CHAPTER 17

2 0 0
                                    

Traitor

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang buong campus, narito kase ako sa taas ng puno. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at mas lalong hindi ko maintindihan kung papaano ako agad naka-akyat dito e sobrang taas naman. Sinubukan ko lang naman kaninang tumalon tapos sa isang iglap ay nasa itaas na ako ng puno.

Pumikit ako at dinamdam ang sariwang hangin, this so good.

Biglang pumasok ang senaryo sa aking isipan nang maalala ko ang nangyari saamin ni Kayne noong nagising na ako. Napakagat ako sa labi at pinipigilang mangiti kahit wala namang makakakita saakin dito.

Halos isang linggo na rin simula nang mangyari iyon, hindi ko na nagawang magpakita at tumingin sa kaniya ng diretso dahil nakakahiya ang ginawa ko. Dahil rin doon ay iniwasan ko na siya, hindi tamang dumikit ako.

Bakit kase hinayaan kong halikan niya ako, siya rin ang first kiss ko.

Lumabi ako tsaka tumingin sa paligid, nakarinig ako ng kaluskos mula sa baba ng puno kaya tumingin ako doon. Sinipat-sipat ko pa subalit wala naman akong nakita at naramdamang kakaiba.

"What are you doing here?" dahil sa gulat ay naapakan ko ang mahunang parte ng sanga sa puno. Muntikan na akong mahulog ngunit na huli niya ang maliit kong bewang kaya napa-yakap ako sa kaniya.

"Wave? A-anong ginagawa mo rito?" kunot noo ko siyang tiningnan, imposible namang makaakyat ang isang 'to kaso naalala kong malakas din siya katulad ni Kayne kaya posible na kaya niyang umakyat.

"Hindi ka ba natatakot sa taas ng puno? Puwede kang malaglag anytime." Tumitig ako sa asul niyang mata, para iyong along nangungusap at dinadala ako sa talampas na puno ng emosyon.

I stand straight and give him a space, I suddenly looked away when I feel his eyes staring at me silently. "Hindi naman ako natatakot, parang ito lang e." Ngumiti ako at tumingin sa kaniya, tumilos ang dulo ng labi niya sensyales na ito'y nakangiti na rin.

"How are you? I heard what happened to you last time and hindi ko maiwasang mag-alala." Tumaas ang kilay ko, tinitigan ko siya ngunit siya naman ang umiwas.

Wala ka pala e.

"Wala iyon, nakatulog lang siguro ako ng matagal. Mabuti nga at nagising pa ako e... isang himala iyon."

Bakit naman mag-aalala sa akin si Wave? Hayst matagal ko pa namang crush si Wave pero hanggang doon lang iyon. Natutuwa ako dahil concerned siya saakin. Pero what if gusto niya ako? Imposible naman iyon kase may nakita akong kahalikan niya hmp.

Naalala ko nanaman ang napaginipan ko ilang buwan na ang nakalilipas. Ang dalawang lalaki sa buhay ko, si Kayne at Wave. Crush ko si Wave, magaan ang loob mo sa kaniya. Subalit si Kayne lagi siyang nariyan para iligtas ako may kakaiba rin akong nararamdaman sa kaniya, hindi ko alam kung ano iyon dahil wala rin akong maintidihan sa nararamdaman ko.

Masaya ako kapag kasama siya, tila ako na ang pinaka masayang babae kapag kasama siya. Ngunit sapat na ba iyon?

Ilang ulit akong nag-kibit balikat at huminga ng malalim, "Grabe bess parang problemado ka ah." Natatawang aniya ni Snow, lumabi ako at niyakap siya.

Nasa condo na kami ngayon at nagpapahinga. Inanunsiyo kase kanina na halfday lang ang pasok namin at hindi ko rin alam kung bakit.

"Naguguluhan na kase ako sa nararamdaman ko Snow, hindi ko alam kung gusto ko silang pareho." Lumayo ako at tulalang nakatingin sa sahig.

Fall In Love With The Werewolf Prince (ongoing) Where stories live. Discover now