Chapter 2

5 0 0
                                    

Chapter 2


"Tara, dun daw iyong gulo!"

"Kawawa naman iyong bata!"

Labis na nakaagaw sa pansin ni Sunshine ang pag-uusap ng dalawang lalaki na mukhang nagmamadali. At ang mas nakaagaw ng pansin niya ay ang salitang 'gulo' na sinabi ng isa sa mga ito.

Napangiti siya ng wala sa oras. Sakto. Mukhang dininig ng langit ang paghihimutok niya. Sigurado siyang ito na ang hinihintay niyang big break sa trabaho.

Nagmamadali siyang tumayo mula sa bakanteng inuupuan kanina at mabilis na sinundan and dalawang lalaki. Tanghaling-tapat pero lakad-takbo ang ginawa niya. Hindi niya ininda ang init at pawisan na siya. Pagliko niya sa isang kanto na nilikuan ng mga ito, tumambad sa kanya ang nag-uumpukan na mga tao-- na sa tingin niya ay pawang mga napadaan lang at nakiusisa sa kumosyon na nagaganap.

Hindi niya alam kung paano siya makakapunta sa unahan para makita niya at makuhanan ang nangyayari. Sobrang dami ng mga usisero kaya hirap siyang makaraan. Nagigitgit na rin siya.

"Excuse me! Press ako! Padaan!",  sigaw niya. Pero parang walang mga narinig ang mga ito at lalo pa siyang nasiksik.

Anak ng--! Mga tsismoso't tsismosa! Sigaw ng isip niya.

Itutulak na sana niya ang mga nasa unahan niya nang magulat siya dahil halos magpulasan ang mga usisero sa kanya-kanyang pwesto habang nagsisisigaw.

"Naglabas ng baril!"

Narinig niyang sigaw ng isang babae papalayo sa kanya. Halos wala ng natira sa pwesto na kanina lang ay puno ng dagat ng mga tao. Mga usiserong tao.

"Huwag kang lalapit! Diyan ka lang!"

Nagulat siya sa sigaw na iyon. Nang tingnan niya ang pinanggagalingan ng boses ay napamata siya. Akala niya ay simpleng awayan lang, hostage taking pala ang nasa harapan niya!

"Wala kang pakelam! Ibigay niyo ang hinihingi ko at pakakawalan ko ang batang ito!", sigaw ulit ng lalaki.

Napalunok siya sa nakikita. Tila napako na siya sa kinatatayuan niya. Hindi pa siya nakakasaksi ng mga ganitong sitwasyon sa trabaho niya. Nabanggit naman niya na isa pa lamang siyang pipitsuging journalist at naghahanap lang ng crime scene para may maipasa na sa editor nila. Hindi naman niya akalain na ganito pala kalala ang tatambad sa kanya. Oo, sanay dapat ang mga tulad niya sa mga sitwasyong ganito, pero kasi, kadalasan na kapag nagkocover siya ng balita, madalas tapos na ang action scene, at tanging naaabutan niya na lang ay mga pulis kung saan iniimbestigahan na lang ang katawan na wala ng buhay. Kumbaga, huli na siya ng dating dahil tapos na ang climax ng pelikulang dapat ay panunoorin niya.

Nagulat siya nang itutok ng lalaki ang baril na hawak nito sa ulo ng bata. Lalong lumakas ang hagugol ng batang babae.

Noon niya lang napansin ang isa pang lalaki hindi kalayuan sa hostage taker. Tila ba kinakausap nito ang huli.

Kailangan mong gumalaw, Shine. Pagkakataon mo na 'to. Hikayat niya sa sarili.

Lumapit siya sa mga ito ngunit kaagad ding napahinto nang tila mapansin siya ng hostage taker, dahilan para matakot ito at mas lalong hinigpitan ang hawak sa bata. Lumayo din ito sa lalaking nakikipag-usap dito dala ang bata.

"Ikaw! Wag kang lalapit!", sigaw ng hostage taker sa kanya.

Napalunok siya at wala sa loob na nilabas ang Press ID niya.

"I-isa kong reporter," lakas na loob na sabi niya dito. Napansin niyang nagsidatingan na ang mga pulis dahilan para mas lumayo sa kanila ang hostage taker kasama ang batang hindi na makaiyak dahil sa higpit ng pagkakahawak sa leeg nito.

"Wag kayong lalapit kundi ipuputok ko to! Papatayin ko ang batang ito!", nahintatakutang sigaw ng hostage taker.

"Don't! Stay calm, please. We'll gonna give you what you want", biglang sabi ng baritonong boses na iyon. Napalingon siya sa nagmamay-ari n'on. Iyon ang lalaking napansing niyang kausap ng hostage taker kanina. At ngayon niya lang napansin ang strong features ng mukha nito nang ilang dipa na lang ang layo nito sa kanya. Gwapo. No. Hindi sapat iyon para ilarawan ito. Para itong diyos na nababanggit sa Greek Mythology.

Stop, Shine! Hindi ito ang oras para maglandi, okay?! Tsaka may Niall ka na!  Napailing-iling siya.

Tumabi sa kanya ang lalaki at naamoy niya ang pabango nito.

Shet lang! Pareho ng pabango ni Niall! Erase, erase! Focus, Sunshine!

"Let's have a deal, we're gonna give you the money in exchange of the little girl", matatas na Ingles ng lalaking ngayon ay katabi niya na.

"Wag mo kong inglesin, gago!", sigaw naman ng hostage taker. "Kayong mga pulis, wag na wag kayong magkakamaling lumapit at magpaputok, kundi tutuluyan ko ang batang ito!"

"Shi*t", narinig niyang mahinang bulong ng lalaki sa tabi niya. Ramdam niya din ang galit nito base na rin sa pagkakatiim-bagang nito.

"Ibigay mo sa'kin ang isang milyon kapalit ng batang ito, sa loob lang ng isang oras", sabi ng hostage taker at iniharang ang bata sa harapan nito na tila gagawing panangga kung sakaling magpaputok man ang mga pulis.

Nakaramdam siya ng awa para sa bata. Galit na galit din siya sa hostage taker sa ginagawa nito.

"IKAW!", sigaw niya na kinagulat ng hostage taker at ng lalaki sa tabi niya.

Storming SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon