Chapter 3

4 0 0
                                    

Chapter 3



Nagulat si Storm sa sigaw ng babaeng ito sa tabi niya.

Gusto niyang magalit dito mula pa kanina nang mapansin niyang lumapit pa talaga ito sa kanila ng hostage taker habang kinakausap niya ang huli.

Why did God created such stupid person? May gana pa talagang makiusisa ang babaeng ito sa kabila ng mapanganib na sitwasyon? Tsk!

And the child, for God's sake! Hindi na makahinga ng maayos ang bata sa higpit ng pagkakahawak sa leeg ng hayop na hostage taker na ito! He could easily drag the man's arm to get rid of the child if he wants to. Ang kaso lumayo ito nang mapansing papalapit ang pakialamerong babaeng ito. Kung hindi ito lumapit kanina, makukuha na sana niya ang bata! At ngayon, mukhang lulubus lubusin na nito ang pakikialam. He didn't care if she's a member of press or whatever!

"Ikaw! Oo, ikaw na walang magawa sa buhay kundi ang mandamay ng isang inosente at walang kalaban-laban na bata!", sigaw ng babaeng pakialamera.

He wanted to stop her at baka magalit ang hostage taker at tuluyan ang bata but---

"Hindi mo ba alam na sa ginagawa mo, mas lalo mo lang pinalaki ang problema mo?!", walang tigil na sigaw nito. See?! How could he even let her stop kung walang tigil ang bibig nito?

"Wala kang pakialam! Wala kang alam!", ganting-sigaw ng hostage taker.

"Wala talaga kong alam sayo! At lalong wala akong pakialam sa kung ano man ang problema mo sa mundo! Kaya pakawalan mo na ang bata! Wala ka bang balun-balunan ha?!", sigaw ulit ng babae.

What the heck?! Balun-balunan?!

"Manahimik ka kung hindi tutuluya---", sigaw ng hostage taker na kaagad pinutol ng babae.

"Edi tuluyan mo! Wala naman akong pakialam diyan! Hindi ko naman iyan kaanu-ano!", sigaw ng babae.

"What the hell are you saying?!", hindi niya napigilang sigaw sa babae at kaagad itong hinila sa isang gilid palayo sa hostage at hostage taker. Naaawa siya sa bata na nanlaki ang mata sa takot sa sinabi ng walang pusong babaeng ito!

Anong gusto nitong palabasin? Let the little girl die dahil lang hindi nito kakilala? Bitch!

"A-aray ko, ano ba?!", sigaw nito sa kanya nang pabalag niyang binitawan ang braso nito.

"You! Are you stupid? Why did you say such words? Mas lalo mong tinakot ang bata at binigyan ng ideya ang hostag---"

"Alam ko ang ginagawa ko!", sigaw nito na kaagad naman hininaan ang boses. "We should trust each other, okay? The police cannot do anything about this matter dahil walang ginawa ang mga iyan kundi ang tumayo at maghintay kung may mamamatay.  Wag mo kong pangunutan ng noo, mister. Alam kong nakakaintindi ka ng tagalog dahil kakasalita mo pa lang wala pang 20 seconds na lumipas."

Magsasalita sana siya ngunit tinapat lang nito ang hintuturo sa labi niya para tumahimik siya.

"Call all the people you know para dun sa isang milyon na hinihingi niya.  Alam kong nag-aalala ka sa anak mo pero kailangan mo kong pagkatiwalaan. I'm here to help you and your daughter. So, please, let me do the talking and you should take care with the money. Are we clear?", tanong nito sa kanya. Nang hindi siya sumagot ay kaagad lang ito naglakad pabalik malapit sa hostage taker at sa batang hostage na 'anak' niya daw?

Kailan pa siya nagkaanak?

Napabuntong-hininga siya ng malalim at kalaunan ay sumunod rin dito.

He was about to get his phone from his pocket when---

"Ikaw! Anong gagawin mo?!", sigaw ng hostage taker sa kanya.

Nagulat siya ng sumigaw ang babaeng katabi niya. Nang tingnan niya ito ay putlang-putla ang makinis at maputing mukha nito.

"What happened?", tanong niya dito. Pero tila hindi siya narinig nito at lumapit pa lalo sa hostage taker. He cursed.

"Wag, please. Wag mong saktan ang bata. Nakikiusap ako.", sabi nito sa hostage taker na ngayon ay may hawak na rin palang patalim bukod sa dala nitong baril. Napansin niya ring may maliit na sugat na ang bata sa leeg nito kung saan nakatutok ang kutsilyo. And it's bleeding for heaven's sake!

Napatiim-bagang siya. Tinutok ng hostage taker ang baril sa babae. Kaagad niyang inilagay sa likod niya ang babae upang protektahan. He even felt her shiver. Nanginginig ito sa takot. Nasaan na ang kanina lang na tapang nito? Nagtatapang-tapangan lang ba ito?

Storming SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon