Chapter 5

1 0 0
                                    

Halos sumubsob na ako sa daan kakatakbo makaalis lang. Late ako! Hindi lang late. Sobrang late 10 am na ngayon at third subject na namin. Ang nakakainis pa wala akong masakyan.

Pagkarating ko sa gate kitang kita ko pagkakunot ng noo ni kuya Guard. Confident akong ngumiti kaniya.

"Hi, kuya Guard. Long time no see." Tumawa ako ng peke. Ginaya naman ako ni kuya Guard.

"Sir, late ka ulit. Ginagaya ka na ata nito ni ma'am." Sabay duro niya sa'kin. Lumingon ako para makita sinong kausap niya.

Estudyante rin dito tapos magulo ang buhok, mukhang bagong gising. Wala siyang dalang bag. Katawang lupa niya lang talaga ang dala niya. Halos mahulog ang panga ko sa kulay ng mata niya. Blue-gray eye. This is my first time makakita ng ganitong kulay na mata. Sandali parang familiar siya hindi ko lang alam saan ko siya nakita.

Mabilis akong umiwas nang tumingin siya sa gawi ko. Mabilis naman akong pumasok sa loob campus. Nakalimutan ko ngang dumaan sa STEM room kasi nagmamadali ako.

Pagkapasok ko walang teacher. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nakita nila ako at sabay nagpalakpakan.

"Grabe pinakamalalang late mo 'yan. New record!" Sigaw ni Clark siya ang may pinakamalakas na palakpak.

"Siraulo na late ako nang gising." Pagdadahilan ko.

"Alam mo ba inaaway ako ni Jerome." Parang batang nagsusumbong sa'kin ni Bella.

"Jerome, umamin ka na kasi." Bumaba ang kilay ni Jerome sa sinabi ko.

"I don't like her." Sabay walk out.

"Kala mo rin gusto kita heh!" Sigaw ni Bella sa kaniya.

"May ginawa ba tayong activity kanina?" Kinakabahan na tanong ko. Umiling si Bella.

"Wala, swerte mo may meeting kanina sa faculty kaya save ka." Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya.

"Buti naman. Oo nga pala may kilala ka bang lalaki na may blue-gray eyes?" Si Bella kasi maraminh kilalang tao.

Mahilig kasi siyang mag boy hunting. Kung sinong gwapo crush niya kaya hindi na ako magtataka kung marami siyang kilalang tao. Pwede na nga siyang mag apply bilang taga hanap ng nawawalang tao. Kidding aside.

"Blue-gray eyes? Parang hindi, pero familiar parang may nakita na ako hindi ko lang maalala." Sabi niya habang nag-iisip.

"Tama! Si Peter." Nakangiti niyang sagot. Kumunot ang noo ko.

"Peter?" Sunod-sunod naman siyang tumango.

"Yeah! Peter Villarosa. STEM student, bihira mo lang siyang makita dahil minsanan lang siya pumasok at late pa." Sagot niya.

Kaya pala hindi ko siya kilala. May lahi siguro siya. Sinampal ko ng mahina ang sarili ko. Hindi pwede. Skyrim lang ako, hindi ako puwede mag cheat. It's against the rule.

"Omg! Skyrim." Napatingin naman ako bigla sa labas. Si Skyrim nga kausap si sir Geff. Bumilis ang tibok ng puso ko nang pumasok sa loob ng classroom si Skyrim. Dinig na dinig ko ang mga boses ng mga haliparot sa likod ko.

"Good morning. Sir Geff asked me for permission to be your temporary student-teacher for his subject just for today only." He said.

Ganoon ba siya katalino para gawing student-teacher? Grabe na talaga ang asawa ko. Oo nga pala meeting pa rin sa faculty. Ito talaga si sir Geff walang patawad. Hindi ba puwede free time nalang namin ito?

"For you, what's the purpose of saving?" Tanong niya sa pagsisimula niya.

Daming nagtaas ng kamay. Kahit gusto ko magtaas ng kamay, nahihiya ako baka mali ako. Basic lang naman 'yong tanong pero crush ko 'yan. Bebeloves ko. What do you expect? Magiging confident ako knowing na matalino 'to baka maging katapusan na nang lovelife ko na 'to.

"Ms. Nakayuko." Tawag niya. Teka wala naman kaming kaklase na Nakayuko ang surname.

Naramdaman ko na may sumiko sa'kin kaya tumingin ako. "Ano?" Mahina kong tanong.

"Tinawag ka?" Mabilis namang umangat ang tingin ko sa harap.

Kitang kita ko pagtaas ng kilay ni Skyrim. Shit ako pala tinutukoy niya.

"Ms. Lopez po." Hindi ko alam tama ba lumalabas sa bibig ko. Tulong!

"Ahhh... Ehhh.... Ihhhh..."

"Oh uh?" Naiinis na pagdugtong niya.

"Simple question but you can't answer it?" Pa'no ako makakaisip ng matino kung crush ko 'yong nagtatanong pero bahala na.

"Saving is the purpose." Malakas nagtawanan lahat ng kaklase ko even my friends. Sila ang pinakamalakas with hampas pa 'yan.

Napalunok nalang ako sa sagot ko habang napailing siya.

"Ay mali mali take two!" Natataranta at nahihiya kong bawi.

"The purpose of savings is to save." Nagtawanan ulit sila. Tangina ano bang pinagsasabi ko.

"Teka lang! For example: kung wala ka ng pera pwede 'yong savings yong gamitin mo diba. Like magpapakasal tayo edi mag save tayo para may pera para sa kasal ganoon." Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ko.

"You mean the two of us?" Tanong niya kaya tumango ako. Nag gesture siya na umupo ako kaya umupo ako.

"What the fuck is that girl?" Shock na shock na tanong sa'kin ng katabi ko.

"Why?" Doon na unti-unti nag process 'yong sinabi ko. Sinabi ko bang magpapakasal kami? Sinabi ko ba talaga?

Sa sobrang hiya ko sinubsob ko ang mukha ko sa arm table ang mukha ko. Taena nakakahiya. Kaya pala ang tahimik. Sumilip ako kay Skyrim. Unbothered lang siya. Mas lalong nakakainis. Hindi ba siya naapektuhan?

Hanggang matapos ang klase niya nakayuko lang ako. Alam ko aasarin nila Giselle kaya mabilis akong tumakbo paalis. Dinig na dinig ko tawanan nila. Mga walang hiyang kaibigan!

Paliko na sana ako para bumaba sa hagdan ng may nabunggo ako.

"Sorry hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin.

"It's fine." Hindi ako makagalaw nang mabosesan ko siya.

"Next time huwag kang yumuko. Especially sa klase ko, Ms. Lopez." Sabi niya sabay alis. Ang puso ko kailangan... Kailangan niya ng heart transplant!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huling Hiling na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon