Chapter 4

12 0 0
                                    

Chapter 4


Hindi na alam ni Sunshine ang gagawin. Natatakot siya para sa bata. Kulang na lang ay manlambot ang tuhod niya at maihi siya sa pantalon niyang suot.

Nang nakita niyang naglabas ito ng isang kutsilyo, akala niya ay katapusan na ng bata. Pero, mukhang nadistract ito dito sa lalaking ngayon ay nasa harapan niya at tila pinoprotektahan siya.

Nakatutok ang baril sa kanila ng malaAdonis na lalaking ito. Mahigpit ang hawak nito sa kanya kaya alam niyang natetense din ito.

Napatingin siya muli sa hostage taker. Isang maling kilos lang nito, tiyak na masasaksak na nito ng tuluyan ang bata na ngayon ay wala ng malay dala ng sobrang takot.

Wala na siyang pakialam ngayon sa mga pulis na nakapalibot at binabantayan ang kilos ng hostage taker at humahanap ng tiyempo para mapatay ito. Mga nakatayo lang naman ang mga ito. Walang mga kwenta. Alam niya na rin na on coverage ang nangyayari ngayon. Sa dami ba naman ng media, na medyo malayo sa kanila, tiyak niyang napapanuod na ng tatay Manuel niya at ng kapatid niyang si Carlo ang nangyayari. At siguradong pasugod na ang mga iyon dito.

"Sir, please, ibibigay namin ang perang hinihingi mo. Just give us an hour", pakiusap ng lalaking ito.

Tumitig siya dito. Namumula ang buong mukha nito. Marahil ay dala ng init o ng galit. Pawisan na rin ito, pero kahit na gan'on, hindi pa rin naging kabawasan iyon sa kagwapuhan nito.

Napansin niyang lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Nakakuyom na rin ang isang palad nito. Ngunit, imbis na masaktan, parang mas nagugustuhan niya ang pakiramdam na nakawahak ang kamay nito sa kanya. She felt safe.

Everything was so fast na nakita niya na lang na nakadagan na ang lalaking malaAdonis sa hostage taker. Nagpapambuno ang dalawa. Napansin niya ang batang babae na hostage kanina na nakahiga at walang malay. Kaagad niya itong sinaklolohan.

Hindi siya nag-aalala para sa lalaking iyon dahil alam niyang higit na malaki at malakas ang lalaki kaysa sa hostage taker. Tila sanay na sanay ito na makipagbunuan.

Buhat-buhat ang bata palayo, nagulat siya sa lakas ng tunog na alam niyang putok ng baril. Hinanap kaagad ng mga mata niya ang lalaking malaAdonis. He saw him looking at her with shock in his eyes.

Nabaril ba ito? Ngunit, dagli rin niyang pinalis ang ideya sa kanyang isipan ng makaramdam ng hapdi sa likurang bahagi ng katawan niya. The last thing thing that she saw is when that Greek God ran fast towards her, while she, tightly hugged the little girl to prevent her from the strong impact of her fall.

----

"She'll be awake in a moment now. Her wound is okay but she still need to rest para mabilis na maghilom ang sugat niya. Other than that, everything is alright. I'll be back in an hour to check her again."

Sunshine was awaken with the small talks she heard. When she opened her eyes, sinalubong siya ng puting dingding at ng amoy ng ospital.

Yeah. I'm in a hospital. Kausap niya sa sarili na pilit na sinasanay ang pakiramdam sa lugar kung nasaan siya. When she tried to adjust her position, dahil nakatagilid ang pagkakahiga niya, napaigik siya sa sakit sa bandang likuran niya. Sa kanyang balikat.

"'Tay! Si Ate Sunshine, gising na po!" sigaw ng kapatid niyang si Carlo na kaagad na sumaklolo sa kanya nang marinig ang pag-igik niya. Hindi niya alam na nandito pala ang tatay at kapatid niya.

"Okay ka lang, anak?" nag-aalang tanong ng tatay Manuel niya na ngayo'y nasa tabi na niya.

She tried to composed herself para hindi mahalata ng mga ito na nasasaktan siya sa sugat niya. So, she smiled.

"Okay lang po, 'tay, medyo nahihirapan lang ako sa pagkakatagilid ko."

"You're so stubborn, Sunshine Aragon. Hindi muna kita sesermonan pero hindi ibig sabihin n'on na pinalalampas ko ito. You're almost give me a heart attack", mahabang litanya ng tatay niya habang inaalalayan ang pag-upo niya.

Hindi siya natakot dito. Instead, she smiled happily. Because, for the first time in her entire life, ngayon na lang ulit niya nakitaan ng ibang emosyon ang tatay Manuel niya mula nang mawala sa kanila ang nanay niya. Madalas nang tahimik, galit, at pormal ang tatay niya. But now, it didn't matter to her now that she's here because she was shot, the only thing that matter was her father being so thoughtful right now.

"Tatay naman. Sorry na po", malambing na sabi niya rito nang maging komportable na siya sa pagkakaupo. Nakasandal siya sa headrest ng hospital bed.

"Sya, sya, kumain ka muna at alam kong gutom ka na", sagot nito sa kanya.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang yakapin ng mahigpit ni Carlo, ng hindi nasasanggi ang kaliwang balikat niya.

"Ate ko! Akala ko mawawala ka na sa amin. Bakit mo naman ginawa iyon?", hikbing sabi ni Carlo sa kanya. Para bang nagbalik ito sa pagiging sampung taong gulang kung saan uhugin pa ito.

Wala sa loob na hinaplos niya ang buhok nito tulad ng dati niyang ginagawa kapag pinatutulog niya ito.

"Ssshh. Okay naman si ate a. Don't worry, Carl, hindi madaling mamatay ang ate mo. Malakas ata ako!", nakangiting pagpapakalma niya rito.

Nanatili lang itong nakayakap sa kanya. At mamaya ay parang tila walang nangyari na umupo ito sa isang gilid at nagkalikot ng telepono nito. Natawa na lang siya at napailing.

"Are you really okay?"

Agad na bumaling si Shine sa nagmamay-ari ng baritonong boses na iyon. Si Mr. Adonis. And as usual, no expression at all ang binata.

"Anong ginagawa mo dito?" wala sa loob na tanong niya rito.

Nagkibit-balikat lamang ito at isinuot ang coat nito. Ngayon niya lang napansin na wala na sa ayos ang polong suot nito. Hindi na rin maayos ang pagkakatali ng neck tie nito. Na para bang ilang araw itong walang tulog.

"Well, I just want to check kung okay ka na. But, since mukhang okay ka na nga. I got to go."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Storming SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon