xvi

1K 13 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon, libing ni mama ngayong araw eh.

Pagkalabas ko ng kwarto kinuha ko agad ang towel at pumutang banyo, habang maaga pa maliligo na ako!

Pagkatapos kong naligo at nagbihis, nakita ko sila Gavin at Jared sa labas. Hindi sila magkatabi pero pareho silang nasa labas.

Tapos na rin silang naligo, gayon din kay Kaella at tiya Asheng. Siguro ay ako ang huling naligo, ang pagkaka-akala ko naman ay maaga akong nagising!

Umupo muna ako saglit sa tabi ni mama, tinitigan ko ang mukha nito. napangiti ako na may kahalong luha. Ngunit pinunasan ko kaagad ito, wala munang iiyak ngayon, masasayang ang kagandahan ko.

“i miss you ma” bulong ko sa kawalan habang tinititigan pa rin ang katawan ng aking ina

“Ishan‚ nariyan na ang D'Carbonels” saad ni tiya kaya agad akong tumayo.

Pinapasok sila ni tiya Asheng at nagpunta naman ako sa gilid, pinapanood ang ginagawa nila kay mama.

Inayos muna nila si mama bago nila ito ilabas.

Kinuha na nila si mama, nilagay sa sasakyan.

Kinuha ko ang bag ko at sumakay na rin ako sa sasakyan nila. Kahit mabigat ang nararamdaman ko ay hindi ako magpapatalo rito.

Lumingon ako kay Gavin.

“sir Gavin, hindi po ba kayo sasakay?” tanong ko sa kaniya

Umiling ito. “hindi, ikaw nalang.”

Bale naglakad si sir Gavin. Nasa tabi ko naman si Kaella, kasya naman kasi kami dito sa upuan.

Hindi naman pwedeng ako lang ang nakasakay dito tapos si Kaella ay maglalakad, kung gayoon ay mas mabuting ako na lamang ang naglakad kaysa sa kaniya.

Nang makarating na kami sa sementeryo ay halo halong emosyon ang bumabagabag sa akin, sinabayan pa ito ng mabigat na pakiramdam ko.

Pinapanood ko kung paano mapunta ang kabaong ni mama sa ilalim ng lupa. Nawa ay maging masaya siya sa itaas, nawa ay maging masaya siya sapagkat kasama na niya si papa.

Nawa nga ay gabayan mo ako, kami ni Kaella. Gabayan mo kami palagi, mama.

Pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga taong sumama sa amin dito sa sementeryo upang ilibing ang labi ni mama. Nagpaiwan muna ako rito, gusto kong damhin ang hangin kasama ni mama.

“mauna ka nadin Gavin” saad ko dito dahil nagpaiwan rin siya

Hindi naman pwedeng pati siya ay manatili rin dito, may mga naghihintay din kay Gavin.

Lumapit ito at tumabi sa akin. Heto na naman tayo, ang bait mo sa akin, sino ba naman ang hindi mahuhulog sa iyo.

“gusto kitang samahan” aniya at tumingin sa kawalan

Nginitian ko na lamang siya. Pumikit ako at nilalanghap ang hangin, hinawakan ko ang magkabilang balikat ko.

Iniisip na ang malamig na hangin na iyon ay ang mga bisig ni mama na kasalukuyang yumayakap sa akin.

Hindi ko mapigilan ang ma luha. Bakit kasi si mama pa!

Hinaplos ni Gavin ang luha na tumutulo sa mukha ko, hinalikan ako nito sa noo.

Napatingin ako sa kaniya, ang seryoso niya. Pero kita ko rin sa mga mata nito ang pag-aalala sa akin.

“umiyak ka lang kung iyan ang makakapagpagaan ng kalooban mo” saad niya.

Niyakap ko siya, kasabay ng pagbuhos ng mga luha kong kanina pa bumibigay.

Kumalas din ako sa pagkakayakap sa kaniya. “s-sorry Gavin”

Ngumiti ito at huminga. “okay lang”

“tayo kana diyan‚ treat nalang kita” dagdag niya kasabay ang matamis niyang ngiti.

Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan ang ngiti, lagi lagi kasi siyang seryoso at malamig kung titignan.

Mabait ngayon ang Gavin na iyan ah. Nay pa treat treat pang nalalaman!

Feel ko talaga crush ako nito eh, hindi niya lang sinasabi kasi baka nahihiya siya sa akin!

Tumayo agad ako, aba! sino ba naman ang tatanggi sa libre!

“libre ba kamo? taraa na!” hinila ko ito na ikinagulat niya

Naglalakad kami sa gitna ng araw, ang init! wala manlang kaming payong.

Ilang saglit pa ay pumasok kami sa isang Icecream shop

“what do you want?” tanong ni Gavin

Patuloy pa rin kami sa paglalakad kahit sobrang init na. “ice cream nalang siguro‚ total mainit din naman ang panahon”

“okay okay” maikling tugon niya

“anong gusto mong flavor?” tanong niya ulit

Lumingon ako rito. “cookies and cream”

Ilang saglit pa ay bumalik na si Gavin sa table namin. “here’s your order miss” saad ni Gavin sa akin at tumawa.

loko talaga!

Kumakain na kami ng ice cream, pinunasan ni Gavin ang kumalat na ice cream sa gilid ng labi ko.

Ano naman kung parang bata ako kumain ng Icecream, masaya ang inner child ko eh.

Nakatitig lang ako rito, nang bigla niyang dilaan ang daliri niyang pinang punas niya sa akin.

Napataas ang isang kilay ko rito.

Napaka attractive talaga ni sir Gavin, hindi mo ma-itatanggi iyon.

Oo, bahala na kung ano ang susunod na mangyayari, basta ang alam ko, tila nagugustuhan ko na rin si Gavin!

Masaya kaming kumakain ng Icecream, nag k-kwentuhan. Ang pagkaka-alam ko, ginagawa talaga ni Gavin ang ngumiti ngayon para pagaanin ang nararamdaman ko.

Ngayon lang niya nailabas ang mga ngiti niyang ito, mas nakakatunaw pala. Sana ganito ka na lang palagi, Gavin.

Umuwi na kami rito sa bahay, nadatnan ko si Jared na nakaupo sa labas ng bahay kasama si Kaella.

Naghihintay siguro sila sa amin.

“tagal niyo naman Shan‚ saan ba kayo nag punta?”
bungad na tanong ni Jared na halata sa kaniya ang pag-aalala.

Sumama lang ako sa asawa ko, ano ka ba pre.

nilibre lang ako ni Gavin, Jared” ani ko at ngumiti sa kaniya.

Dumaretso na kami ni Gavin sa loob ng bahay, pinaupo ko muna siya.

Nakakagaan sa pakiramdam, lalo na kapag si Gavin ang kasama ko.

Iyung tipong kapag kasama ko siya, tila nakalilimutan ko ang mga problema at sakit sa buhay ko.

Parang siya 'yung nagsisilbing lakas ko, sayang nga lang at hindi siya nakita at nakilala ni mama ng personal.

Niyakap ko si Gavin. Hindi naman ito pumalag, bagkus ay niyakap niya lang din ako pabalik

“maraming salamat Gavin”

“welcome‚ baby” yakap nito pabalik at ginulo ang buhok ko.

Pumikit ako habang dinadama ang yakap niya.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now