Epilogue

179 6 6
                                    

Red's POV

"Mahal, tumataba ba ako?" Rinig kong tanong ni Ashley. Inayos ko saglit ang mga papeles na kailangan kong asikasuhin at tinignan si ashley.

Napangiti ako ng makita ko siyang nakapout. "Natural sa buntis ang ganyang katawan, mahal" at ngumiti ako sa kanya. Biglang nanlumo ang mukha niya na hindi ko maintindihan kung bakit.

"Natural sa buntis ang alin? Ang mataba?" Medyo inis niyang tanong kaya nagpanic ako. Mali!

"Hindi mahal, Ang ibig kong sabihin natural talaga na tumataba ang tiyan kasi nga buntis"

"Sabi ni Bryan pati braso at binti ko tumataba daw" Gago talaga ang loko na yun! Yari sakin iyon. Huwag lang siyang magpapakita sakin.

"Kanino ka maniniwala sakin o sa kanya?" Seryoso kong tanong. Lumapit naman siya sakin kumuha ng upuan na nasa gilid lang at umupo paharap sa akin.

"Syempre sa gwapo kong asawa" Sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko. Sobrang lapit ng mukha niya sakin at Naaamoy ko rin ang mabango niyang sabon. Fvckshit. Kailangan kong magpigil.

"Good" sabi ko na lamang at hinalikan siya sa noo. Ngumiti ako sa kanya pero nakasimangot naman siya. Kaya hinawakan ko ang mukha niya.

"Bakit? May problema ba mahal?" Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ko sa mukha niya at umalis sa upuan.

"Uuwi na ako" sabi niya.

"Ihahatid na kita"

"Huwag na"

"I insist, huwag ka ng komontra"

"Ayoko. Uuwi na ako mag isa"

Ahhh!!! Ang kulit talaga.

Tumayo na ako at nilapitan siya. Niyakap ko siya sa likuran niya kaya natigilan siya sa pagsusuot ng jacket.

"Ano ba gusto mo maganda kong asawa?" Tanong ko habang inaamoy ko ang leeg niya. Damn it. Konti na lang talaga hindi ko na makokontrol sarili ko.

Ashley' POV

Napangiti ako ng maramdaman kong inaamoy niya ako. Hindi ko alam pero gusto ko siyang malapit lang sa akin.

Humarap ako sa kanya at hinalikan siya "Ikaw mahal ko. Ikaw ang gusto ko" sabi ko habang patuloy siyang hinahalikan.

"Mahal" pigil niya sakin kaya nainis na naman ako. Bakit ba parang kanina pa siya ganyan?

"Uuwi na nga ako" inis kong sabi at kinuha na ang jacket. Pero nagulat ako ng hawakan niya ang dalawa kong kamay at ilagay niya ito sa batok niya.

"Huwag ka na magtampo, please" umirap ako at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Bitawan mo nga ako"

"Ayoko"

"Isa! Hindi ka ba bibitaw?"

"Hindi po. Hinding hindi kita bibitawan mahal ko. Kahit na anong mangyari hinding hindi kita bibitawan"

Napahinto ako sa pag agaw ng kamay ko at lihim na napangiti. Nakakakilig talaga ang kagwapuhan ng asawa ko.

"Patunayan mo" hamon ko sa kanya.

"Paano?"

"Kiss me" seryoso kong sabi na ikinangiti at ikinailing niya. Akala ko ay hindi niya gagawin pero bahagya niya akong hinapit sa bewang at siniil ng halik. I really love this man.

- - - - - -

Si Red ngayon ang tumutulong kay ate na patakbuhin ang kompanya. Im really thankful na kahit naghihirap na siya sa pag aalaga niya sa akin at pagmanage ng kompanya ay kinakaya niya pa rin tulad ngayon. Kakauwi lang namin galing kompanya ay nakatutok na naman siya sa laptop niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her beautiful vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon