Kabanata 21

675 45 11
                                    

I tried to draw SEAN and KLEW hehehe. Don't judge my digital art skill mga vebs kasi pinagaaralan ko palang. See on top.

🍓with🍫

Halos araw araw tumutunog ang telepono sa aming bahay. Tila nagiging kanta na ito sa aming mga tainga ni Mama. Tawag ng tawag ang kompanya nila Papa. Hindi ko mawari kung paanong nakuha nila ang numero ng telepono namin eh, napakalayo nila.

Siguro ay dahil sa connection nila o sadyang naalala pa rin nila ang numero na ito.

Hindi ko rin mapagtanto kung bakit gusto pa nila kaming makita. Mayaman na sila. Kaya nga nila kami iniwan 'di ba? Kasi mayaman iyong magulang ni papa? Tss.

Kung makatawag sila ay parang nakalimutan na nila ang ginawa nila sa amin. Inabandona nila kami. Tapos ngayon gusto nila kaming makita.

What for? Para ipamukha sa'min na mayaman na sila? Na worth it ang pag-iwan nila sa'min?

Ang daming pumapasok sa utak ko!

Sa kabilang dako naman, halos araw araw rin akong kinukulit ni Sean na lumipat na sa club niya. Ewan ko ba doon at bakit gusto akong palipatin. Sa pagsunod-sunod niya sa'kin pwede ko ng isipin na gusto niyang lumipat sa photography pero mukhang malabo dahil ako ang pinipilit. Parang wala siyang sariling club kung tumambay sa club ko, eh. Hindi makalapit sa'kin si Theo dahil sa kaniya. Tss.

Napansin kong iniiwasan na rin niya si Cynthia. Tuwing gustong sumabay ng babae sa kaniya agad na niya itong tinatanggihan at binabanggit ang pangalan ko. Siguro natauhan na siyang ako ang ang mas gusto niyang ihatid.

On the other side, my heart keeps on running everytime I feel his presence with his strawberry scent.

Nag search ako sa google tungkol sa nararamdaman kong pagbilis ng tibok nito at nararamdaman kong galit tuwing may iba siyang kasama.

Napagtanto kong may nararamdaman ako sa kaniya. I'm dumb at school works but damn.. I can read. I'm not ignorant about love.

What I researched was a big blow in my mind. My soul rather. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na bakla ako. Lumaki akong akala ko lalaking-lalaki at babae ang magugustohan ko, pero iba ang nangyari.

Parang biglang lumiko ang daan ko patungo doon. It's like Sean forced me to take this step dahil sa mga pinaggagagawa niya. Dumating siya sa buhay ko para guluhin ang pagkatao at kasarian ko. Habang ako naman, dumating ako sa kaniya dahil sa katangahan ko.

I like him.. and I'm gay.

I will no longer deny that.

Matagal ko ng nararamdaman ito, ibig-sabihin ay matagal na rin akong may gusto sa kaniya. Dumb me.

May konting takot sa katawan ko nang matuklasan ko ang kasarian ko. Bakla ako at natatakot. Lalo na kay mama. Walang nakaka-alam ng nararamdaman ko. Wala akong pinagsabihan.

I'm not scared being judged by everyone dahil sanay ako doon, pero kapag si mama.. ano kayang mararamdaman niya? Will she accept me? I don't know...

Dinungaw ko si Sean sa bintana. Napahawak ako sa dibdib ng maramdaman ko muli ang nakasanayan ko ng nararamdaman tuwing nakikita ko siya.

Damn him! He always makes my heart flutter without doing anything.

Kitang kita ko siya mula rito sa loob na nakaupo sa bench sa labas. Nandito ito sa loob kanina pero nang lumabas si Theo, lumabas na rin ito. Binabantayan ata ako ng tanga.

Pinanood ko ang bawat galaw niya. Nakanguso ito sa harap habang nilalaro ang keychain ko na pusa na kinuha niya kanina.

He's cute.

Strawberry With Chocolate (SWITS SERIES 1)Where stories live. Discover now