Chapter 25

1K 33 17
                                    

Chapter 25: The Beginning of Mission ZO, Abduct Ginger

SA ROYAL Palace ng Southwest Empire, kalmado at kumportableng nakadekwatro si Cielle sa kanyang trono. Kilala siya bilang si Empress Elaine na pinagkaloob sa kanyang kapatid at walang nakakakilala sa totoo niyang katauhan dahil sa suot niyang maskara. Umuupo lamang siya rito kapag may bumibisita na mataas ang tungkulin o opisyal. Ngayon ay may darating na mensahe na halos kalahating oras niya nang hinhintay. Importante ito kaya kailangan niyang tiyagaan.

Nakataas-noo siyang nakatingin sa pinto at eleganteng nakaupo. Ngunit ang lahat ng maharlika niyang imahe ay mauudlot dahil makikita sa kanyang mukha na nagpipigil.

"Ang kati!" mahina niyang sambit. Agad siyang gumilid at inabot ang pang-upo niya.

"Ang kati talaga!" reklamo niyang muli.

"Ehem!" 

Isang malakas na pag-ubo ang nagpatigil sa nais niyang gawin. Paglingon niya, nakita niya si Pinunong Sol na nakalimutan niyang nasa tabi niya pala.

"Refrain your majestic posture, your majesty," dagdag pa nito.

"Pero—" Bago pa matapos ang sasabihin ni Cielle, isang pagpalo ang natanggap niya kaya  napilitan niyang umayos ng pag-upo.

"Huhuhu~" Kahit kating-kati na si Cielle, tinitiis niya ito dahil dumating na ang inaasahan nilang bisita. Umayos siya nang upo na parang walang iniindang pagkati at taas noong tiningnan ang bagong dating. Isa itong lalakeng balot na balot ang katawan ng itim na tela.

Pinanliitan ng tingin ni Elaine ang lalake at pinalakas niya rin ang kanyang awra na nagpapatunay na isa siyang pinuno ng isang imperya. Ginagawa niya ito para ipakita sa kanila kung gaano siya kalakas. Hindi naman siya nabigo rito dahil nakita niyang nanginig ng kaunti ang mga braso nito.

"Welcome, your majesty, Empress Elaine. We're the messager in Northern Empire. We invite you to the Word Summit. Please consider our sincere invitation," panimula ng lalake. Nakayuko niyang inabot ang isang itim na liham at pagkatapos ay nawala agad siya sa kadiliman na parang bula.

Nakahinga ng maluwag si Cielle at binaba ang kanyang awra. Tinaas niya ang hawak-hawak niyang sobre at pinagmasdan ito. Bubuksan sana niya ito ngunit nanlaki ang kanyang mga mata ng makaramdam ng pagkati. Agad niyang inabot kay Pinunong Sol ang sobre at kinamot ang pang-upo sa abot ng kanyang makakaya.

Habang abala ang dalaga, binuksan ni Pinunong Sol ang sobre. Agad niya itong binasa at agad ding sinara. Isa lamang itong pormal na imbitasyon sa World Summit.

"Kailangan natin itong mabalita kay Elaine as soon as—" Natigilan ang matanda sa kanyang sinasabi nang makarinig ng isang malakas na pagpunit ng damit. Paglingon niya, nakita niya si Cielle na natigil sa pag-abot ng pang-upo nito dahil sa pagkagulat sa napunit nitong gown.

"Hehehe, sorry," paumanhin na lamang ni Cielle sabay muling kamot sa pang-upo niya.

Napasapok na lang si Pinunong Sol sa kanyang batok at muling binasa ang liham.

"Kumusta ang mga produktong pinalaganap ng mga taga Eastern Empire?" biglang seryosong saad ni Cielle na nakaupo na bilang isang huwarang na empress.

Normal na kay Pinunong Sol ang pabago-bagong ugali ni Cielle. Alam naman nilang maayos itong nagtratrabaho bilang empress.

"Maayos naman at walang aberya," tugon ng matanda at tumayong tumindig. "Ang inspeksyon ay nagpapatuloy pa rin. Bago pumasok sa ating lugar, sinusugurado naming siguridad at walang aberya na magaganap."

"That's good to hear."

Napangiwi na lang si Pinunong Sol kay Cielle at saka nila nilisan ang silid. Marami pa silang dapat na gawin at isa na rito ang pagpapatibay ng kanilang siguridad. Marami na ang nakamata sa paligid ng kanilang imperya. Animo'y nasa isa silang madilim na kagubatan na ramdam na may nakatingin na mga mababangis na hayop. Makitaan ka lang nila ng kaunting pagkakamali, wala ka nang bukas na mararating.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now