Maaga akong nagising, sila Kaella at Gavin ay hindi pa. Nauna na akong lumabas dala dala ang mga gamit ko pabalik sa maynila.
Mauuna na ako kay Gavin, marunong naman siyang bumiyahe mag isa, hindi ka naman na bata Gavin.
Pagkalabas ko ay nandoon na pala si Jared.
“Shan, tara na?” tanong nito ‘tsaka pinagbuksan ako. Tumango lang ako rito at sumakay na.
Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nu’ng magtanong ito.
“paano si Gavin? ’diba boss mo iyun?”
Napatingin ako rito, Gavin Gavin Gavin! ayaw kong marinig ang pangalan na iyan!
Ngumiti ako kay Jared. “hindi na siya bata”
Nag ring ang telepono ko, si Kaella.
Hindi ko sinagot ang tawag nito, pinabayaan ko muna. Kailangan ko pa ng time para maka get over!
Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at huminga ng malalim. Ineenjoy ko ang view sa labas ngunit tumunog muli ang telepono ko.
Tsk naman.
Si Kaella, nag text.
“ate, saan ka?”
Nireplyan ko na lang ito, baka kasi mag-alala sa akin.
“otw sa maynila.” tipid kong sagot sa kaniya. Hindi na rin naman ito nag reply pa.
Ilang minuto pa ay malapit na kami, tahimik lang kami ni Jared. Tamang tingin lang naman ako sa labas.
Nakarating na kami rito sa mansion, pinagbuksan ako ni Jared ‘tsaka niya ibinaba ang mga gamit ko.
“andito na tayo”
“dito ka pala nag ta-trabaho” saan niya kaya tumango ako rito.
Huminga siya ng malalim bago magsalitang muli.
“bayaan mo, kapag may oras ako. dadalawin kita dito” saad nito at ngumiti sa akin
Tumingin ako sa kaniya. “naku Jared, hindi naman na kailangan”
Tumawa ito. “as your bff, gusto ko ding masiguro kung safe kalang ba dito ano” tugon niya at tinarayan ako.
Itong lalaking ito!!!!
Hinawakan ko ang mga balikat nito.
“sige na Jared, maraming salamat sa paghatid saakin ha? punta ka nalang dito kung gusto mo”
Niyakap ako nito at ginulo ang buhok ko.
Nakakagulat naman 'to, hindi naman siya ganito.
Siguro baka mamimiss niya lang ako, sino ba naman kasing hindi!
“sige, una na ako”
Sumakay na si Jared sa kotse niya, kumaway muna ito sa akin bago siya tuluyang umalis. Kumaway din ako sa kaniya pabalik.
Pagpasok ko sa gate ng mansion ay wala si manong Jose, abalang abala talaga sila sa opisina. Lalo na si sir Justine.
Ewan ko ba kung paano siya nakumbinsi ni Gavin na manatili muna roon sa bahay.
Nag doorbell ako rito, agad namang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin si manang Laurin, kasama ang masayang pag ngiti nito sabay yakap sa akin.
Aww, nakakamiss naman si manang
“nakabalik na ako manang” ani ko sabay ngiti.
“pasensya na ija, hindi ako nakapunta. madaming ginagawa dito eh”
Kumalas ako sa pagkakayakap ni manang at hinawakan ko ang balikat niya. “ayos lang po manang.” ngumiti naman ito
Dinala ko muna ang mga gamit ko sa kwarto bago bumaba at tinulungan si manang.
Nagpupunas kami ng baso ngayon, as usual naman.
“Ishan, nasaan na si Gavin?” tanong ni manang kaya napatingin ako sa kaniya
Nakapag isip isip ako na sabihin ko kay manang ang mga nangyayari sa amin ni sir Gavin. Baka sakaling kapag sinabi ko sa kaniya, gagaan ang loob ko.
Kinakabahan pa ako bago ako makapagsalita. Pero mapagkakatiwalaan naman si manang
“ah manang, may sasabihin po sana ako”
“ano iyun shan?” agaran namang sagot ni manang
Lumapit ako kay manang Laurin, tinignan ko muna kung may mga tao sa paligid namin, buti na lang at wala.
“walang tao dito ija, nasa opisina sila” sabi ni manang at tumawa.
Napansin pala ni manang, siyempre po secret lang natin ito. Hindi pwedeng malaman ng iba kasi delikado.
Kailangan ko rin ng trabaho pero hindi ako maka focus kapag hindi ko ito nasabi sa 'yo. Baka mas lalo akong ma distract eh.
“manang, si sir Gavin po kasi” panimula ko sa kaniya at yumuko
Nagtaka naman ito sa sinabi ko at nagtaas lang ng kilay.
“nauna napo akong bumalik dito kasi ayaw kopo silang makita ng kapatid ko, manang gusto ko napo si sir Gavin, pero naisip kong mas mabuti kung itigil ko itong nararamdaman ko sa kaniya” mahabang salaysay ko sa kaniya, takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon, paano kapag pati si manang, magalit sa akin.
Kanino na lang ako kakampi.
Nagulat ata si manang sa sinabi ko, hindi siya nagsasalita eh.
Pero noong nasabi ko na ang gusto kong sabihin, gumaan naman na ang nararamdaman ko kaya mabuti na rin naman, kampihan man ako ni manang o hindi, ayos lang.
“manang favor po sana”
Tumikhim naman si manang at nanatili pa ring hindi nagsasalita, siguro ay hindi pa nag sink-in sa utak niya ang mga sinasabi ko.
Pero manang, totoo po lahat ng iyan, hindi ako nagsisinungaling.
“puwede po bang kapag may i uutos o ipapagawa si sir Gavin kayo po muna ang gumawa?” giit ko sa kaniya at tumingin sa kawalan
Nakakahiya na kay manang, pero ito na lang 'yung paraan na natatanging alam ko para hindi ako ma distract sa trabaho.
Hinawakan ni manang ang likod ko. “sige ishan” aniya at pinagpatuloy ang ginagawa niya
Ngumiti ako sa kaniya at niyakap ko ito.
“salamat manang, maraming salamat po talaga ha”
“i want coffee”
Bulyaw ng nasa pintuan, sa likuran namin. Agad kong binitawan ang kamay ko mula sa pagkakayakap kay manang at tumingin kami kung sino ang nasa pintuan.
Si Gavin.
Nagkatitigan kami ni Gavin ngunit umiwas ako ng tingin, ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa ginagawa ko.
Paano kapag narinig niya kami ni manang kanina.
Edi lagot na ako nito.
“kanina ka pa ba diyan sir Gav?” tanong ni manang sa kaniya ngunit umiling naman ito. “kadadating ko lang.” malamig niyang tugon
“ishan ikaw na muna diyan, timplahan ko lang si sir ng kape” ani ni manang sa akin, tumango naman ako rito.
Buti na lang at nasa kusina kaming dalawa ni manang.
Nakita kong umalis na si Gavin patungo sa sofa, nanonood ito.
“i'm sorry Gavin, mali talaga ang mapa-ibig ako sa'yo”
YOU ARE READING
HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)
RomanceYshanicka‚ a simple and beautiful lady. decided to work in Manila to support the expenses of her mother and her younger sister, regarding her knowledge, she met a man who had no idea if it would change her life or make it worse.