Chapter 7: Ang Alamat ng Mais 1

10.4K 120 18
                                    

Chapter 7: Ang Alamat ng Mais 1

Peter's POV

Oh!? Gulat kayo 'no!? Akala niyo si Ji-Hoo ng F4 no!? Nagkakamali kayo! Di hamak na mas gwapo ako dun! Ngiti palang eh, wala na yung binatbat. Ako lang naman si Charles Peter Diaz, ang nag-iisang Mr. Pogi sa buhay ng bawat babae sa mundo!

Ehem!

Oo nga pala.

Dalawa pala kami. -.-

Hindi lang pala ako ang nag-iisang may ganito kagwapong mukha sa mundong ito. May ka-share pala ako ng napakagandang blessing na 'to.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo? Kanina ka pa nakatitig sa salamin," singit ni Philip habang nag-aayos siya ng kurbata niya.

Oh, speaking of the devil.

Napatingin ako sa kanya. "Walang basagan ng trip! Dapat palagi natin ina-appreciate ang biyayang bigay ng Diyos," nakangising sagot ko. Tumingin ulit ako sa salamin at ngumiti.

He rolled his eyes. "Narcism. Tabi diyan. Ako naman ang gagamit. May pasok pa ako," he said while forcing me to stand up.

(Narcism means excessive love or admiration of oneself. Came from the Greek "Narcissus"—who fell in love with his own image reflected in a pool of water.)

"Tol, bakit hindi ka na lang sa akin tumingin? Instant salamin na, madadagdagan pa ang ka-gwapuhan mo!" Tumawa ako nang malakas.

Binatukan niya ako. "Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo, Pete! Tabi diyan, mahuhuli na ako!" medyo yamot nang sabi niya.

Tumayo na ako habang hinihimas yung binatukan niya. "Okay, okay! Heto na, tatayo na po," natatawang sabi ko. Napipikon na eh. Tsk, kahit kailan talaga 'tong si Phil, napaka-seryoso sa buhay. Palagi na lang yung law firm ang pinagkaka-abalahan. Ang boring niya! Paper works and meetings! Ugh! Yun ang pinaka-ayaw ko sa lahat.

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon