xxviii

931 17 0
                                    

Kinaumagahan, late akong nagising kaya late rin akong nakatulong kila manang.

Noong gabing 'yon ay hindi na ako bumalik pa sa baba, deretso na ako natulog dahil wala na ako sa mood. Bahala na kung tatanggalin ako nila ma’am Andrea sa trabaho. Wala akong pakealam.

Pagkababa ko ay nandoon na rin si ma’am Andrea, Gavin at Kaella. Ano pa ba ang madadatnan ko, siyempre sila.

Hindi ko na lang pinapansin sila Gavin at Kaella. Kahit na alam kong ang tingin nila ay nasa akin.

“ma’am Andrea, ako na po” malumanay na saad ko kay ma’am Andrea na nagpupunas ng table

“oh ija, did you cry? namamaga ang mga mata mo” tanong niya sa akin na ikinayuko ko naman.

Umiling lang ako sa kaniya ‘tsaka kinuha ang pamunas.

“pwede ka namang mag open up saamin ngumiti siya bago umalis.

Kung madali at puwede lang akong mag open at sabihin sa inyo ito ma’am, tiyak ay pati kayo maguguluhan kung kayo ang nasa sitwasyon ko ngayon.

It's complicated talaga, hindi ko alam kung bakit ako pinaparusahan ng ganito. Wala naman akong nagawang kasalanan para ganito ang ibalik sa akin

Pinunasan ko na ang mesa. Mabilis ko itong ginawa dahil hindi ako maka focus, naririnig ko kasi ang kwentuhan at tawanan nila Kaella kaya na d-distract ako.

Pagkatapos ay nagtungo ako kay manang na nasa bakuran, nagwawalis.

Napalingon naman sa akin si manang.

“okay ka lang ija?” tanong niya.

Tumango ako sa kaniya. Ayos lang, mawawala rin ito, sigurado ako.

Lumapit siya sa akin ‘tsaka ako niyakap, doon na ako humagulgol.

Masakit.

“m-manang, sabi niya mahal niya ako”

“shh, tahan na ija. sinabihan na kita noon na mag iingat ka diyan kay Gavin”

May yapak na paparating ngunit wala kaming pakealam ni manang Laurin. Patuloy lang ako sa pag-iyak, kung ito ang paraan para mapagaan ang damdamin ko ay kahit umiyak pa ako magdamag.

“kakausapin ko lang si Ishan, manang” saad nito sa amin

Napalingon kami ni manang, si Gavin.

Bakit na naman ba Gavin? Pagkatapos mo akong gaguhin ulit, ano na naman ba itong pakulo mong tarantado ka.

Akala ko ayos na lahat eh, pero may ganito pa palang mangyayari. Nakakainis ka Gavin, lagi mo na lang akong sinasaktan, wala naman akong ginagawang masama sa iyo. Minamahal lang naman kita eh, masama ba ang mahalin ka, Gavin? Kung oo edi ako na ang makasalanan

Tinignan ako ni manang, tinapik ko naman ang balikat niya at ngumiti. Kaya ko ito, kaya ko siyang harapin. Hindi mahina si Yshanicka. Hindi..

Pinunasan ko muna ang luha ko bago tuluyang harapin si Gavin.

“anong ka dramahan iyan Yshanicka!?” sigaw nito sa akin at kasabay ng pagtaas ng isang kilay niya

“s-sir wag naman po kayong sumigaw” mangiyak ngiyak kong saad dito. Nasasaktan ako kapag nasisigawan ako.

“I DON'T CARE! CAN YOU JUST ACT NORMAL? EVEN WITH MY FIANCE!”

He shouted at me so loud, I can't deal with it anymore. I feel like about to cry, alam niya naman na ayaw ko ng napagtataasan ng boses....

Napatingin ako kay. “Gavin akala koba ako ang m-mahal mo?” desperada kong tanong sa kaniya.

I love him so much, to the point na kaya kong ibigay sa kaniya ang lahat. Maging ang sarili ko.

Tumingin siya sa akin at diniinan ang paghawak sa isang braso ko.

Kahit na nasasaktan ako sa ginagawa niya ay wala naman akong magagawa, malakas siya eh.

“‘yung mga nangyari saatin, just forget about it”

“lahat lahat, pati na ang mga sinabi ko sa’yo noon. JUST FORGET EVERYTHING!”

Sigaw niya bago ako binitawan.

Aalis na sana ito kaso hinila ko ang kamay niya. “Gavin, s-sabihin mong mahal mo pa ako” mangiyak ngiyak kong saad sa kaniya.

Please Gavin, just this time, sabihin mo naman sa akin na mahal mo ako oh.

Walang alinlangang tinakwil ni Gavin ang kamay ko.

“i don’t love you Yshanicka, all this time i was in love with Kaella”

“b-bakit sa kapatid ko pa, Gavin! bakit!” sigaw ko rito bago tuluyang iwan ako.

It hurts a lot...

Ilang araw na rin ang nakalipas, ilang araw na rin na wala na kaming komunikasyon ni Gavin.

Maybe that's for good, Siguro ay sarili ko na lang muna ang isipin ko. Wala naman na akong mapapala kay Gavin.

I am willing to give him everything I can, kaya gagawin kong palayain siya. Mahirap man pero alam kong unti unti ay magagawa ko ito!

Sa nagdaang mga araw, tinanggap ko na lang ang lahat.

Na hindi talaga para sa akin si Gavin. At kailanman ay hindi mapapasa akin ang isang Gavin Octiviano.

Nasa sofa sila ma’am Andrea, sir Justine, sir Gavin, at si Kaella.

Kahit nasa malayo ako ay rinig ko ang pinag uusapan nila.

“okay son‚ paghahandaan natin ang kasal niyo. kailan niyo gusto?” tanong ni sir Justine.

Uys, ikakasal na pala si idol niyo.

“sa friday? para mas mapadali, dad” si Gavin.

Wala na akong narinig na boses pagkatapos no’n, kaya naisipan kong sumilip. Si Kaella na lang ang nandoon.

Lumapit ako kay Kaella na nag ce-cellphone

ikakasal kana” saad ko rito ‘tsaka umupo sa tabi niya.

Napalingon naman ito sa akin ‘tsaka in-off agad ang cellphone.

I miss her that much.

“a-ate”

“ate sorr-”

Hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya.

“wala kang kasalanan, Kaella” saad ko rito at ngumiti.

“ate hindi ko naman alam na may namamagitan sa inyo” sambit niya.

Niyakap ko siya. “shh, do you love him?” tanong ko sa kaniya.

Kumawala naman siya sa pagkakayakap ko.

“oo naman ate”

Ngumiti ako.

“just promise Kaella, don’t hurt him” saad ko at hindi ko na napigilan ang luha ko.

Niyakap ako ni Kaella. “sorry ate, but i promised”

“para sa kaligayahan mo, kapatid ko!”

Kumawala ako sa yakap niya.

“oh siya, maiwan na kita mrs. Octiviano” saad ko sa kaniya sabay tawa bago siya tinalikuran.

Mahal na mahal ko si Gavin, mahal ko rin ang kapatid ko.

Masaya ako para sa kanila, sana ay hindi niya lang sasaktan at gagamitin ang kapatid ko katulad ng ginawa niya sa akin.

Dahil kapag ginawa niya iyon, ako ang makakalaban niya.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now