Chapter 24

494 26 3
                                    

Chapter 24: The Premier of Schemes

NANGINGINIG na nagkwento si Freya tungkol sa nangyari sa kanya kagabi. Naniwala pa ito na totoo ang mga multo kapag sumapit ang gabi. May ilang nakikinig sa kanya at may ilang natatawa na lang. Habang wala pa ang kanilang guro, kanya-kanya sila ng nais nilang gawin.

"Totoo kaya ang mga multo?" biglang tanong ni Zyaniah na nakadantay ang mukha niya sa kanyang mga bisig at nakahilata ang kanyang mga kamay sa lamesang mahaba't malapad. Sama-sama silang gumagamit sa lamesa at ang pinagkaiba lang nila, may sari-sarili silang mga upuan.

"Hindi mo ba alam ang Spirit Woodland? Sa pagkakaalam ko, maraming kaluluwang naligaw doon," bahagi ni Esang na inaayos ang kanyang panulat at mga papel.

"Alam ko pero hindi pa ako nakakakita ng multo kaya paano ko paniniwalaan 'yong pinagsasabi niya?!" saad ni Zyaniah sabay turo kay Freya na abalang nakikipagdigmaan sa gusto nitong iparating sa iba niyang kaklase. "Kung hindi ko nakikita, hindi ko paniniwalaan."

"Gusto mo bang makakita ng multo?" biglang sabat ni Aluma na kinatingin nilang lahat sa kanya. Ngumisi pa siya sabay tingin kay Elaine na nakakunot-noo sa kanya. "Tingin ka sa likod mo."

Lumingon naman agad si Zyaniah at napatili nang makita si Elaine na bagsak ang magulo nitong buhok, malalim ang eyebags, at napahikab pa na halatang inaantok.

"Anak ka ng— Lady Elaine, ikaw pala 'yan? Akala ko multo na!" singhal ni Zyaniah at muling yumuko sa lamesa.

Kinusot muna ni Elaine ang kanyang mata bago tumugon, "Pasensya na. Inaantok pa ako eh."

"Bakit? Nagpuyat ka?" tanong naman ni Esang.

"Well. . . gano'n na nga," tugon nito sabay kamot sa batok at sumulyap kay Freya. Ngumisi siya nang makita pa rin sa mga mata nito ang takot dahil sa ginawa niya.

Natigil ang usapan ng lahat nang biglang may pumasok sa kanilang silid. Isa itong lalake na sinigaw na walang klase dahil abala ang mga propesor sa meeting.

"Sayang punta ko rito, wala rin palang pasok," bunganga ni Zyaniah. Sabay-sabay na tumayo ang kanyang mga kasamahan at nilisan ang silid.

"Biglaan naman pero mas mabuti na 'to para makapagpahinga tayo," saad naman ni Esang.

"Anong pahinga? Sinong nagsabing magpapahinga?!"

Bigla na lamang nakaramdam ng kaba sila Esang at Zyaniah sa mga sinabi ni Aluma. Alam na nila ang patutunguhan nito kaya lumayo na sila ng bahagya sa dalaga.

Natatawa na lang sa kanila si Elaine ngunit ang kasiyahan ay mauudlot nang dumami ang mga estudyante sa pasilyo. Siksikan ang mga kabataan na tila nagwewelga papalabas ng gusali.

"Anong meron?" tanong ni Aluma sabay singit sa mga tao. Nang walang sumagot sa tanong niya, humugot siya ng isang binata at kwinelyuhan. Sinamaan niya ito ng tingin na kinakaba ng binata.

"Anong meron?!" maangas niyang tanong.

"A-ahh. . . m-may kailangan silang inspeksyunin."

"Inspeksyon?!" takang tanong ni Aluma sabay bitaw sa binata na agad na umalis at naluluha ang mga mata. Natakot ito sa kanya dahil para itong kakainin ng buhay.

Sumingit pa lalo si Aluma at napuntahan niya ang gate na kung saan ay may nakaharang na isang knight. May hawak itong isang gemstone na naglalaman ng kakaibang mana.

"It's a mana detection," biglang sabat ni Elaine na nasa likod na ni Aluma. Lumingon sa kanya ang dalaga na nakaburda sa mukha ang nais na kasagutan.

"Para saan?" mahinang tanong ni Aluma. Bago sagutin siya ni Elaine, nakita niyang dumaan sa gilid nila si Cahira at napansing may inabot ito sa dalaga.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now