CHAPTER 3

2 1 0
                                    

Foundation day ngayon. Nasa room ako nakatambay dahil ayaw ko makisali sa event sa gym ang boring kaya. Mamayang gabi lang naman masaya kasi may Zumbubble na magaganap.

Nakarinig ako ng yapak kaya nag madali akong nagtago sa likod ng pintuan. Walang katao tao dito dahil lahat sila nasa gym bawal kasi tumambay sa room kapag may event baka daw may kung anong gawin.

Parang hindi sila dumaan sa pagiging studyante tapos tinamad, ah! Sumilip ako wala ng tao kaya nagmadali akong tumakbo para bumaba. Delikado kapag may nag roronda na kasi babalik at babalik sila.

Mabilis akong pumasok sa isang classroom nang mapansin ko na may paakyat. Sa likod ng basuran ako nag tago.

Walang dumaan kaya tumayo na ako.

"Muntik na 'yon, ah!"

"Why are you doing here?" Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Isa rin kasi siya sa nag roronda. Officer kasi ng school ang bebe ko. Vice president ata.

"A-Angel ay este Skyrim." Nauutal kong sabi.

"How did you know my name?" He asked coldly.

Nilalamig ako sa coldness niya, ah. Infairness din ang isang 'to kahit malamig ang pakikitungo sa'kin pero napapataranta niya ako.

Paano ko ba sasagutin ang tanong niya? Sabihin ko bang sa kaibigan ko?

"Kay Bella." Sagot ko na nakangiti.

Kumunot ang noo niya. "Who's Bella?" Tao malamang.

Syempre hindi 'yon ang sinagot ko baka masuntok pa ako. "Kaibigan ko."

"Hindi ba ako pwede na dito nalang? Alam mo na, boring kasi sa gym." Tanong ko sa kaniya.

"Alis." Masungit na sabi niya. Sa sagot palang niya alam ko na anong sagot sa tanong ko. Gusto ko pang mag stay, eh. Pero sige na nga baka may makakita pa sa'kin dito baka isipin nag dadate kami. Napangiti ako. Pwede rin naman.

Natawa ako sa iniisip ko. "Why are you laughing?" Napatigil ako.

Umiling ako. "Wala! Diyan ka na, babye!" Paalam ko sabay takbo paalis.

Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang gwapo niya kapag nagsusungit. Kinikilig na naman ang bilbil ko.

Masaya akong pumunta sa gym. Ginanahan ako dahil sa nangyari kanina. Ikaw ba naman na nakita ang crush mo. Hindi ka ba gaganahan?

"Wow! Happy, first time nandito ka. Nahuli ka ano?" Bungad sa'kin ni Giselle habang may subo-subo na lollipop. Nasa tabi niya si Clark nakaupo habang naglalaro ng mobile legends. Bakit ko alam? Naka full volume, eh! Siraulo hindi takot mapagalitan.

Wala sila Henry at Jerome. Si Bella naman nasa unahan na 'yon. Alam ko kasi contestant ang crush niya sa singing contest.

"Nahuli ang puso ko." Hirit ko sa kaniya pero hindi pinansin. Sayang kukuwento ko sana ang love story namin ni crush.

"Nga pala saan sila Henry at Jerome?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa canteen. Nagutom kaya bibili lang daw sila nag pagkain. Kanina pa nga 'yon, eh. Until now wala pa rin." Sagot niya sa'kin.

"For sure tumakas ang mga 'yon." Gay pageant at singing contest ngayon kaya maraming nanonood. Hindi naman sa ayaw ko sa LGBT pero hindi talaga ako mahilig manood ng mga pageant. Kung may boxing lang sana manonood ako.

"Excited nako mamayang gabi, hahanapin ko talaga si Crush tapos didikit ko talaga ang boobs ko sa kaniya." Gulat na gulat kami sa biglaang pagsulpot ni Bella.

Huling Hiling na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon