Chapter 31

447 19 13
                                    

"Ashley!" Halos magecho ang boses niya sa buong bahay at dahil sa gulat ay nalaglag ang singsing na hawak ko.

Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag. Marahas niya akong pinaharap sa kanya. At ng makita ko ang galit niyang mga mata ay wala akong magawa kundi umiyak. Bakit ba sa tuwing may ganitong eksena ay iiyak na lang ako? Bakit hindi ko kayang lumaban sa kanya?!

"Kuya! Don't hurt ate nics!" Naramdaman ko ang pag-alog ni hazel sa damit ng kanyang kuya.

"Go back to your room, hazel" madiin niyang sabi habang nakatingin pa rin sakin.

"No! I want ate nics! You are bad kuya! Your so bad!" Panay pa rin ang pag-alog niya sa kanyang kuya hanggang sa marinig ko na ang malalakas niyang paghikbi.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng may pumasok na isang katulong.

"Patulugin mo na siya" utos niya sa katulong. Inakay ng katulong si hazel ngunit masyadong nagpupumilit ang bata.

"I want ate nics!" hiyaw niya. Buong lakas siyang kinarga ng katulong kahit na nagpupumiglas siya.

Nang makalabas sila ng bahay ay tanging hikbi ko na lang ang narinig. Nakahawak pa rin si Red sa aking magkabilang braso habang nakatingin pa rin ng diretso sa akin.

Nagpahid ako ng luha at kumalas sa pagkakahawak niya. Pinulot ko ang nalaglag na singsing ngunit bigla niya itong inagaw sakin.

"I told you stay there, Why are you fvcking here?" Nakagat ko ang labi ko. Kailangan kong maging malakas, masyado ng maraming nangyayari. Ayokong maging mahina sa harap ng lalaking niloko ako, lalaking sinaktan ako...lalaking hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.

"Speak Ashley!"

"Kanino ang singsing na yan?" Buong tapang ko siyang tinignan sa mata at sa pagkakataong iyon ay nakita ko ang halong kalungkutan at pagkagalit sa kanyang mga mata.

"Its not important anymore" Tumalikod na siya pero bago siya humakbang ay nagsalita muli ako.

"Ano bang nangyari sa atin?" matagal bago siya umimik. Ang akala ko ay maglalakad siya palayo ngunit nagkamali ako dahil humarap siya sakin. Na may luha sa mga mata.

"Anong nangyari sa atin? Sa atin ba talaga Ashley o sayo?" Inintindi ko ang mga salita niya ngunit hindi ko talaga makuha ang gusto niyang ipahiwatig.

"You left me Ashley, you left me with other guy" Nanlaki ang mga mata ko, napaawang din ang bibig ko. Iniwan ko siya?

"Hindi kita iniwan, hindi kita kayang iwan. Ikaw Red! Ikaw ang nang iwan sakin!" Sunod-sunod na pumatak na naman ang aking mga luha na parang walang katapusan. "Iniwan mo ako ng walang sinasabi sakin kung saan ka nagpunta, then you're telling me that I left you with other guy?!"

"Iniwan kita dahil pinaghahandaan ko ang kasal natin!" Parang huminto lahat ng bagay sa paligid ko. Pati na rin ang paghinga ko. Kasal namin?

"I left you without knowing where I am because I know that I can leave you. I trust you Ashley, because I love you" Patuloy ang pag agos ng luha sa mata niya habang ako ay nakatitig lang sa kanyang mukha.

Napailing ako "That's not true, iniwan mo ako para kay Tanya" mapait akong ngumiti sa kanya. At naglakad na palabas pero bago iyon mangyari ay hinablot niya ang braso ko.

"Huwag mong isusumbat sakin ang kasalanan na ginawa mo, Ashley" Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko pero lalo lang niya itong hinihigpitan.

"How many times do I have to tell you na wala akong ibang lalaki?!" Singhal ko. Pero instead na bitawan niya ako ay hinila niya ako papunta sa isang kwarto roon.

Her beautiful vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon