Chapter 12

681 46 2
                                    

Chapter 12

Vince's POV

Mga 10:00 am pa lang ay gumising na ako para dalhin ang mga gamit ko sa bahay nila Bes. Doon kasi muna ako titira for 1 week dahil wala naman akong kasama sa bahay.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili.

*beep*

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang message.

From: Baby loves ♥

Goodmorning my loves :) here's my goodmorning kiss for you mwuaaa! :* Take care. I LOVE YOU ;)

Napangiti na lang ako ng mabasa ko ang message. How lucky I am right?

I text him back.

To: Baby loves ♥

Goodmorning too my loves, my baby :) I wish you could kiss me here right now hahaha Take care too. I LOVE YOU my baby loves ;)

I guess this is a great start of my day.

Hinintay kong magreply siya pero hindi na siya nakareply. Siguro busy siya.

Nagdrive na ako papunta sa bahay nila Bes.

Nang makarating ako ay nagdoor bell muna ako.

Nakita kong lumabas si Manang.  Siguro tulog pa si Bes.

"Oh hija bakit ang aga mong pumunta dito?" Tanong sakin ni manang nang makalapit siya sa gate.

"Hindi po ba kayo nasabihan ni Bes na dito ako titira for 1 week?"

"Ah sinabi niya sakin. Kaya ba nandito ka na para dalhin ang mga gamit mo?" Tumango naman ako bilang sagot. "Umalis kasi si Ashley eh"

Bigla namang napakunot-noo ako. Saan naman yun pupunta ng ganitong oras?

"Saan daw po siya pupunta?"

"Hindi sinabi sakin eh. Pero nagmamadali siya kanina mukhang importante ang lakad niya. Hindi nga iyon kumain ng agahan. Ang batang iyon talaga" Pailing-iling na sambit ni manang. Binuksan niya ng pinto "Hintayin mo na lang siya kung gusto mo hija"

"Naku pupunta na lang po ulit ako dito kapag narito na siya" ngiting sabi ko.

"O sige ingat sa pagmamaneho" nginitian ko na lamang si manang at sumakay na ng sasakyan.

Masyado pang maaga para umuwi sa bahay kaya napagdesisyunan kong pumunta ng park.

Hindi na kasi kami nakakapunta dito ni Bes since busy siya sa career niya lalo pa at magkakaroon na siya ng movie.

Umupo ako sa isang malaking puno at pumikit.

Ganito lang naman ang ginagawa namin ni Bes kapag pumupunta ng park lalo na kapag may problema kami dito kami tumatambay.

Naalala ko pa nung high school kami. Sa sobrang stress namin dahil bagsak kami sa 3 naming subject ay  natagalan kami dito. Gabing-gabi na kami nakauwi kaya ayun napagalitan siya ng ate niya haha ate's girl kasi siya. Samantalang ako grounded dahil akala nila nag bar hoping ako. As if naman ginagawa ko yun dati?

"Gusto mo bang hulaan kita?"

Napamulat ako sabay hawak sa dibdib ko. Gosh! Nakakagulat naman to si ate "Pasensya na nagulat ba kita?" Ay hindi, hindi napatawa mo ako (facepalm)

"Hindi naman" pagsisinungaling ko. Ngumiti siya sakin at tumabi.

"Gusto mo bang hulaan kita?" Ulit niya sa tanong niya kanina.

Her beautiful vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon