12

23 2 0
                                    

Nagising sya ng mas maaga sa 'kin. Pag kagising 'ko nasa baba na sya. Tinutulungan na si papa sa pag aayos sa umagahan.

"Oh gising ka napala," Bungad agad sa 'kin ni papa. Nag tataka pa ako dahil naka apron pa sya. Hindi nya naman ginagamit 'yan kapag nag luluto. Naka tambak nga lang 'yan diyaan eh.

Pumunta ako sa lamesa para panoodin sila. At doon nakita 'ko ang tatlong mga lalaki na nag tutulungan sa maliit na kusina. He's wearing a white sando. Hindi 'ko alam na nag palit na sya o ayan 'yung nasa loob ng jacket nya. Naka suot din sya ng apron pag ka harap nya. His board shoulder and white skin, his arms getting my attention. Nag g-gym ba sya? How does it looks like he can crack a egg from those arms.

Ngayon 'ko lang na pansin 'kung gaano kalaki ang katawan nya. Usual naman hindi ganon kapansin pansin.

"Sarap no?" Nagulat ako ng may mag salita. "Nung niluluto." Si Sivana na kakagising lang, kasunod nya si Laurel na umupo sa couch para umidlip kunti. "Grabe naman 'yang view na 'yan. 'Kung ganyan ba naman ako cooking show hindi ako ma bobored." Natawa pa sya.

"San mo ba nahakungkat 'yan? Sa old diary mo ba te?" Natatawang sabi ni Laurel nakisama na samin.

"Hindi mga te," Sagot 'ko sa kanila.

"Good morning," Bati nya ng lumakad sya sa likuran 'ko. Nilapag nya ang plato 'ko at si papa naman ang nag handa sa iba. Umupo sya sa tabi 'ko, hindi ma tinanggal ang apron na naka suot sa kanya.

"Good morning," Napatulala ako sa kanya. "Kumusta tulog mo? Naka tulog ka naman ba?" Tumango-tango sya.

"No worries. It doesn't feel uncomfortable." Makikinig lang sila papa sa usapan namin.

"Let's us pray," Biglang sabi ni Laurel. Nag dasal kami bago kumain. "Amen."

"Are we going to go out after this?" Sumubo muna ako bago tumingin sa kanya. Oo nga pala may date kaming dalawa.

"Ikaw, may gagawin kaba?"

"Kahit anong oras okay sa 'kin."

"Then, after this." Sabi 'ko. Hindi na kami muli nag usap habang kumakain, nararamdaman 'ko rin ang mga sulyap nila samin. Mukhang naramdaman nya rin ito.

"Aalis ka te?" Nag hahanap ako ngayon ng susuotin na damit dahil aalis na kami. Tumango ako sa kanila. Nandoon silang tatlo sa may pintuan pinapanood akong nag hahanap ng susuotin.

"Hays. Wag yan ate. Masyadong plain," Hindi na naka tiis si Sivana at tinulungan ako. "Dapat nag susuot ka ng comportable pero maangas."

"Ano ba 'yang damitan mo te! Wala man lang sexy. Wala ka bang mga crop top? 'Kung hindi kita kilala aakalain 'kong nag tatrabaho ka sa loob ng simbahan."

"Grabe ha." Mostly sa mga damit 'ko damit ni mama. Kasya na sya sa 'kin. Kahit ata sa mga kapatid 'ko.

"Pogi kasama mo kaya dapat pak ka!"

"Maganda na si ate. Hindi nya na kailangan maki sabayan." Sagot ni Sivana. "Wala akong makita. Pahiramin na lang kita." Pag balik nya may dala na syang flare jumpsuit. "Wag mo nang ibalik. Kabibili 'ko lang 'yan. Hindi 'ko pa na susuot."

Isang mahabang black na jumpsuit iyon. Fitted sya kaya kitang kita ang curba ng katawan mo.

"Yeii! Dali na teh suotin muna!" Mas excited pa si Laurel kesa sa 'kin. "Mukhang maganda. Bagay din 'yan sa 'kin. Rentahan 'ko te!"

"Kapal mo ha." Sagot ni Sivana. "Bili ka te." Tumawa si Laurel at tinulungan na lang ako.

"No, Its not like that-" Napahinto sa pag sasalita si Claude nang makita ako pababa. "-She's ready. We have to go papa." Ngumiti si Claude kay papa. Nakiki papa na rin sya ha.

Love Sickness (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon