wala na. wala na talaga.

14 0 0
                                    


darating ang araw na hindi na babanggitin ng mga labi ko ang pangalan mo. hindi na hahanapin ng sistema ko ni amoy ng pabango mo. darating ang araw, magiging isang kuwento ka na lang. isang kuwentong kailangan wakasan kahit wala naman talagang simula.

isang araw, mabubuo akong muli. at sa pagkakataong iyon, hindi mo na ako muling madudurog. hindi na muling luluha sa pagbanggit ng pangalan mo. hindi na muling aasa sa mga pangakong hindi natutupad.

mabubuo akong muli. iibig akong muli. hindi na sa'yo. hindi na ikaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

a box of letttersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon