Louisa's POV
"Para! Para!" sigaw ko sa dyip na unti-unti nang umaandar papaalis.
Todo takbo naman ako para lang maabutan ko ito habang kumakaway ako sa side mirror. Kahit halos matanggal na ang swelas ng sapatos ko ay hindi ako tumigil hanggang sa naabutan ko ang dyip at kaagad akong sumabit doon.
"Hija, puno na!" sigaw ng drayber.
Sumilip ako sa loob. Halata naman na puno na, mukha kasing hindi na humihinga ang mga nasa loob at konting kibot lang ay may sasabog na sa kanila.
"Sasabit na lang po ako, kuya! Male-late na po kasi ako sa trabaho!" turan ko at saka ako naupo sa may pinto ng dyip at humawak nang mahigpit sa hawakan na nasa loob.
"Ay, s'ya sige. Kapit nang maayos, hija," sagot ng drayber at saka na muling pinaandar ang dyip.
Tiningnan ko ang oras sa pambisig kong relo. Ilang minuto na lang ay 8:30 na! Letche! First day na first day ko sa trabaho ay mukhang male-late pa ako.
Ngayon pa lang ay nakikini-kinita ko na ang nagdidikit na kilay ni Chin.
Nakakailang lang dahil nakatingin sa akin ang ibang pasahero. Ikaw ba naman makakita ng nakasabit na babae sa dyip tapos nakasuot pa ng maong na short at saka off-shoulder?
Ngumiti na lang ako sa kanila. Nang makarating sa CardiScent ay pinaabot ko na agad ang bayad ko at saka patakbong pinasok ang building.
"Letche! One minute na lang!" bulong ko habang nakatingin sa pambisig kong relo.
Nagdire-diretso na ako papunta sa photoshoot room at doon ay naabutan ko ang lahat na nakikinig kay Chin habang may hawak na phone.
"Three," rinig kong banggit n'ya.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumakbo na ako papalapit sa kan'ya.
"Two."
Umangat ang tingin nila sa akin.
"One."
At eksaktong pagbanggit ni Chin no'n ay ang isang hakbang ko papalapit sa kanila. Habol ko ang aking hininga habang nakatuon ako sa aking tuhod.
Sandaling natahimik ang lahat at mayamaya ay nagulat ako nang magpalakpakan at magsigawan silang lahat. . . maliban kay Chin.
"Na-survive mo ang last minute call," wika ni Katkat na lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko.
Last minute? Hindi ba last second?
"Akala ko may matatanggal na naman today, eh. Oh, nasaan na mga bayad n'yo, talo kayo!" Tumawa pa si Harvey at saka kinuha ang mga isang daan na inabot sa kan'ya ng iba.
Mukhang nagpustahan pa sila.
Hindi pa man ako nakakabawi ng hininga ay narinig na namin ang mga yabag na nagmumula sa hallway. Pumasok sa pintuan si Zayn na nakasuot ng puting sando at saka itim na pantalon. Gumagalaw pa ang hikaw n'ya sa kanang tainga.
"Good morning, Sir!" bati ng lahat.
Umayos na ako ng tayo.
"Sige na, magtrabaho na kayo," tila tamad na tamad n'yang wika at saka naupo sa bakanteng upuan sa gilid.
Nagsikilos naman ang lahat. Minsan ay iniisip ko kung paano siya naging CEO kung gan'yan siya magsalita.
Para kasing walang gana mabuhay. Akala mo laging lugi.
**
"Tingin sa taas," wika ng nag-aayos sa akin na si Cherry.
Ginawa ko naman ang sinabi n'ya. Nandito kami sa dressing room, sa tabi ko ay naroon si Katkat na nagsusuklay ng buhok.
![](https://img.wattpad.com/cover/350142508-288-k485961.jpg)
BINABASA MO ANG
Bitter Than The 2nd Time Around
RomanceSi Louisa ay masikap at mapagmahal na ate sa kapatid niya. Simula nang maulila sila sa magulang ay siya na ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid. Ngunit sa kakapusan sa pera, hindi siya nakakapagbayad ng renta at pinapalayas na siya sa...