pagkagising ko ay nag unat-unat muna ako sa higaan ko, agad akong napatayo nang maalala kong friday pala ngayon.
kasal ni Kaella.
pagtingin ko sa orasan ay 7:30 na, 8:00 am daw ang start ng event.
nag isip isip muna ako kung pupunta ba ako sa kasal ni Kaella.
iniisip ko palang ay parang maluluha na agad ako doon. oo, mahal ko pa din si Gavin.
kahit anong gawin kong pagpigil sa nararamdaman ko ay wala pa din.
namulat ako sa kamalayan noong may nag doorbell kaya bumaba muna ako para tignan kung sino ito.
pagkababa ko ay wala nang tao rito, maski si manang at si manong Jose.
pagbukas ko ng pintuan ay bumungad saakin ang mukha ng unggoy— este si Jared.
bakas naman sa mukha nito ang pagtataka.
“bakit hindi kapa naka bihis?”
“hindi kaba aattend sa kasal ng kapatid mo?”tanong niya.
pinapasok ko na muna si Jared saka pina upo sa sofa, naka palit na ito.
tumingin ako sa kaniya.
“aattend ba ako Jared? parang hindi ko kasi kakayanin”
lumapit naman siya saakin saka hinaplos ang likod ko. “i know that you loved him, pero mag move on kana muna doon. hinihintay ka ni Kaella do’n”
yeah, he’s right.
hinihintay ako ni Kaella.
kahit masakit para saakin, ay gagawin ko nalang.“magbihis kana‚ hihintayin kita dito” saad ni Jared.
ngumiti naman ako dito at tumango, agad na din akong umalis para makapagbihis.
naligo na ako saka isinuot ang gown na pinili ko, ewan koba dito kay Kaella. mas gusto niya daw ng ganto para magmukha kaming twinnie
pagkatapos ay inayos ko na din ang buhok ko, napatingin naman ako sa salamin.
kitang kita ko ang buong repleksyon ko dito.
“how i wish i was his bride” saad sa isip ko saka ngumiti.
dali dali akong bumaba baka ma-late kami, nakita ko naman na nandoon pa din si Jared.
napatitig lang ito saakin. tumayo siya at inilahad ang kamay bago magsalita.
“you look pretty‚ let's go?” aniya na ikinatango ko nalang.
papunta na kami ngayon sa venue, nasa back seat ako.
“alam kong masasaktan ako, pero sana hindi ako maiyak don Jared” ani ko sa kaniya.
patuloy lang ito sa pagmamaneho.
“kung maiyak ka man‚ then just think that it's a tears of joy” tugon niya saka tumawa.
nakarating na kami dito sa venue, pinagbuksan ako ni Jared.
taranta akong bumaba sa kotse, nagmumukha tuloy akong run away bride nito.
pero hindi naman ako ang bride ni Gavin.
tumingin ako kay Jared akala ko sasabay siya saakin, hindi pala.
“congrats, Ishan. sunod ako.”
huh? anong congrats? ah baka kay Kaella.
binalewala ko nalang iyon saka dumaretso na, sa labas ng simbahan ay kitang kita mo si Gavin na nakatayo doon katabi ng pari.
pero nasaan si Kaella?
nagtaka naman ako sa mga tao rito sa loob ng simbahan dahil nakatingin silang lahat saakin.
lumingon lingon ako habang naglalakad, tumayo si Kaella saka pumunta sa tabi ko, sabay kaming naglalakad.
teka. bakit hindi niya sinuot ang wedding gown niya?
“hoy babae‚ bakit ako pa ang mas nagmukhang ikakasal? nasaan ang gown mo aber?” tanong ko sa kaniya
tumawa naman ito, naglakad na din si Gavin papunta saamin.
“alam mo ate‚ ang saya ko” saad niya.
“bakit?” naiinis na tanong ko.
napatingin naman ako kay Gavin na ngayon ay nakangiti na.
“kasi ikakasal kana” tugon ni Kaella saka umalis sa tabi ko.
gulong gulo ako ngayon, bakas sa mukha ko ang pagtataka.
hinawakan ako ni Gavin.
“i’ll explain to you later love” saad niya saka naglakad na kami papunta sa altar.
tumingin ako sa father na nakangiti saamin saka binaling ang tingin kay Gavin.
magsasalita na sana si father ngunit inunahan ko siya.
“W-WAIT!! AKALA KOBA SI KAELLA ANG IKAKASAL???!!”
tanong ko kay Gavin.
“naniwala ka naman love?” tanong niya sabay taas ng kilay niya.
“plano lang namin ’yun‚ nasasaktan ako sa mga panahong ’yon kasi nasasaktan kita. just like what i said, i love you. simula nung una kitang nakita, mi’ Yshanicka. atleast now, ikakasal kana sa’kin” saad niya sabay kindat.
nakatulala lang ako, hindi ako makapaniwala.
“magpapakasal ba kayo o hindi?” tanong ng pari
natawa naman kami ni Gavin.
“huwag na nating patagalin” panimula ni father
“Gavin‚ nangangako kabang tatanggapin mo ang babaeng nasa harapan mo ngayon, mamahalin ng buo at iyong makakasama sa iyong buhay?”
hawak hawak namin ang isa't isa, alam kong alam niyang nanginginig ako.
“of course, father. i love her so much”
bumaling naman ng tingin saakin ang pari.
“Yshanicka‚ nangangako kabang tatanggapin mo ang lalaking nasa harapan mo ngayon, mamahalin ng buo at iyong makakasama sa iyong buhay?”
“ayoko father” masiglang sagot ko.
nagtaka naman si Gavin, maski ang pari. gayon din ang mga tao dito.
“ayokong tumanggi” dagdag ko kaya nagtawanan silang lahat.
ang mukha ni Gavin kanina na hindi maipinta ngayon ay nakangiti na.
sinuot na namin ang singsing.
“you may now kiss the bride”
naghiyawan ang mga tao nang marinig ang mga katagang iyon, jusko naman.
lumapit saakin si Gavin.
“hi wifey‚ dadagdagan na ba natin ’yang batang nasa sinapupunan mo?” tanong niya saakin.
paano niya nalamang buntis ako?
“paano mo nalaman?”
ngumisi naman siya.
“well, it's not hard for me to find out” aniya saka hinawakan ang mga balikat ko.
unti unting nagkalapat ang mga labi namin na siya namang mas kina-ingay ng mga tao dito.
“mabuhay ang bagong kasal!” saad ng pari at nagpalakpakan naman ang mga taong dumalo sa kasal namin.
finally!
kahit madaming pinagdaanan, ako pa din ang endgame!
YOU ARE READING
HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)
RomanceYshanicka‚ a simple and beautiful lady. decided to work in Manila to support the expenses of her mother and her younger sister, regarding her knowledge, she met a man who had no idea if it would change her life or make it worse.