__________________________________________
Photo
Photo taken mid-sentence. Erasme slouched between a gray cat and a calico cat, pointing at a feeding box.
______________________________
Took this photo of you today while you were busy reprimanding the cats. Sinasabihan mo sila dito na 'wag mag-away-away dahil lahat naman makakakain. Nagsapakan sila e. Hehehe. Binigyan kasi natin sila ng ham galing sa tinapay na binili natin sa Galley.Ang cute mo dito (cute ka naman parati). Seryosong-seryoso ka magpagalit, na tila baga tao talaga mga kausap mo. Hindi ko tuloy mapigilan maisip kung ganito rin ang imahe na makikita ko, 10 years later, kapag kasal na tayo at may mga anak na. Ganito ka rin siguro magpagalit sa kanila. Hehehehe.
Malapit na ang araw ng mga puso! Kinakabahan pa rin ako ngayon kahit na may maayos na ako na plano. Sana maging masaya ang araw na 'yon para sa iyo.
Comment: May 11, 2028
Pero kinasal siya sa iba.
BINABASA MO ANG
Longing
RomanceAnselmo's stories for Era. Stories to remember whenever he forgets how to love.