Hindi na ko iiyak

36 0 0
                                    

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magsusulat ng mga liham na hindi mo naman mababasa. Siguro hanggang sa dumating ang panahon na matanggap ko na hindi talaga ako. Hindi talaga ako ang pinili mo.

Wag kang mag-alala, hindi na ako umaasa. Nung nakita ko yung mga ngiti mo nung kasama mo siya, hindi na ko umasa. Nung nakita ko kung paano mo siya tingnan-yung tingin na alam kong para sa kanya lang, yung tingin na para bang siya lang ang nakikita mo, yung tingin na tumatagos sa kaluluwa, yung tingin na lagi kong binibigay sa'yo, yung tingin na kahit kalian, hindi mo maibigay sa akin: hindi na ako umasa.nung nakita ko kung paano mo hawakan ang mga kamay nia- may pag-aangkin; may pagpapahayag na ikaw ay sa kanya at siya ay iyo: hindi na ko umasa.

Pero gusto kong malaman mo na nadudurog ako. Nadudurog ako kasi may mga sakit na gusto mong ilabas pero hindi pwede dahil wala kang karapatan .kasi hindi naman nagkaroon ng kayo. Hindi nagkaroon ng tayo. Walang luhang pwedeng pumatak dahil hindi maiintindihan ng mundo kung bakit ka nasasaktan.

Nadudurog ako kasi hindi ko alam kung paano ba wawakasan ang isang kwentong wala naman talagang simula.

Nadudurog ako kasi hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang mga alaalang iniwan mo. Nararamdaman ko pa rin ang haplos ng iyong mga kamay sa tuwing nilalamig ako; naaalala ko pa rin yung mga patawa mo sa tuwing nalulungkot ako; naaalala ko pa rin kung paano mo tawagin ang pangalan ko. Parang isang musika na paulit-ulit tumutugtog sa isip ko. hanggang sa ang katahimikan ng gabi ang magbalik sa akin sa katotohanan na wala ka na sa buhay ko.

Nadudurog ako dahil hindi ka nanatili. Pero mas nawasak ako ng maintindihan ko na ang dali-dali para sa'yo na piliing saktan ako. Ang dali-dali sa'yo na umalis, na mang-iwan.

Nadudurog ako. At kasabay ng pagluha ko ay ang pangakong hindi ako mananatiling durog. Hindi ako mananatiling wasak.


a box of letttersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon