Chapter 8

781 52 8
                                    

A/N: Happy 300+ reads <3 Thankyou for your time reading and voting for this story, na-appreciate ko everytime na nagbo-vote kayo :) at dahil diyan magpapadedic ako starting now Just comment "ME ";)

- - - - - - -

Chapter 8

Ashley's POV

Maaga akong nagising para makapagayos ng sarili.

Ilang minuto rin ay bumaba na ako sa kitchen para kumain.

"Ashley bakit gising ka na? San ang punta mo?" tanong sakin ni manang habang naghahanda ng almusal.

Tinulungan ko na rin siya paghahanda "May pupuntahan ho akong children's charity foundation ngayon"

"Naku matagal ka na ring hindi nakakasama sa mga ganyang activity ha"

Dati kasi ay lagi kaming tumutulong mag-organize ng event para sa mga bata but when Ate monique have a reponsiblities on our company minsan na lang siya nakakapag-organize. Ako naman hindi na rin nakakapunta dahil pumunta ako sa Canada pagkatapos ng break-up namin ni Red. Wait - Bakit nasali ang name niya? Erase! Erase!

Kumain kami nang sabay ni manang since maaga daw umalis si ate monique dahil may client daw siyang aasikasuhin.

5:00 na ng umalis ako sa bahay. Since medyo malapit lang naman yun siguro may 30mins. pa akong makakatulong. Ayoko namang malate noh

Napansin kong hindi masyadong gumagalaw ang mga sasakyan. Dont tell me nagkaroon ng traffic.

May kumatok sa windshield ko at inalukan ako na bumili ng tubig kaya naman bumili na ako since matagal pa siguro ang traffic.

"Manong bakit po traffic?" tanong ko kay manong tindero habang nag ibilang ng isusukli sakin.

"Nagkaroon po kasi ng banggaan banda roon" at itinuro ang nasa unahan.

"Ganun ho ba"

"Oo eh. Oh ito na iha yung sukli mo." at inabot sakin ang sukli ngunit hindi ko ito tinanggap.

"Keep the change na lang ho manong ingat po kayo sa daan" nagpasalamat siya at umalis na.

Ilang minuto na ang lumipas medyo mabilis na ang daloy ng traffic. Tumingin ako sa relo ko. 6:10 Fvcksht naman oh! Binilisan ko na ang pagmamaneho ko. Nang makarating ako ay nagkakantahan na ang mga bata.

"Ashley! buti nakarating ka!" Sigaw ni Tita Ysabel at yumakap sakin. Bigla namang tumingin sakin ang mga tao roon.

"Im sorry tita kung hindi na ako nakatulong sa paghahanda na-traffic po kasi ako" I apologize.

"Its Ok. At least nakapunta ka." Umupo na kami at nanuod ng program. May clowns kaya tuwang-tuwa ang mga bata. Nagkaroon din ng mga palaro.

"At sa pagtatapos ng ng program ay kakantahan tayo nina Ate Tanya at Kuya Red" Napatingin ako sa stage at nakita ko silang paakyat.

"I forgot to tell you, Kasama rin pala sila sa pago-organize" Tumango lang ako at nanuod na.

Kumakanta silang dalawa at sumasayaw rin si Tanya. Kung hindi ko lang nalaman na nagpapanggap lang sila siguro maniniwala na akong they are including of those sweet couples dahil sa mga titig nilang dalawa sa isa't-isa. Pero ang bait nga naman ng tadhana para ako pa ang makarinig nun.

"Si Ate Ashley din po!!" Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang sigaw ng mga bata. Tumayo naman si Tita Ysabel.

"Okay children si Ate Ashley niyo rin" Tumingin siya sakin na parang humihingi ng isang favor kaya nginitian ko siya at tumayo na ako.

Her beautiful vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon