Chapter 40

265 12 24
                                    

1 year had passed, Naging maayos na ang lahat. Bumalik na ang lahat sa dati. Si Tita Krissy ay nasa Mental dahil nalaman namin na dati pala siyang pasyente sa isang mental hospital at sa masamang pangyayari ay tumakas ito doon. She continued her theraphy there. Tinutulungan ni Ate Monique ang mga nag aalaga kay Tita Krissy kahit na busy siya sa pagmamanage ng business doon sa Pilipinas.

Ang Under flare band ay nasa showbiz industry pa rin. Walang nakakaalam ng mga nangyari kundi kami kami lang. Hanggang ngayon ay sikat pa rin ang Under flare lalo na si Andrei na tinitilian pa rin ng mga babae.

Si Venice nasa Pilipinas at tinutulungan ang parents niya sa negosyo nila. Sila pa rin ni Bryan hanggang ngayon. At ang mas nakakatuwa pa ay engaged na silang dalawa. Tama nga ang sabi nila na kung mahal mo ang isang tao, aantayin mo siyang bumalik kahit na hindi ka sigurado kung siya pa rin ang may hawak ng susi mo. Dahil sa naging sitwasyon nila Bryan at Venice, kahit umalis si Venice ay pagbalik niya siya pa rin ang nagbukas ng puso ni Bryan na matagal siyang hinintay.

Si Tanya naman nagpapagaling dahil nalaman niyang may sakit siya. Leukemia. Hindi nawala sa tabi niya si Tryxon kahit until now ay medyo mainit pa rin ang ulo niya dito. Minsan nga kapag tinatawagan ko siya ay may naririnig na lang ako na may sisigaw at kapag tinatanong ko siya kung sino iyon at anong nangyari. Ang isasagot niya ay "Si Tryxon, nambu-bwiset na naman kaya sinapak ko". Tulad ko, wala na rin siya sa Showbiz industry.

Kung tatanungin niyo naman kung anong nangyari sakin. Eto at nasa Canada ako ngayon. Tulad ng dati, pumunta ako dito para makalimot kahit saglit. Pero parang hindi naman ako makakalimot eh. katulad nalang ngayon.

Narinig ko ang pag ring ng cellphone ko sa mesa kaya kinuha ko ito at sinagot.

"Andrei" matamlay kong sabi sa linya.

"Miss me?" And I know. Ngumingiti ngiti na naman tong lokong ito.

Tumayo ako at napatingin sa bintana "Paano kita mamimiss kung halos minu-minuto ay tatawag ka sakin Mr.Red Andrei cruz?" At pumeywang pa ako na para bang nakikita niya ako.

"Ang ganda mo" Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko at napakagat na lang ako ng labi ko para pigilan ang pag ngiti ko.

"Don't state the obvious, Mr.Cruz" pagtataray ko kahit na gusto kong tumambling sa kama ko dahil kinikilig ako sa boses ng hinayupak na ito.

"So hindi ko na kailangang sabihin sayo na mahal na mahal kita kasi obvious naman, Mrs.Cruz" At para bang nagkaroon ng tambol, trumpeta at sabihin na nating buong banda sa puso ko ng marinig ko iyon sa kanya. Ewan ko ba, Pero halos araw araw niya namang sinasabi sakin kung gaano niya ako kamahal pero hindi pa rin nawawala ang kilig na nararamdaman ko tuwing sinasabi niya ang katagang iyon.

"Mrs.Cruz your face! Wala ka bang ginagawa at inaabala mo na naman ako?"

"Inaabala talaga?" Sabi niya sa pagtatampong boses na ikinatawa ko. "Bakit ka tumatawa?"

"Wala! na-iimagine ko lang yung mukha mo"

"Gwapo ko noh?" Tumawa ulit ako at pinatay na ang call.

Hahahaha. Bahala ka sa buhay mo, Mr.Andrei.

Binulsa ko ang cellphone ko at lumabas ng condo unit ko para gumala kahit saan. Wala naman akong ginagawa dito kundi kain, tulog, gala.

Naghintay akong bumukas ang elevator nang mapansin kong tingin ng tingin sakin ang isang lalaki kaya naman tinanong ko siya. "Do you need help, sir?"

Hindi naman siya sumagot at may kinalkal lang siya sa bag niya. Bumukas ang pinto at pumasok na ako. "Sir?" tawag ko sa kanya habang nagkakalkal pa rin ng bag niya. May inilabas siyang isang envelop at sa pagtataka ko ay ibinigay niya iyon sakin at tumakbo na.

Her beautiful vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon