Kabanata 20

423 43 14
                                    

🍓with🍫

Basta nalang niyang padabog na binuksan ng malaki ang pintuan at lumapit sa'min. Walang pigil niya akong hinila palapit sa kaniya kaya napabitiw si Theo sa pagkaka-akbay sa akin.

Muntik pa akong masubsob dahil sa pwersa na binigay niya.

"Aray! Tangina!"

Handa ko na sana siyang hambalusin dahil sa paghila niya ng 'sobrang' lakas pero natigil ako nang mamataan ko siyang hindi nakatingin sa'kin.

Kunot na kunot ang noo nito at masama ang tingin. Sinundan ko ang masamang titig niya at tumama iyon kay Theo.

Theo? Bakit hindi sa'kin?

Ang talim ng tingin niya kay Theo na parang pinapatay na ito sa kaniyang isipan. Ang datingan niya ngayon ay parang nanghahamon ng away. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Nang ibaling ko naman kay Theo ang tingin ko. Nagtataka ang inosente niyang mukha. Mukhang hindi niya mapagtanto kung bakit masama ang tingin ng lalaki sa kaniya. Kahit ako rin ay hindi ko ma-gets.

Ilang minuto lang silang nagtititigan ng walang nagsasalita sa'min sa loob. Hanggang sa ilang sandali, gumalaw si Sean at akmang lalapit kay Theo kaya agad na akong humarang sa daraanan niya.

Baka mang away pa 'to.

"B-bakit nandito ka!?" Sigaw ko sa kaniya ng kinakabahan pero hindi manlang niya ako tinaponan ng tingin. Nanatiling nakatitig pa rin siya ng masama kay Theo. Nakahawak na ako sa dalawa niyang dibdib para lang pigilan ito sa paglapit. Ramdam ko ang mabilis nitong paghinga. Umiigting ang mga panga niya at nanginginig pa iyon.

"H-hoy ugok! Bakit nandito ka!?" Ulit ko sabay batok sa kaniya habang ang isang kamay ay nasa dibdib pa rin niya.

Doon lang bumaba ang tingin niya sa'kin at binigyan ng masamang tingin.

Bakit nandito ba ito? Akala ko ba ihahatid niya si pabebe na Cynthia!?

"B-bakit n-nandito ka?" Ulit ko pa ng mahina dahil sa masamang tingin niya sa'kin. Kinakabahan ako.

Nakakapanghina. Nawawala talaga angas ko sa mokong na 'to.

"Ihahatid na kita." Walang emosyon na sabi niya saka hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya. "Ha?! E, 'di ba ihahati-"

"Shut the fucking hell up! Galit ako Klew. Dont say anything. " Pagpuputol niya sa sinasabi ko at tinignan niya ako ng masama.

"Bro, don't shout at her." Pag-singit ni Gino kaya sa kaniya nabaling ang mata namin.

"B-bakit ba nandit-"

"Ihahatid nga kita pa-uwi, hindi ka ba makaintindi!" Pigil na sigaw niya nang nilingon ulit niya ako. "Bigla-bigla ka nalang aalis doon ng hindi pinapatapos ang sinasabi ko tapos pagdating ko dito.. Fuck! Bullshit!? May naka akbay na sayo!? What the actual fuck Klew!?" Dirediretsong sabi niya.

"E-eh.. Ni-welcome lang naman ni-"

"Nagwe-welcome rin ako ng mga bago kong members sa broadcasting club pero hindi ko inaakbayan, Klew." Madiing sambit niya.

"Sa inyo 'yon, iba dit-"

"Just shut your mouth! Uwi na tayo." Pagpuputol niya sa akin at agad akong hinila palabas sa silid.

"Anong uuwi na tayo? Hindi tayo pareho ng bahay. Baliw ka." Nagpatigas ako sa kinatatayuan ko para hindi niya ako tuluyang mahila.

"I-i mean, ihahatid na kita sa bahay mo." Magkasalubong na kilay niyang sambit.

Strawberry With Chocolate (SWITS SERIES 1)Where stories live. Discover now