CHAPTER 1

3 1 0
                                    

"Happy! Bangon na naghihintay na si Giselle sa labas!" Mabilis akong napalikwas ng bangon sa sigaw ng mama ko.

Oo nga pala nakalimutan ko may camping pala kami. Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nagsuklay bumaba na agad ako. Nakita ko si Giselle kasama si Clark sa sala nagkukulitan.

"Sorry nakalimutan ko may camping pala tayo ngayon." Tumayo sila.

"Tara na! Bilisan na natin. Naghihintay na sila Jerome sa gate ng school!" Mabilis naman kaming tumakbo palabas.

Buti may dalang sasakyan si Clark kaya mabilis kaming nakarating sa school. Nakita ko sila Bella, Henry at Jerome. Kumaway sila sa akin. Nakita ko ang bus.

Shit kanina pa siguro sila naghihintay. "Pasensya na, na late ako." Kinuha ni Henry ang bag ko at pumasok sa loob ng bus.

School camping namin ngayon. Taon taon 'to ginagawa kaya taon taon din akong nalalate sa ganitong araw.

"Sanay na kami kahit 'yong mga teacher hindi ka na nila hinanap, eh." Sabi ni Bella na natatawa.

Pagkapasok namin sa loob sabay sabay na buntong hininga ang mga studyante pati mga guro kaya nag peace sign nalang ako.

"Hoy! Happy, tabi tayo!" Tumabi ako kay Bella. Magkatabi si Giselle at Clark. May relasyon kasi kaya gano'n habang si Henry naman at si Jerome ang magkatabi.

"Alam mo ba saan tayo mag ca-camping ngayon?" Baling na tanong ni Bella sa'kin.

Busy ako kakakuha ng mga snack. Masarap kasing kumain kapag nasa biyahe. Gawain namin 'yon. Kaya hindi ko siya nasagot.

"Nandiyan ba favorite ko na Mang Juan?" Singit bigla ni Jerome. Kinuha ko ang binili kong Mang Juan at hinagis sa kaniya.

"Akin?" Pagpapa cute ni Henry.

"Ito na... Ito rin sa inyo." Sabay bigay ng mga chichirya sa kanila.

"Hoy 'yan ba 'yang bagong release na android? Ang ganda... Kailan kaya ako bibilhan ni mama?" Napalingon ako kila Giselle. Nakita ko siyang hawak hawak ang bagong release na cellphone na Oppo.

"Hoy meron ako niyan." Kalabit sa'kin ni Bella sabay labas ng new phone niya.

"Dinala ko 'to para may pang picture tayo mamaya... halika picture tayo." Nag peace sign naman ako sa camera.

"Hala! Bella meron ka rin? Dali picture tayo." Tinawag niya sila Jerome at Henry.

Sabay sabay kaming nagsabi ng peace. Oo, instead na cheese, peace para maiba naman, Sabay signature pose naming peace sign din. Mag 2019 na next year kaya sobrang nakaka excite.

Nasa grade 11 na kami at nasa ABM strand kami. Since elementary magkaibigan na kami kaya kahit saan hindi kami naghihiwalay. Sabi nga ng mga magulang namin baka pati pag-aasawa nasa iisang bobong pa rin.

Ang ganda! Nasa Glory Beach kami hindi siya sikat na resort pero maganda. Hindi crowded kaya mas masarap dito mag camping.

"Itayo niyo na mga tent niyo. Boys sumunod kayo sa'kin hindi pwede magkatabi ang tent area ng mga boys at girls." Sabi ng teacher namin. Sumunod naman sila.

Bigla ko tuloy naalala nangyari last year. May nangyari na kababalaghan kasi. Nagulat talaga kami dahil ang ingay nila. Alam niyo na 'yon kaya ayon na expelled sila, kasama ang dalawa ring kasangkot nila. Nagpalitan kasi sila para makasama mga jowa nila. Napaaga nga uwi namin non, eh. Kaya ayon pinaghiwalay ngayon.

"Nakakadiri talaga last year." Komento ni Bella. Siya kasama ko sa tent habang si Giselle kasama naman 'yong kaklase namin.

"Kalimutan mo na 'yon. Mag focus ka nalang diyan sa tent, chismosa nito." Saway ko sa kaniya. After that we went to a restaurant to eat. We paid 2000 pesos each for this camp.

Huling Hiling na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon