Chapter 18: Winter Squad
MABILIS na naubos ang oras ni Elaine sa pagkunsulta niya sa kanyang bansa. Marami na siyang nagawa at isa na rito ang mahalin ang kanyang pamilya na na-miss niya ng sobra.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang trono. Nakadekwatro siyang nakaupo at nakapahalumbaba sa kamay ng trono. Sumabay sa maganda niyang katawan ang gown niyang itim na hapit na hapit. Nakaladlad ang kanyang mahabang puting buhok at nakasuot ng imperial crown.
Siya muna ang gumanap bilang isang Empress ng Southwestern Empire. Hinayaan niya muna si Cielle na magpahinga sa piling ng kanyang pamilya. Kung tutuusin, gawain niya ito na pinasa niya lang sa kapatid niya.
Nasa tabi niya ang pinagkakatiwalaan niyang si Pinunong Sol at si Twilight. Hindi kalayuan sa kanyang harapan, nakaluhod ang mag-inang sila Chancellor Cassiel at Freya, at nasa gilid lang nila si Meralda na kaswal lang na nakayuko.
"Our sudden visit here is a pleasure to us, your majesty," magalang na sambit ng chancellor at yumuko.
"I'm glad and I wish for your safe ride," walang emosyong sambit ni Elaine at gumawi kay Freya. Nang mapansin siya ng dalaga, pinagpawisan ito na kinatuwa niya. Mabuti na lang, nakamaskara siya para hindi makita ang ngisi niya sa kanila.
Huling araw na 'to bago mo ako pagtripan ulit, Freya, sa isip-isip niya.
Tumayo ang tatlo at umalis sa silid. Nang mawala sila, lumapit si Pinunong Sol kay Elaine.
"Meralda set a trap here," bulong ng matanda.
"I know," sagot ni Elaine at gumawi kay Twilight na yumuko't ngumiti sa kanya.
Malugod na inalalayan ng mga taga Olimpus ang pag-alis ng mga taga Eastern Empire. Inalalayan nila Pinunong Sol at Prime Minister Yel ang pagsakay ng mga ito sa barko. Hanggang sa paglayog nito, hindi nila inalis ang kanilang mga tingin.
Nang makumpirma ang paglisan ng mga taga ibang bansa, nagpatawag ng meeting si Elaine sa mga pinagkakatiwalaan niya: General Equinox, Pinunong Sol, Prime Minister Yel, Princess Haruna, at Guardian Mikhail na may kasamang sila Ruby Hidalgos Jaia at Dr. Aivan Jaia, at ang laging buntot ng mga ito na si Rai Tormenta.
Tinanggal ni Elaine ang kanyang maskara at sinalubong ang mga kaibigan ng mahigpit na yakap. Halos maluha na nga si Ruby sa pagkakawalay nila at si Rai naman ay niyakap ang dalawa.
"I miss you, Elaine," sambit ni Ruby at nagbago ang mahinhin nitong ekspresyon sa pagkairita niya. Paglingon niya, sinamaan niya ng tingin si Rai at tinaboy. "Ano ba?! Moment namin 'to ni Elaine!"
"Aba-aba! Hindi lang ikaw ang kaibigan niya rito!" nakakunot-noong tugon ni Rai.
At ang dalawa ay nagsimulang magbangayan.
Natatawa na lang si Elaine at bumalik sa kanyang alaala ang mala aso't pusang mga ugali nito.
Na-miss ko rin ang kaingayan nilang dalawa, sa isip-isip niya.
Humalukipkip si Ruby at pataray na lumihis ng tingin. Gumawi siya kay Elaine at ngumiti.
"Kumusta ka na? Ang hirap maging Empress at Supreme Spirit noh?"
"Kaya naman," tipid na sagot ni Elaine.
Si Rai naman ay nilibot ng tingin ang silid pagpupulong at malungkot na tumingin kay Elaine.
"Balita kay Captain Alaric?"
Ang magkakaibigan ay nakaramdaman ng mabigat na kalungkutan lalong-lalo na si Elaine na napahawak sa kanyang ginintuang hikaw. Ito na lang ang natitira niyang alaala sa kapitan na nagturo sa kanyang lumakas at naggabay sa kanila.

YOU ARE READING
I'm a Ghost in Another World 2
FantasyElaine has a new challenge as the Empress of Southwest Empire, a war between leaders across the world. To lead the way for victory, she entered the enemy's territory and disguise herserlf as a student. Disclaimer: This story is written in Taglish.