liham ng pamamaalam

296 0 0
                                    



hindi mo mababasa ang sulat na ito. hindi. hindi mo malalaman na minumulto ako ng mga ngiti mo.


hindi ko hahayaan na mabasa mo kung gaano ko pinilit tapusin ang liham na ito dahil ang totoo? ayoko naman talagang magpaalam. ayoko naman talagang bumitaw. pero kailangan. pero dapat. ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na hindi na, tama na, wala na? pero natatagpuan ko pa rin ang sarili kong bumabalik sa'yo; bumabalik sa mga ala-ala mo na pilit kong binabaon sa limot.


pero hindi mo yun malalaman. hindi ko ipapaalam sa'yo na umasa ako sa mga salitang binitawan mo na para bang mahal mo rin ako. hanggang sa huli, hindi ko sasabihin na nahulog ako sa mga hawak mo, sa mga tawa mo, sa mga kilos mo.


hindi ko hahayaan pagtawanan ako ng mundo dahil alam ko naman na kaibigan lang ako pero naghangad ako ng higit pa dun.


kaya magpapaalam ako ng tahimik, walang ingay, tanging ang puso ko lang ang makaririnig sa impit kong pagluha. 


at ang sulat na ito'y ililibing ko sa ilalim ng dagat, hindi mapapansin nino man, gaya ng hindi mo pagpansin sa aking nararamdaman.


a box of letttersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon