Chapter 5

16 1 0
                                    

Diary


"Si Yonah po?" gulat at nahihiya kong tanong.

Bigla kasi akong pumasok sa bahay nila Yonah dahil hindi siya nagre-reply at sumasagot ng tawag. Pagkapasok ko ay nasa sala pala si Madame, nakaharap sa laptop at humihigop sa kape niya.

Madame smiled at me. "Hindi pa yata nagigising, Raija. Akyatin mo sa taas. Sabi sakin ni Yohan ay gagawa raw kayo ng research ngayon?"

Mabilis akong tumango. "Opo."

Tumango siya, nakangiti pa rin. Ngumiti rin ako kahit na nahihiya. Nakaka-intimidate kasi si Madame kahit na ang kwento ni Yonah ay mabait naman daw ito kaso ay medyo istrikto. Mukha kasi siyang maldita kaya siguro ay kinakabahan ako lagi kapag kaming dalawa lang ang nasa sa isang lugar.

"Puntahan ko na po si Yonah."

Tumango siya sa akin. I took that as a sign to go upstairs immediately. Kumatok ako sa kwarto ni Yonah pero walang sumasagot kaya pinihit ko na ang doorknob. She doesn't lock her room. Ayaw ng Mommy niya.

Tama nga ang hinala ko na tulog pa siya. Madilim ang kwarto at ang aircon ay fullblast. Halatang tulog na tulog ang tao sa loob!

This girl! Usapan namin 10AM ang meeting namin sa bahay nila dahil sa hapon ay may laro kami. It's almost 11 yet she's still sleeping!

Nilapitan ko siya at ang loka ay himbing na himbing sa tulog. Malamang ay magdamag nanaman itong nakipaglandian sa mga lalaki niya!

"Yonah! Gising!" sigaw ko habang inaalog siya.

"Already tried that. She's probably dead." napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita mula sa madilim na parte ng kwarto ni Yonah.

Naalerto ako bigla dahil baka delikado o baka may akyat-bahay. I cursed. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Akala ko kung sino!

Yohan looks up to me while still sitting on Yonah's desk chair. May hawak siyang flashlight at... diary ni Yonah.

Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit mo hawak 'yan?"

"I'm reading it."

"Did you ask for her permission?"

"I don't need that."

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang mga susunod ko sanang sasabihin sa kanya.

"Magagalit sa'yo 'yon."

Inangat niya ang tingin niya sa akin mula sa diary. "She won't know. Because you won't tell her."

Yohan closed the diary before standing up. Naglakad siya palapit sa akin and the only thing that I could do is to stand and never move.

My whole body is on high alert. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari sa akin sa paraan ng pagkilos niya. Or maybe I'm just paranoid but for years, Yohan never really talked to or approached me normally. He is always either glaring or just plain staring as if there is something wrong with me. Ngayong ibang paraan ng pagtingin o atensyon ang ibinibigay niya sa akin ay hindi ako sanay. I feel like something bad is going to happen to me.

Hindi siya tumigil sa paglapit hanggang sa halos magdikit na ang dibdib namin. Saka lang ako napaatras. Pero isang hakbang lang dahil hindi ulit ako makagalaw dahil sa kaba.

Tinagilid niya ang ulo niya nang mapansin niya ang pagkabalisa ko sa biglaan niyang paglapit. Tangina!

Yumuko siya. Nanlaki ang mga mata ko. May hinala ako sa balak niyang gawin kaya kaagad akong tumabi sa gilid para sana lumayo. Right after I stepped away from him, the lights in the room glared at me. Napapikit ako sa pagkabigla dahil sa sobrang liwanag pero kaagad din nakabawi.

Cordovez Series #1: Break The Accord Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon