"Iho, kain ka lang damihan mo. Ang gwapo mo iho suwerte ang magiging girlfriend mo." Puri ni mama kay Skyrim.
Syempre naman ma, ang suwerte saka ikaw din kapag naging jowa ko siya. Huwag kang mag-alala ma, malapit na kunti nalang jowa ko na siya.
Kumuha ako ng tubig nang mapansin ko na wala pala siyang tubig. Habang sinasalin ko ang tubig napansin ko pagkurba ng labi niya pero nawala naman agad.
Ngumiti siya. Omg! Ngumiti siya!
"Anak ano ba 'yan!" Biglang may umagaw ng pitsel sa kamay ko. Doon ko lang napansin na umapaw na pala ang tubig sa baso.
Nakatayo si Skyrim habang pinapagpag ang tubig sa shirt niya.
Hala nakakahiya!
"Sorry sorry hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng tawad. Pinigilan niya naman ang kamay ko.
"It's fine." Nakatingin lang ako sa kaniya habang si mama pumunta sa taas.
"Iho, ito damit hindi pa 'yan nagagamit kaya ayos lang gamitin mo." Nanlaki ang mata ko dahil damit ko 'yong binigay niya. Oversized shirt ko na binili ko sa mens store.
Papalag sana ako favorite ko 'yon pero naisip ko rin. Why not ipagamit ko diba? At least may reason siyang makita ako if ever ibabalik niya o ako.
Kinikilig ang bilbil ko.
After naming kumain na wala naman akong ginawa kundi yumuko kasi nahihiya sa nangyari kanina ay umalis na siya. Hinatid ko naman siya sa may gate.
"Sorry kanina. Nabasa pa ang damit mo dahil sa'kin." Hindi siya nakatingin sa'kin.
Nakakabulag siguro ako tignan dahil sa kagandahan ko. Echos!
"It's fine. I have to go. Thank you for this." Tinaas niya ang paper bag na may laman na ulam.
"Sus wala 'yon." Hahampasin ko sana siya kasi feeling close ako pero humakbang paatras.
Tss! Hawak lang, eh.
"Bye." Para naman akong bata na binigyan ng candy kakatalon sa kilig.
"Ano 'yan delulu era mo?" Napatigil ako pag i-imagine ng may sumulpot sa harap ko.
"Bella, ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Wala, bored ako sa bahay." Sagot niya.
"Ay wow kay ganda ng bahay niyo may wifi pa tapos aircon then ma bo-bored ka?" Sarcastic kong sabi.
Hinampas niya ako ng dala niyang chihirya. "Walang tao sa bahay ako lang mag-isa. Ito o binilhan pa kita ng favorite mong chichirya."
Mabilis ko namang kinuha sa kamay niya ang chichirya.
"Ay wow thank you." Nang aasar na sabi niya.
"Your welcome." Ganti ko. Pumasok na kami sa loob. Nagmano naman siya kay mama saka kami pumasok sa kwarto ko.
"Nga pala nakita ko si Skyrim kanina. Galing ba siya ito?" Tanong habang may subo-subo na pagkain.
"Ang baboy mo lunukin mo nga muna 'yan." Bigla ko naman naalala ang kanina. Hindi ko mapigilang mangisay sa kilig.
"Hala medic medic! Hahahaha" natawa rin ako sa reaction ni Bella.
"Magiging jowa ko na siya after." Walang ano-anong sabi ko sa kaniya.
Muntik pa siyang mahulog sa kama sa gulat.
BINABASA MO ANG
Huling Hiling na Pag-ibig
Teen FictionPaano kung bibigyan ka ng huling hiling? Susugal ka ba sa pag-ibig na hindi para sa'yo?