━━━━━━━━━━━━━━━
Photo
Morning selfie. Anselmo and Erasme. Both are wearing hoodies and looking sleepy. Erasme's head is resting on Anselmo's shoulder.
━━━━━━━━━━━━━━━
This was us after accidentally sleeping during a supposed all-nighter in the study hall. Pareho na kaming nakatulog sa lamesa haha. Kung hindi pa siguro kami ginising ng guard ay baka abot alas-dose kaming tulog do'n. Ginawa na naming hotel ang study hall. Hahaha.
We were supposed to have an all-nighter for our own theses. Siya lang, actually, kasi tapos na 'ko sa papel ko (nasubmit ko na nga). Pero dahil monthsary namin at hindi ko rin talaga siya mahila nang pasimple sa kung saan, sinamahan ko na lang siya na mag-aral. Hirap pala magkunwari na may sinusulat ka pa, gayong tapos ka na. Hehehe.
Kaso ayun nga. Nakatulog kami pareho.
Tulog ulit siya nang maayos ngayon sa tabi ko habang tinitipa ko 'to. Humihilik at nagsasalita pala siya kapag tulog. Siguro nananaginip siya ngayon ng pusa kasi 'miiii' siya nang 'miiii'. Hahaha. Ang cute lang.
Sleep well, duckie. Dito lang ako.
BINABASA MO ANG
Longing
RomanceAnselmo's stories for Era. Stories to remember whenever he forgets how to love.