Chapter 1: Peace Agreement
SA GANDA ng kalangitan at kalupaan, walang makapapantay sa kanyang kadakilaan. Sa bawat sulok ng lupaing sakop niya, matunog ang pangalan ng dalagang natatangi sa lahat.
Siya si Elaine Hidalgos, The New Supreme Spirit and The Empress of Southwest Land. The mightiest one with a strange power like a god.
Kasalukuyan siyang nagniningning sa pagkakaupo niya sa trono. Ang malaking silid ng kanyang kinabibilangan ay nilamon ng katahimikan ngunit sumisigaw ang kagandahang taglay niya at ang awra niyang hindi mo mapagkakailang nakatatakot at nakamamangha.
Nakasuot ito ng kumikintab na puting mahabang gown at may disenyong gawa sa ginto. Nakaladlad ang mahaba niyang puting buhok at ang nag-iisang gintong hikaw sa kanang tenga ay nagmumukod tangi. Ang mukha niya ay nakatakip ng maskarang walang kalaman-laman at ang imperial crown ay nanatiling nakatindig sa kanyang ulo. Ang mga kamay niya ay nakapatong sa bawat kamay ng trono at nakaupo ng diretso.
Kung titingnan sa malayo, ikaw na mismo ang luluhod at sasambahin ito. Ang pagtanaw sa kanya ay isang museyo ng mga greek gods. Ngunit sa lahat ng ito, may balakid na nakakubli. Ang suot nitong purong puting maskara ang nagpahinto sa pantasya nila sa dalaga. Maraming nais itong malaman kung bakit nanatiling nakatago ang katauhan niya. Ang mga mamamahayag ay hindi malaman kung ano ang dahilan nito. Hanggang ngayon, misteryo pa rin sa kanila kung bakit nakamaskara na ang kanilang pinuno. Ang hindi nila alam, mababaw lang ang rason na ito.
Sa gilid ng maharlikang silid, may isang dalagang nakasilip sa malaki at makapal na kurtinang tumatakip sa isa pang silid. Lihim niyang sinara ang kurtina at hindi na sumulyap sa tronong nakaupo ang empress. Huminga siya ng malalim at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
"Mapapagaan ang trabaho ko," sambit ng dalaga at naglakad na animo'y payaso; tumatalon-talon ito at masaya ang emosyon. Mahaba ang buhok niya na kulay puti at nakatirintas. Ang suot niya ay bistidang itim at naka-boots hanggang taas ng tuhod.
Maniniwala ba kayong ang dalaga ay si Elaine Hidalgos? Paano naging dalawa ang katauhan niya? Isang nakaupo sa trono at isang palaboy-laboy lang?
Ang nakaupo sa trono ay bagong imbensyon ni Princess Haruna. Isa itong homunculus na isang humanoid creature na maaaring kontrolin ni Elaine. Nilagyan ito ng kaunting mana ni Elaine at hinulma bilang katauhan niya. Ang nilagay niya lamang ditong kaalaman ay maging tuod kanino man. Hindi ito makakapagsalita kapag hindi niya kinontrol. Kaya ang ilan sa mga bumibisita pa, sinasabing siya ay isang 'Cold Empress'.
Natatawa na lang siya kung paano bumilis ang tsismis sa kanya. Sinasawalang bahala niya ito dahil iba ang nais niya.
Ito ang kahilingan niya, ang makamtam ang kalayaan. Para na rin maiwasan ang pagkakakilanlan sa kanya, unti-unti niyang inalis sa isipan ng mga tao kung ano ang kanyang hitsura. Ayaw niyang maging sikat, gusto niya lang makasama ang kanyang pamilya. Layunin niya namang mamuno ngunit hindi sa paraang pampubliko. Nais niyang maglakbay nang walang nakasasagabal kaya ngayon, malaya siyang nakagagala.
Hinawakan niya ang kanyang kamay na may suot na kulay itim na singsing. Hinimas niya ang kanyang buhok at ito'y nagbago ng kulay itim.
Tumigil siya sa paglalakad nang makita ang kanyang repleksyon sa hallway na puno ng salamin. Namangha siya dahil sa pagpalit ng kulay ng buhok, hindi na niya makilala ang sarili.
Napangisi siya at napahawak sa kanyang baba.
"Tama ang disesyon kong magbalat-kayo," pagkakausap niya sa sarili. Natigilan siya sa paghanga sa sarili nang makaramdam ng mana aura sa kanyang paligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/334259595-288-k193604.jpg)
YOU ARE READING
I'm a Ghost in Another World 2
FantasyElaine has a new challenge as the Empress of Southwest Empire, a war between leaders across the world. To lead the way for victory, she entered the enemy's territory and disguise herserlf as a student. Disclaimer: This story is written in Taglish.