21

23 2 0
                                    

"Papa, kain pa po." Narinig 'ko doon si Claude na kinakausap si papa. Yung mga kapatid 'ko nag kakaraoke doon sa sala. Nandoon naman silang dalawa ni papa sa kitchen umiinom. May lamesa na rin kasi at doon 'yung sila lang dalawa.

Pinayagan 'ko nang uminom si papa dahil minsan lang naman. Mamaya aalis rin si Claude dahil makikicelebrate sya doon sa magulang nya. Alam 'ko may pag aaway sila pero isang pamilya pa rin sila. He need to go for his family. Napilit 'ko na syang pumunta doon. Kahit Christmas busy kami kaya kunti lang ang time namin.

Kumain lang kami at nag salubong ng pasko. Sa New Year kami mag cecelebrate ng mga kaibigan 'ko dahil ayon ang laging ginawian namin. Christmas for the family and friends sa New Year. Pero nag cecelebrate pa rin naman kami with family sa New Year nag bibigay lang ng time para makapag bonding kami.

Lalo na at tumatanda na kami. Nag uumpisa na kami mag karoon ng trabaho at nag hahanap buhay para sa sarili. Hindi na naging madali samin ang lahat. We experience a lot. Umiinom lang ako ng wine habang pinapanood ang nga kapatid 'kong kumakanta sumasayaw pa.

Ito rin ang first time na uminom ni Vincent. Sinubukan nya, pinasubok ni papa dahil binata na daw sya. Binibiro pa sya ng mga babae naming kapatid 'kung may girlfriend na sya. Nakakatuwa lang silang tignan. Parang lahat ng pasanin 'ko na wala. Lahat ng pagod 'ko nag laho.

"Ayos ka lang, anak?" Inakbayan ako ni papa salikuran at nasa kanan na balikat ang kanyang kamay na na abot. Tumango na lang ako sa kanya at maliit na ngumiti. Alam ni papa ang lahat. Alam nya at nararamdam nya ang nararamdaman 'ko. "Nandito lang ako, anak ha? Nandito lang si papa." Napatikom ang aking bibig, nag pipigil ng sarili na gumawa ng kahit na anong ingay.

"Bumibisita paba si lola papa?" Tanong 'ko, naramdaman 'ko ang pag higpit nyang pag hawak sa aking balikat. "Nag sosorry na naman po ba sya?" Kiniyom 'ko ang aking kamao at tinakip sa aking bibig.

"Anak, patawarin mo na sila." Napa iling na lang ako.

"Kahit kilan hindi 'ko... hindi ako nagalit sa kanila. Napatawad 'ko na sila papa mula nang una pa lamang. Pero..." Napatingin ako kay papa. Sa totoo lang napaka imposible naman na pag-aralin ako ni papa sa ganong kahalagang babayaran. "Alam 'kong binibigyan ka nila ng pera para makapag-aral ako. Kami. Pakiramdam 'ko dumedepende ako sa kanila. Kaya 'ko naman, papa."

Umiling-iling sya ng ilang beses, naiiyak. "Kahit anong sorry nila hindi na babalik si mama." I gulped when I realize what I said. "Sorry.." I looked away.

Malinaw na malinaw sa akin ang lahat. Nang oras na humihinga ako ng tulong-

"Lolo! Si mama po..." nangininig ang aking mga kamay habang hawak ang cellphone. Natataranta pa ako dahil umiiyak ang tatlo 'kong kapatid. Hawak 'ko sa braso ang aking bunsong kapatid habang malakas na umiiyak. Sabi ni papa babalik sya agad pero ang tagal tagal nya.

Wala akong narinig sa kabilang linya. "Lolo-"

"Amara, ang sabi 'ko naman sayo na huwag mo akong tatawag 'kung ang sasabihin mo lang ang mama mo."

"Pero lolo si mama! Sumusuka po sya ng-" Agad na kinuha sa aking kamay ang cellphone ni mama at agad na pinatay iyon.

"Anak..." Nahihirapan nyang sabi. "Kaya ni mama... Wag ka na lang maingay ha?" Mapait syang ngumiti sa akin. Lagi syang inuubo, napapayat na rin sya. Kahit ganoon makikita mo ang ganda na tinataglay nya. She's the prettiest person I know.

Akala ni papa isang simpleng ubo lang 'yon ni mama. Na lilipas lang ang linggo at mawawala na iyon. Umalis na naman si papa para makapag trabaho. Kalong kalong 'ko ang bunso 'kong kapatid. Si mama naka higa, pawisan. May naka lagay pa sa noo nya na bimpo na basa na nilagay ni papa bago sya umalis.

Love Sickness (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon