Chapter 32: Yes Master

2.7K 91 13
                                    

A/N: Okay! Wala akong maisip na title. Lol. Enjoy! :D




Chapter 32: Yes Master



PENNY





"Hindi ka pa ba tapos diyan sa ginagawa mo?" impatient na tanong ni Vaughn bago umupo sa harapan ko.


Hindi ako tumingin sa kanya mula sa laptop ko. "Sandaling na lang 'to," sabi ko. Kailangan ko na kasing tapusin ang line up ng designs ko para sa gagawing fashion show sa Paris, three months away from now. Para sa mga susunod na buwan, wala na akong masyadong poproblemahin. Lilipad kasi ako doon for two weeks para sa annual fashion show na ginagawa doon.


"Mukha ka ng zombie diyan. Natutulog ka ba?" pangungulit niya pa rin.


"Opo, natutulog ako," sagot ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.


"We? Ang laki na ng eye bags mo oh. Para kang nag iimbak ng supply sa ilalim ng mata mo para sa tag ulan," he teased.


"Hmm," walang interes na sagot ko. Sanay na sanay na ako sa mga pang aasar niyang ganyan kaya hindi na masyadong tumatalab sa akin.


Pumalatak siya. "Lagi na lang 'yan ang ginagawa mo. Hindi mo na ako pinapansin."


I peered over my lapatop at tiningnan siya. Muntik na akong matawa nang makita ko ang mukha niya. He's pouting while looking at the floor. Mukha siyang batang naghahanap ng atensyon ng magulang. It's been more than two weeks since I stayed here in his condo. At hindi ko pa rin maiwasang ma amuse sa mga ganyang antics niya. "What? Are you for real?" nagpipigil ng tawa na sabi ko. Nakakatawa kasi ang lalaking 'to. Parang bata.


Tumingin siya sa akin at pinaningkitan ako ng mata. "It's true! Hindi mo na ako masyadong pinapansin nitong mga nakaraang araw."


Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi pinapansin? Eh haalos na sa kanya nga ang buong panahon ko. Anong pansin pa ba ang gusto niya?


"Mamaya na 'yan! Massage my back first." Inabot niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya.


"P-pero-"


"Nonsense! Pwede mo namang gawin 'yan sa mga susunod na araw kapag tapos na ang trabaho mo sa akin," he said stubbornly.


I sighed defeatedly at pumwesto sa likod niya. Hay, ayan na naman po siya. See? Anong hindi pinapansin ang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Sa ugali niyang niyan, imposibleng hindi mo siya pansinin.


"There! There," he said with a pleased smile. "You're getting good at this," nakapikit pa na sabi niya.

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon