Chapter 13

471 33 0
                                    

Chapter 13: Emperor's True Motive

NAKAYUKOM ang mga kamay ni Elaine at nakatayo siya't pinipigilan ang sarili na hindi makain ng mabigat na pressure na binibigay ng awra ni Emperor Ark. Kayang-kaya niyang gumamit ng anti-magic barrier para hindi ito mangyari sa kanya ngunit naalala niyang mas sentisibo ang magic sense nito kumpara sa iba. Sa maling galaw lang ng paggamit ng mahika, tiyak na mabubulgar siya.

Ang ibang nakatayong binata ay napaluhod at makikita sa mukha nilang nahihirapan na. Ginaya niya ang mga ito para hindi mabuking ang katauhan niya. Napakapit lang siya sa likuran ng sofa at nakita si Countess Ciana na nanginginig ang buong kalamnan. Ang nanatili lamang na kalmado ay sila Meralda, Grand Duke Noimi, at ang dalawang Duke na sila Thierry at Eufemio.

"Please calm down, y-your highness," nahihirapang pakiusap ni Arlo na nakahawak sa kanyang dibdib.

Unti-unting nawala ang mala kalamidad na awra ni Emperor Ark at ito ang dahilan ng paghinga nang maluwag ng lahat. Tumayo ng maayos si Elaine at nakitang bakas pa sa mukha ng iba na nahirapan silang makabangon at makahinga. Pawisin na ang ilan at tila nanginginig pa ang mga kalamnan.

"W-what is this all about, your highness?" nahihirapang tanong ni Lord Gaston at masamang tumingin sa emperor.

Nagdekwatro ang binatang emperor at nakapahalumbabang pinanliitan ng tingin si Gaston.

"I'm making my entrance and. . . para malaman kung sino ang mga taong hindi dapat bigyan ng halaga."

Ang mga mata ng emperor ay puno ng kasarinlan at nagbibigay babala kay Lord Gaston. Nagtaasan ang balahibo nito at agad na bumalik sa kanyang pwesto ng maayos at nakatindig.

"I-I'm into you, your highness," sagot na lamang ni Gaston at lumihis ng tingin.

Wala nang gumawa pang ibuka ang kanilang bibig. Sapat na ang presensya ng emperor kung bakit kailangan nilang tumikom. Alam nilang lahat na wala sila sa posisyon para tanungin pa ito. Mas gusto na nilang matapos ang nais nito sa kanila.

Dahil sa maagang namatay ang dating emperor ng Eastern Land sa hindi malamang dahilan, ang crown prince noon na si Arkish Urduja ang siyang umupo sa trono. Naging maganda naman ang pamamalakad nito ngunit sa sobrang pagpapahalaga niya sa pagpapalago ng hukbong sandatahan, kinukulang naman siya sa pagpapalaganap ng industriya. Kaya ang ilang mga Land Lords ay naisipang humiwalay at magnegosyo, at dito umusbong ang mga successful business owners.

Ang kinakabahala lang ng emperor, masyado ng mas malakas ang teritoryo, impluwensya, at kayamanan ng mga business owners. Na hindi naman nila sinasadyang may pagkakataon na nasasagabal na nila ang mga proyekto o impluwensya ng mismong emperor.

Ito rin ang unang nag-imbita ang emperor sa mga katulad nila kaya alam nila ang sadya nito na malaki ang pursyentong hindi magiging maganda ang takbo nito. Ngunit hindi sila pwedeng tumanggi dahil isa iyong taliwas at pagpapakita ng walang respeto sa tunay na pinuno ng lupaing kinabibilangan nila.

Huminga ng malalim si Emperor Ark at ngumisi. Tumingin siya sa paligid at napansin ang mga mata nilang nababahala sa kanya.

"Everyone, calm down your eyes and thoughts. I'm here as a fellow business owner," nakangisi niyang sambit.

Habang tensyunado ang bawat negosyante sa emperor, si Elaine naman ay nanatiling tikom ang mga bibig ngunit tinalasan ang kanyang pandinig. Narito siya upang mag-obserba at kumuha ng impormasyon.

Natural lang sa mga katulad nila Lord Gaston na mabahala sa ginawa ni Emperor Ark. . . sa isip-isip niya at gumawi sa dalawang duke na kanina niya pa napapansin ang pagiging kalmado nila.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now