Trust
KATANA POV.
"Katana, anak ko!" lumapit saakin ang isang maganda babae, mahaba ang buhok at may mala purselanang balat. Manipis ang mapula niyang labi, matangos ang ilong at may kabilugan ang mukha ngunit bumagay sa kaniyang ganda.
Kahawig ko siya.
"Miss na miss na kita aking anak." Ngumiti siya ng bahagya, lalong sumilay ang kagandahan niya. I admire her beauty, "Ina?" sa unang pagkakataon ay sinambit ko ang katagang iyon. Puno ako ng mangungulila sa tunay kong Ina at Ama. Lumaki ako sa piling nang ibang tao ngunit nakaramdam ako ng pagmamahal mula ro'n. Subalit ang nararamdaman kong ito ay walang kapantay.
"Ako nga mahal ko, masaya akong makita ka." Pinalis niya ang nag-babadyang luha mula sa mata at marahang hinagod ang aking pisngi. Mabilis niya akong niyakap, nagulat man ako pero ito ang hinahanap ko. Ang init niya, ngunit hindi katagalan ay biglang lumamig. Parang isang bangkay, muli siyang bumaling saakin at nangunot ang noo.
"Ina bakit po ang lamig niyo?" wala sa sariling tanong ko, sinuklian lamang niya ako ng ngiti. Tumingin ako sa mga mata niyang may kapulahan at itim. Tila nagsasanib iyon sa kaniyang mabangis at mapanganib na mata. Matalim siya kung tumitig subalit kita ko roon ang pagmamahal at pag-aalala niya saakin.
"Marami akong dapat sabihin sa iyo anak, patawad dahil nilisan kita ng matagal. Marami akong sikreto na dapat ay alam mo subalit pinili ko nalamang iyong kalimutan." Hinawakan niya ang kamay ko at wala sa sariling sumama sa kaniya. Kapansin-pansin ang kulay pula niyang suot na dress sa sobrang hapit sa kaniya ngunit maluwang sa ibaba na mas lalong bumagay sa awra niya.
Tumigil siya at ako'y nilingon ng hindi inaalis ang ngiti, ngumiti ako sa kaniya. "Ina, pakiusap po isama niyo na ako sainyo gusto kitang makasama." Pagsusumamo ko at hinigpitan ng mabuti ang kamay niya, pinisil niya ang kamay ko at muling tumuwid ng tayo.
"Gustuhin ko mang isama ka Anak ngunit hindi maaari dahil magka-iba na ang ating mundo. Anak, ito'y isang panaginip lamang at ako'y natutuwa dahil sa ika-lawang pagkakataon ay nasilayan ko ang iyong mukha." Lumabi ako at niyakap siya, malamig sumabit ang nararamdaman ko at nang aking ina ay mainit.
"K-kung ganon I-ina ayaw ko ng magising pa, dahil sa pag-gising ko'y muli ko nanamang haharapin ang mundo nang hindi ka kasama at mas m-masakit pa ro'n ay magiging malungkot nanaman ako." Humihikbing saad ko, hindi na napigilan ang pag-alpas ng aking taksil na luha. Puno ito ng pangungulila sa aking tunay na ina, na hindi ko manlang nasilayan noong bata pa ako.
Ayoko ng magising pa sa panaginip na ito.
Humiwalay si Ina at masuyo akong tiningnan, "Halika at may ibibigay ako saiyo." Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Hahakbang na sana ako sumabalit bigla kaming sumama sa hangin, bahagya akong nahilo dahil sa lakas ng impact no'n. Iminulat ko ang mata at sinuri ang paligid.
"Ina nasaan po tayo?" hindi ako makapaniwala dahil kanina'y nasa hardin hami subalit ngayon ay nasa loob na ng isang magandang bahay. Hindi.... Hindi ito isang bahay kundi palasyo.
"Hindi po ba nasa hardin tayo tapos.... tapos paano pong napunta tayo rito?" inosente kong tanong sakanya. Tumawa siya ng mahina at hinaplos ang braso ko.
"Isa iyon sa kakayahan ko Katana, isa sa kakayahan ng mga bampira." Natulala ako sa kaniya ng magbago ang hitsura niya, naghalo ang kulay itim at pula niyang mata na ngayon ay pulang-pula na. Maging ang buhok niyang kay itim na parang uling ay naging kulay dugo. Sobrang putla ng kaniyang balat, matulis rin ang kuko niya maging ang kaniyang pangil.
Hindi ako makagalaw at unti-unting lumunok. Siya ba talaga ang aking ina?
"Huwag kang matakot anak, ako parin ito. Pinakita ko lamang saiyo ang tunay kong pagkatao, na hindi talaga ako isang tunay na tao. Na isa akong bampira. At naitago ko iyon ng sobrang tagal, isa rin sa mga kakayahan ko ang itago ang totoo kaya hindi nila nalaman. Ngunit ang iyong ama, alam niya at dahil ro'n ay mas lalo niya akong minahal." Banayad siyang ngumiti at muling nag-balik siya sa dati. Nawala ang aking pangamba.
YOU ARE READING
Fall In Love With The Werewolf Prince (ongoing)
Hombres LoboDo you know about the shape-shifters? You mean the Lycantrope or Werewolves. If you don't know about these you can read my story, but take note they are just a myth. A girl who living a half blood, she doesn't know about her abilities. Until her cu...