ang kawalan ng presensya ni Professor Anthony Cane. Maski naman siya ay nagtaka rin sa absence ng binata. Well, he did not mention anything about going kaya siguro'y tama lang na wala siyang alam sa rason nito sa hindi pagpunta. Marahil ay may ginawa lamang itong importante.
Matapos ang seminar ay inalok siya ni Kaizer na sumabay pauwi. Ngunit dahil may balak siyang dumaan sa opisina ni Anthony ay tumanggi siya.
"Dederetso ako sa library, eh. May ire-research lang ako para sa first period ko bukas." Sabi niya bilang palusot na mukhang bumenta naman dito.
BINABASA MO ANG
Beauty and Madness
Romance"God, yes, Britanni. Hurt me. Take the pain away. Hurt me." Once burned, twice shy. That was Britanni Knight. His savior. His light. His redemption. The only bright light in his dark world. The balm to all his pain and sufferings. Maganda si Britann...