Kabanata 11

364 46 18
                                    

🍓with🍫

"That's all for today, class dismiss." Anunsyo ng last teacher namin bago naglakad papuntang pinto at lunabas.

Sa wakas, natapos rin..

Kanina ko pa hinihintay ang mga salitang 'yon dahil uwing uwi na ako. As usual.

Mag hapon lang akong nakatunganga sa upuan ko at nag iimagine habang nagsasalita ang mga teacher ko ng kung ano ano. Noong tanghali wala naman masyadong nangyari. Bukod sa matatalim na mga tingin si Cynthia at mga titig ni Pres na hindi maipaliwanag, ay wala nang interesanteng nangyari.

Walang masiyadong nangyari pero ramdam ko ang pagod sa katawan. As a student na walang ibang ginawa sa school kung hindi ang tumunganga lang, nakakapagod pa rin pala.

Tahimik kong kinuha ang notebook ko at nilagay iyon sa loob ng bag. Chi-neck ko rin ang bago kong wallet kong nandito pa rin ba sa blazer ko dahil baka mawala ulit. Nang napagtanto kong wala naman na akong nakaligtaan na gamit, agad akong tumayo at dinakbit ang bag sa balikat pero napatigil rin agad ako nang masulyapan si Cynthia na palapit sa kinaroroonan ni Pres.

Pinagmasdan ko ang pagkawit nito sa buhok na nasa patilya niya at inilikod iyon sa kaniyang tainga. "Bin, sabay na tayo umuwi.." Ipit na boses niyang aya sa lalaki.

For the ninth time, I feel irritated. My biggest pet peeve.

Pabebe ang puta! Hindi naman ganyan boses niyan. Pansin ko lang sa mga kilos niya, tuwing kaharap o nakikita niya si Pres ay nag-iiba ang ugali at boses niya.

Desperadang papansin tangina.

Ipit na ipit 'yong boses kingina. Parang kanina lang ang laki laki ng boses niyan noong inaaway niya ako.

Patawa ka sis. Sarap mong pakainin ng bakal na kinakalawang!

"Sig-"

"Gab, sabay na tayo umuwi." Pang gagaya ko ng boses ni Sheena at nag me make face pa.

Hinintay ko talaga ang sagot ng lalaki para mang-inis. Umamin sa kapatid na baliko siya, tapos may nilalanding babae ngayon. Scammer.

Umirap ako nang makita kong napalingon sila sa'kin.

Inangat ko ang kamay ko at sinenyasan silang mag tuloy lang sila sa pag uusap."Bakit? Tuloy niyo pagpapabebe nyo. Wag niyo ako pansinin."

Iniwas ko ang mukha sa kanila at nagkunwaring sumusuka.

"We're not naman nag papabebe Klew ih.."

My brows drew together as I heard her annoying voice again.

Sasagot ka pang dipungal ka!?

Tigilan mo ako tangina mo! Nanggigigil ako sa boses mo.

Inirapan ko siya at inayos ang buhok kong nagulo nang balingan ko ng tingin si Pres. Ngiting ngiti ito sa akin na parang nagugustohan niya ang kinikilos ko.

Gustong gusto rin magpalandi. Tangina.

Inirapan ko rin siya katulad ng Kay Cynthia bago binalingan si Cynthia. "Ayusin mo nga boses mo tangina mo!" Hindi ko na napigilang sabihin sa kaniya dahil sa iritasyon na namumutawi sa katawan ko.

Iba ang iritasyon ko ngayon. Parang ang bigat sa pakiramdam. Hindi ganito dati kapag naiinis ako. Ngayon, nanginginig talaga ako sa gigil.

Nanlaki ang mata niya nang tumingin siya sa'kin habang namumula at ilong at kaniyang mata.

Naiiyak na naman. Napakaiyakin. Ibalik kita sa dibdib ng mama mo eh! Ipadede ulit kita.

"Hindi naman talaga kami nag papabebe Klew. We're sabay lang talaga kami lagi umuuwi." Sambit niya sa ipit pa rin na boses pero bakas pa rin ang pagmamalaki niya roon.

Strawberry With Chocolate (SWITS SERIES 1)Where stories live. Discover now