Chapter 16

7 0 0
                                    

Beach

Kwinento ko kay Yonah ang sinabi sa akin ni Ajax tungkol sa maari niyang gawin kay Xavier kapag nakita niya ito. She was shocked at first pero mukhang naintindihan niya pa rin naman. Natahimik kami saglit dahil parehong may iniisip. Nabasag lang ang katahimikan nang may dumating.

"Thanks, Han!"

I sighed when Yohan entered our dorm room for the 3rd time today. Nag-aakyat siya ng gamit ni Yonah na either nakalagay sa karton o kaya ay sa malalaking bag.

"Sabi sa'yo hintayin natin si Kuya Rome. Nag-lunch lang naman siya..."

Yohan may not look like it but he's still human. Ilang beses nang akyat baba at parang hindi napapagod. Yes, he's an athlete but climbing up the stairs to the 5th floor is difficult. What more kung ilang beses niyang gagawin.

"Hindi na. Yohan said he can do it."

Or they could have just brought a few of their househelps para isang akyatan ang lahat. Ako na lang sana ang tutulong pero ayaw ni Yonah dahil kaya naman na daw ni Yohan.

I watched as Yohan put the box down beside me. Umiling ako nang magkatinginan kami pero parang wala lang sa kanya kasi wala namang bakas ng pagod sa mukha niya.

When he's about to turn around to probably walk out, I stopped him.

"Upo ka muna," I said while pointing at my office chair using my chin. He stared at me for a few seconds before sighing and doing what I asked him to do.

Since on the way pa lang ang ref ay nagdala muna ako ng tumbler na may malamig na tubig. Iyon ang binigay ko kay Yohan. Abala na kasi si Yonah sa mga gamit niya kaya wala na siyang pake sa kapatid niya.

"Nainuman ko na but don't worry, nagba-brush naman ako," I grinned. He didn't say anything, just plainly staring at me. Kahit noong magsimula siyang lumagok ng tubig ay hindi niya ako nilulubayan ng titig.

And I can't look away too. I don't exactly know why but maybe it's my pride talking. Ayaw kong magpatalo kasi pakiramdam ko ay ganoon ang mangyayari kapag ako ang unang umiwas.

"Thanks," he said before standing up. My brows furrowed.

"Ayaw mo bang umupo muna?"

"I'll just turn the fan on," he said huskily. Halos umirap ako. My water isn't that cold. Bakit parang naubos agad boses niya?

"Ako na. Just sit down."

Pagka-on ng electric fan ay tinutok ko agad sa kanya. Now he looks a bit relieved.

Nilapitan ko si Yonah na binubuo ang office chair niya na kagaya ng sa akin. I can see her struggling so I watched her for a few minutes before I offered her my help that she refused so eagerly.

"No! I wanna figure this out by myself."

Natatawa na lang ako na tumango sa gusto niyang mangyari.

"Just continue entertaining our guest."

At dahil hindi kami kumakain ng lunch at nakakatamad bumaba ay uutusan ko na lang ang kapatid ko. Tutal ay nasa lobby naman siya.

Nakakailang ring palang ay sinagot niya agad

"Yes?"

"I'm hungry, Jax. Anong kakainin natin?"

"What do you want?"

"Parang masarap yung mushroom steak sa Mcdo."

"Tss. Puro ka fastfood. Punta na ako."

Natawa ako. Nagrereklamo pa eh pupunta rin naman

Cordovez Series #1: Break The Accord Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon