Chapter 19

5 0 0
                                    

First Day

"Yonah, wake up! Mali-late na tayo!"

Today is our first day. May parade pa mula sa munisipyo papunta sa gym ng ISU and the freshmen are required to join. Magsusuot din kami ng college colors which is maroon. After the parade is the orientation. Siguro ay hapon na namin mahahanap ang classrooms namin.

While I was busy curling my eyelash, Yonah went out of the bathroom looking like her soul is not inside her body yet. Mukha siyang walang energy at pagod kahit first day palang.

Sinulit ba naman ang pagpunta namin sa beach. We're supposed to get massage yesterday but she bailed out. Pagod daw at gustong magpahinga muna. So I let her. Halos buhatin na nga 'yan ni Yohan pagkauwi namin paakyat dito sa room dahil sa pagod.

"Should we skip the parade?" I tried to woo her. Kaagad siyang umiling habang pinupunasan ang basang buhok gamit ang pink niyang tuwalya.

"No. I wanna go."

I shrugged. Sinuklay-suklay ko pa ng kaunti ang buhok ko bago nagpasyang ayos na ang lahat. Umupo muna ako sa dining table namin para hintayin siyang matapos mag-ayos at nang makakin na kami. I texted Ajax if he's already awake and he replied with a simple 'yes'.

While scrolling on my feed, someone came knocking on our door. Bubuksan ko na sana pero si Yonah ang nasa malapit kaya siya na ang nagbukas.

It was Zander who looks like he just woke up if not for the wet hair and towel covering his bare chest. Para siyang model ng calvin klein na walang tulog.

Yep, he transferred too. Like Yonah. He pulled some strings and used his surname according to him. Sino ba namang school ang may ayaw magkaroon ng maraming Cordovez 'di ba?

"Pakain. Kingina ang bobobo ng mga roommate ko ayaw magsiluto."

"Edi anong kinakain nila?" nagtataka kong tanong.

Ajax usually cooks our breakfast back in Singapore. Palagi pa siyang nauunang gumigising sa akin. Sigurado naman akong may pagkain sa kanila na pwedeng lutuin dahil sabay-sabay kaming nag-grocery. Kaya nga extra pagod ang magpipinsan.

"Wala. Axel is on his way here. Si Yohan sa labas na raw kakain."

I rolled my eyes before standing up. Pinuntahan ko ang kapatid ko na baka may topak nanaman. He's not lazy. Maybe he just doesn't want to cook for his roommates so he'd rather not cook at all.

Hindi na ako kumatok. Pagkapihit ko ng doorknob ay tinulak ko kaagad 'yon para makapasok ako. Halos magsisi pa ako dahil ang bumungad sa akin ay si Yohan na halos kapareho ni Zander ng itsura. Ang pinagkaiba lang ay wala siyang tuwalya sa dibdib at ang tanging saplot lang ay ang khaki pants niya. Also, he looks like he's just fresh off from a relaxing vacation kasi hindi siya mukhang pagod. He's currently putting on a watch on his left wrist when I barged in.

We locked gazes for a few seconds before I looked away because I can't stare at him when he's like that.

"Ajax?"

"Bathroom," he answered after clearing his throat.

Si Axel ay parang tangang nanonood sa amin. Punong-puno ng pang-aasar ang mga mata niya at tila tuwang-tuwa siya sa nakikita. May toothbrush at bula pa sa bibig pero may tinatago. He's hiding a smile, I'm sure of it. He's so obvious.

"Hindi kayo nagluto? May patay-gutom na dumalaw sa amin."

Axel chuckled before spitting the toothpaste from his mouth to the sink. Si Yohan ay nagsusuot na ng maroon polo shirt na ikinahinga ko ng maluwag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cordovez Series #1: Break The Accord Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon